Judy Ann Santos, Allen Dizon to grace Ricky Lee's script reading event

by Jerry Olea
Aug 7, 2022
Ricky Lee
Judy Ann Santos
Allen Dizon
National Artist Ricky Lee (left) is not only launching his book Mga Screenplay Ni Ricky Lee. He's also supporting the works of his protégés launching their own films in Cinemalaya 2022. A highlight of his book launch is a script reading session to be joined by Judy Ann Santos (middle) and Allen Dizon (right).

Mabituin ang book launch ni National Artist Ricky Lee sa Agosto 9, 2022, Martes ng 4:00-5:00 p.m. sa 3rd Floor Hallway ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Tampok sa librong Mga Screenplay Ni Ricky Lee ang mga sinulat niyang classic Filipino films na muling bibigyang-buhay ng mga artistang imbitado sa okasyon.

Kaugnay ito sa indie filmfest na Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise. Iho-host ito ni John “Sweet” Lapus.

Babasahin ni Judy Ann Santos ang monologo ni Elsa sa pelikulang Himala (1982). Manonood kaya ang orihinal na Elsa na si Nora Aunor?

Si Aicelle Santos ay gumanap na Elsa sa Himala: Isang Musikal (2018) pero hindi siya kakanta sa book launch.

Sa halip, babasahin ni Aicelle ang mga linya ng tagapagsalaysay sa Karnal (1983), na ginampanan noon ni Charito Solis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsasagutan sa pagbabasa sina Allen Dizon at Agot Isidro bilang mag-inang Lorenzo at Doña Pina sa pelikulang Cain at Abel (1982).

Ginampanan iyon nina Phillip Salvador at Mona Lisa, respectively.

“Si Gina Alajar, dahil nandun siya sa Salome, Moral, Brutal—mash-up nung tatlong roles ang babasahin,” sabi ni Ricky Lee.

Ricky Lee

Eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika si Ricky matapos ang gala premiere ng Bakit Di Mo Sabihin? nitong Agosto 6, Sabado, sa CCP Main Lobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pa bang mga artista na imbitado sa book launch?

“Yun lang, kasi, health protocol. Kailangan, one hour lang para sa proteksyon na rin ng lahat, e.”

Paano sasalain ang puwedeng manood sa script readings sa book launch?

"CCP ang may ano, e. Sila ang in charge. Sa Monday, pag-uusapan uli kung paano. May mga areas naman sa itaas, e.”

Dumalo si Sir Ricky sa opening ceremony ng Cinemalaya noong Agosto 5, Biyernes, sa Tanghalang Nicanor Abelardo o CCP Main Theater, kung saan opening film ang Leonor Will Not Die.

Panonoorin din ba niya ang gala premiere ng lahat ng Cinemalaya filmfest this year?

“Kasi, seven yata or more, workshoppers ko,” malumanay na tugon ng 74-anyos na multi-awarded scriptwriter.

“Mula sa opening film, kay Marti [Martika Ramirez Escobar], pati sa ibang short films. Sa closing din, involved si Kara Magsanoc.

"Yung mga pelikula rito na Retirada, Blue Room, Bula sa Langit, puro workshoppers, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta so far ang experience niya sa pagbabalik ng Cinemalaya sa CCP matapos maging online ang editions nito sa nakaraang dalawang taon?

“Masarap! Kasi, ilang taon na hindi ako nakapanood na may malaking crowd na kasama,” pahayag ni Sir Ricky Lee.

“Never pa akong nakapanood sa mga sinehan, e, mula nang mag-pandemic. Kahit sa mga preview, hindi pa ako nagpupunta, e.

“Parang first time ko ngayong manood na may malaking crowd, and then bumabalik yung nararamdaman ko dati na nasa palibot mo, lahat halos mahilig sa pelikula.

“Pare-pareho kayo ng hininga! Di ba, pare-pareho tayo ng puso! Kaya ang sarap-sarap!

“Masarap dahil marami akong workshoppers na… eto na! Nagdidirek and so on, yun.

“Malungkot lang kasi, tatlong workshoppers ko na ang nawala, di ba? Sa Batch 21, Joseph Israel Laban, Shandii Bacolod, and then si Cherie [Gil].

“So, medyo malungkot lang kagabi.”

ON LEARNING ABOUT CHERIE GIL'S PASSING

Walang signal sa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo habang may programa roon. Paglabas ng mga tao pagkapanood ng Leonor Will Never Die, agad kumalat ang balitang pumanaw na si Cherie Gil sa edad na 59.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaiyakan ang mga kaibigan ng premyadong aktres.

“Paglabas, bigla! Kami, e… kami rin, nag-iyakan. Kasi, yun na nga, workshopper and then, andami-dami niyang dreams!” bulalas ni Sir Ricky.

“Andami-dami niyang ikinukuwentong gustong gawin.”

Isinulong ni Cherie ang empowerment ng female film makers.

“Yeah, kaya yung kagabi, yung opening night… parang punumpuno ng emosyon sa pelikula.

“Opening night, first time ko uli, andaming crowd dito. And then, yung nangyari kay Cherie.

“Parang in one night, andaming emosyon na konektado sa pelikula.”

STILL GETTING USED TO BEING A NATIONAL ARTIST

Hunyo 10 nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte ang proklamasyon ng paghirang sa walong bagong National Artists, kabilang si Ricky Lee.

Hunyo 16 ang conferment ng medalyon sa Malacañang Palace, at Hunyo 29 ang Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining 2022 sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

Ano ang pakiramdam niya na sa bawat Cinemalaya screening na daluhan niya, inia-announce ang kanyang presence bilang National Artist, at pinagkakalooban ng masigabong palakpakan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabuntong-hininga si Sir Ricky, “Initially, dahil mahiyain naman akong tao, nahihiya ako at medyo nahihirapan ako na may atensyon, may ilaw.”

Hinahanap siya! Nasaan?! Saan siya nakaupo?!

“Naupo na nga ako sa likod, e. So, nahihiya,” pakli ni Sir Ricky.

“Well, pero… mixed. Natutuwa rin ako. Iniisip ko, dapat matuwa ako. Kasi, at least, writer ako.

“Hindi ako direktor, hindi ako artista. At least naka-focus sa writer sa isang film event.

“Parang OK na rin, kailangang tanggapin ko at maging masaya ako para sa ganun.”

Syanga pala, ang tatlong full length films na magga-gala premiere ngayong Agosto 7, Linggo sa Tanghalang Nicanor Abelardo ay Retirada (3:30 p.m.), Blue Room (6:15 p.m.) at The Baseball Player (9:00 p.m.).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee (left) is not only launching his book Mga Screenplay Ni Ricky Lee. He's also supporting the works of his protégés launching their own films in Cinemalaya 2022. A highlight of his book launch is a script reading session to be joined by Judy Ann Santos (middle) and Allen Dizon (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results