Toni Gonzaga on first movie with Coco Martin: "I expect for the best and hope for the best."

Toni Gonzaga on working with Coco Martin: "Alam niyo po, ang ibang leading man ko, kapag off-cam, hindi ko sila masyadong nakakausap kasi nga, gusto kong mag-internalize sa character. Si Coco, ang daldal naming dalawa. Palagi kaming usap nang usap. Nakakatuwa siyang kausap kasi, ganyan lang siya, totoo lang siya. Wala siyang pretensiyon. Wala siyang inhibition."


Inamin ni Toni Gonzaga na nasa bucket list niya na makagawa ng proyekto kasama si Coco Martin bago siya ikasal kay Paul Soriano.

Natupad ito sa pamamagitan ng rom-com movie nila ni Coco sa Star Cinema, ang You’re My Boss.

Sabi ni Toni, “Siya ang nasa huli kong check list bago ako mag-asawa.

“Kapag nakatrabaho ko na ‘to, okey na. Pasok sa quota.

“Yun naman po, natupad. Nakuha sa dasal.”

Gaya ng kanyang naging katanungan sa isang kandidata sa Binibining Pilipinas 2015, tinanong ng press si Toni kung nilu-look forward din niya na makatrabaho si Coco “for the second time.”

Mabilis naman niyang sagot, “Second time or third time, I can do it over and over.

“Gaya nga ng sinabi ko, actually kaming tatlo [she, Coco, and director Antoinette Jadaone], parang pare-pareho ang feeling namin sa isa’t isa. Ang gaan lang ng trabaho.

“At ang sarap talagang gumawa ng rom-com lalo na kung ang mga katrabaho mo, very open to learning new things, very cooperative.

“Siguro sa aming tatlo, wala pa akong narinig na nagreklamo at malaking bagay sa lahat yun.

“Sa amin talaga, walang nagrereklamo. Lahat nag-e-enjoy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa press conference ng You’re My Boss noong March 17.

NEW DISCOVERIES. Ano ang mga nadiskubre nila ni Coco sa isa’t isa habang ginagawa nila ang pelikula?

Ayon kay Toni, “Siguro meron kaming common na story na nalaman na lang namin dahil kapag nagse-set up, hindi na kami minsan bumabalik sa tent, nag-uusap na lang kami sa gilid.

“Nakakatuwa dahil sa isang teleserye na nag-talent ako, nag-talent din pala siya.

“Sabi ko, ‘Bakit hindi tayo nagkita?’

“Sa Ikaw Lang Ang Mamahalin [GMA drama series], hindi dito.

“So, yun, nag-uusap kami.

“Sabi niya, ‘Ako yung barkada nung isang artista.’

“Sabi ko, ‘Di nga? Ako ang barkada nung isang artista.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa, kasi yung common denominator namin, we really started from the bottom.

“Talagang nagsimula kami sa audition, sa talents, sa support.”

BEST PART. Dahil unang beses nilang magsama sa isang proyekto, ano ang pinakamagandang parte ng pagiging leading lady niya ni Coco?

Ayon kay Toni, “I guess, the best part is another new working experience na hindi ko makakalimutan.

“Kasi, gaya nga ng sinabi ko, marami na akong nagawang rom-com, marami na akong nakatrabahong leading man, iba yung kay Coco.

“Sabi ko nga, noong nag-taping kami kahapon sa GGV [Gandang Gabi Vice], siya lang ang leading man ko na mas marami akong beses na kinakausap off-cam.

“Alam niyo po, ang ibang leading man ko, kapag off-cam, hindi ko sila masyadong nakakausap kasi nga, gusto kong mag-internalize sa character.

“Si Coco, ang daldal naming dalawa. Palagi kaming usap nang usap.

“Nakakatuwa siyang kausap kasi, ganyan lang siya, totoo lang siya.

“Wala siyang pretensiyon. Wala siyang inhibition.

“Yung mga pag-uusap namin tungkol sa buhay, tungkol sa mga trabaho, sa pamilya.

“Talagang ano lang, dire-diretso. Masarap kausap si Coco.”


PERFECT TIMING. Puring-puri naman ng direktor ng You’re My Boss na si Antoinette Jadaone si Toni. Sobrang perfect na raw ng timing nito sa pagpapatawa.

Reaksiyon dito ni Toni, “Siyempre, coming from a controversy [Binibining Pilipinas] at may maririnig kang perfect, ang sarap ng feeling, kasi imperfect ka sa ibang tao!

"Siyempre, masarap pong katrabaho si Direk Antoinette."

Patuloy niya, “Kausap ko yung glam team ko, sabi ko, ito yata ang isa sa pinakamagaan na set na napuntahan ko.

“Kasi usually si Direk, kapag tinitingnan ko, kapag medyo maggagabi na at hindi pa kami tapos, hindi siya natataranta, hindi siya nate-tense.

“So kami, as actors, hindi kami napi-pressure na mag-deliver, hindi kami napi-pressure na galingan.

“Lumalabas yung pagiging spontaneous at natural namin sa eksena, kasi nga, walang pressure sa director namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinahayaan niya kaming mag-grow at palawakin yung eksena.

“I think naman, I’m always a work in progress.

"Kahit na gamay ko na ang ganitong genre, every project na ibinibigay sa akin, especially kapag may bago akong katrabaho na leading man or director, I always learn something new.

“So, it’s a neverending learning experience.”

HIGH EXPECTATIONS. Tahasan namang sinabi ni Toni na mataas ang expectation niya sa magiging resulta sa box-office ng unang pelikula nila ni Coco.

Sabi niya, “Mataas din po. Tinaasan ko na expectation ko last year.

“At sabi ko nga, kapag nag-e-expect ka pala ng good things, good things din ang mai-imbibe mo, at yun din ang dumarating sa buhay mo.

“Actually, ever since na nag-storycon kami, nag-first day shooting kami, yung expectation ko, hindi na bumaba.

“‘Di ba, palagi nilang sinasabi na you always expect for the worst and hope for the best?

“Dito talaga, I expect for the best and hope for the best.

“Puro best lang, kasi nga, ever since we started rolling ng pelikula, wala, puro good vibes. Napakagaan.

“Yung values na mai-impart namin sa movie, yung matututunan nila.

“And we really guarantee na lahat ng viewers, after watching this film, lalabas kayo ng sinehan na nakangiti and full of realization sa buhay ng bawat isa.

“And I just wanna add, a lot of people have questioned noong sinabi na magkakatrabaho kami ni Coco.

“Parang, ‘Huh? Saan nanggaling yun, wala naman silang chemistry, hindi sila bagay.’

“Pero naniniwala ako na yung mga taong hindi natin inaakalang bagay sa atin, e, yun pala.

“In real life love story, maraming hindi bagay sa isa’t isa, pero sila pala ang meant sa isa’t isa.”

Sa April 4, Black Saturday, ang showing ng You’re My Boss.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN