Laurice Guillen, opisyal na nilunsad ang Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto

by PEP Troika
3 days ago
Cinemalaya 2022, Laurice Guillen
Cinemalaya Foundation President Laurice Guillen, excited sa pagbabalik ng sigla ng mga pelikulang Pilipino sa Cinemala Film Festival 2022. Writer-director Martika Ramirez Escobar, lubos ang pasasalamat na napiling opening film ang obra niya na Leonor Will Never Die.
PHOTO/S: Jerry Olea / Leonor Will Never Die poster

JERRY OLEA:

Maluwalhati ang opening ceremony ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise nitong Agosto 5, Biyernes ng gabi, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

Dumagsa roon ang film lovers, kabilang ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Lahad ng Cinemalaya Foundation President na si Direk Laurice Guillen sa kanyang opening remarks, “Who would have thought in the middle of the pandemic that we will meet again like this?

“Lockdowns, isolation, increased safety protocols, escalating costs and budget beyond what we could afford. And yet here we are!

“Our films would be back on the big screen here at the Cultural Center, and in selected Ayala and SM outlets.

“Our talkbacks and discussions will be face to face. Our juries are here from abroad to watch the films and deliberate in person.

“Slowly we’re getting back to where we were, but not completely.

“We will continue to miss the young and gifted Cinemalaya filmmakers who lost their lives in the battle with the pandemic.

Continue reading below ↓

“We will learn to live with Covid, observing the basic safety protocols that we learned during this time.

“And as has been experienced by the 2022 filmmakers, we will be extremely careful so that we can take the necessary risks.

“So tonight’s opening of the 18th edition of Cinemalaya is cause for joy and optimism.

“It is in that spirit that we welcome the new Cinemalaya films tonight. It has been a very rough ride for them. So tonight is their night.

“Let us catch up with them and with one another. And at the end of the festival, we will introduce the finalists for 2023 who passed the selection process and underwent the film lab late last year.

“And so the process continues. The Cinemalaya moves onward on its journey, and onwards to new challenges.

“And hopefully, we, the new filmmakers, and the future filmmakers from Cinemalaya will stand for the integrity that is a mark of the Cinemalaya films.

Continue reading below ↓

“The independent spirit. So, big congratulations, Cinemalaya. And laban, Cinemalaya!”

Masigabo ang palakpakan kay Direk Laurice, maging sa talumpati ng festival director na si Sir Chris Millado, at sa monologo ni Via Antonio.

Ipinalabas ang trailers ng 12 short films at 11 feature films ng Cinemalaya 2022, at pinagpugayan sa entablado ang filmmakers.

Nagkaroon ng 15-minute intermission bago ipinalabas ang opening film na Leonor Will Never Die, na ang dating pamagat ay Ang Pagbabalik ng Kwago.

Shiela Francisco, Leonor Will Never Die

Continue reading below ↓

Eight years in the making ang pelikula kung saan bida ang beterana sa teatro na si Sheila Francisco bilang Leonor, isang scriptwriter na namayagpag sa local movie industry noong 1980s.

Idolo ni Leonor si Fernando Poe Jr. na ang pseudonym bilang direktor ay Ronwaldo Reyes. Nasa cast din nito sina Bong Cabrera, Anthony Falcon, Rea Molina, Allan Bautista, at ang pwetmalu na si Rocky Salumbides.

Ang Leonor Will Never Die ay prinodyus ng ANIMA at Arkeo Films. Nagkamit ito ng Sundance Special Jury Award for Innovative Spirit sa Sundance Film Festival. Ipinalabas na ito sa Czech Republic, Switzerland at Taiwan.

Pahayag ng writer-director na si Martika Ramirez Escobar, “Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Cinemalaya for embracing us as the opening film.

“Sobrang haba ng relationship namin sa Cinemalaya simula noong high school, nanonood ako…

“Thank you so much, Cinemalaya, for your support hindi lang sa amin kundi sa napakaraming young filmmakers and dreamers na gusto lang talagang gumawa ng pelikula nila.”

Continue reading below ↓

Pinasalamatan din ni Direk Martika ang mga sumuporta sa kanila financially, technically and creatively, maging sa mga naging guro niya through the years.

Dagdag ni Direk Martika, “Iyong project na ‘to, three years siyang nare-reject everywhere until nag-message ako kay Sir Ricky Lee sa Facebook na, ‘Pahingi lang po ng sign kung OK ba yung script or not.’

“So, in-invite niya ako sa house and then, sa kanya ko lang natanggap ang unang small word na compliment pero sobrang… ahh, kaya natuloy yung pelikula at drive ko to make the film.”

HOT STORIES

NOEL FERRER:

“Laban, Cinemalaya, Laban!!!” pagsusulong ni Cinemalaya Foundation President Laurice Guillen.

Pati ang aria ni Sir Chris Millado na Cinemalaya Festival Director tungkol sa pagpapalaganap ng katotohanan ay sinalubong ng masigabong palakpakan.

Nakaka-miss talagang bumalik sa panonood ng sine na may kasamang komunidad. Iba pa talaga sa Cinelamaya. Kasi, naroon ang kulturang kritikal at congenial.

Masaya lang dahil nakaka-identify tayo sa pagkukumahog sa paglakad sa designated screening venues at pagko-compare notes along the way. Hindi lang masyadong naging visible ang mga lead actors sa Opening Ceremonies.

Continue reading below ↓

Marahil, karamihan sa kanila ay sa mga gala premiere na nila magsisipunta. Pero sana, namnamin pa rin nila ang kakaibang Cinemalaya experience. Year 18. Dalagita na ang Cinemalaya!

Sana nga, manatiling malaya at maganda ang mga pelikulang handog. Mapapanood ito buong linggo sa CCP, at susunod, sa piling Ayala at SM Malls nationwide, tapos sa online platforms pa pagkatapos.

Cinemalaya 2022

Continue reading below ↓

Ang tatlong feature film na may gala premiere ngayong Sabado, August 6, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ay Bakit Di Mo Sabihin? (3:30 p.m.) nina Janine Gutierrez at JC de Vera; Kargo (6:15 p.m.) nina Max Eigenmann at Jess Mendoza; at Bula sa Langit (9:00 p.m.) nina Gio Gahol, Kate Alejandrino, at AIR.

Ang book launch ng screenplays ng ating National Artist Ricky Lee ay nakatakda sa Agosto 9, Martes ng 4:00-5:00 p.m. sa CCP 3rd Floor Hallway.

Babasahin ng Young Superstar na si Judy Ann Santos ang monologo ni Elsa sa Himala. Magbabasa rin ng excerpts sina Dingdong Dantes, Agot Isidro, Aicelle Santos, at Gina Alajar, with “Sweet” Lapus as host. Mabuhay ang Cinemalaya!!!

Ricky Lee

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Mararamdaman mo namang safe ka sa loob ng CCP. Madali kang makakita ng dispenser ng alcohol, at in-assure nilang hindi mauubusan ng pang-sanitize.

Meron silang face mask na ipamimigay kung sakaling gusto mong magpalit ng suot mong mask. Napakasipag ng mga ushers nila na nagga-guide sa mga taong pumapasok at lumalabas.

Hindi nila ina-allow ang sabay-sabay na pagpasok. Kapag nakaupo na ang nasa loob, saka ka papasukin. Ina-assure na lahat ay makakaupo. Kailangang huwag magtanggal ng face mask.

Sa mga artists at mga taong involved sa mga pelikulang kalahok, puwedeng magpa-picture ng tinatanggal ang face mask, pero saglit lang.

Araw-araw ay marami ang pumapasok na tsini-check ang vaccination card bago ka makapasok. Pero hindi pa rin matitiyak na lahat na pumapasok ay walang dalang sakit. Kaya kailangan pa rin ang ibayong ingat.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cinemalaya Foundation President Laurice Guillen, excited sa pagbabalik ng sigla ng mga pelikulang Pilipino sa Cinemala Film Festival 2022. Writer-director Martika Ramirez Escobar, lubos ang pasasalamat na napiling opening film ang obra niya na Leonor Will Never Die.
PHOTO/S: Jerry Olea / Leonor Will Never Die poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results