Watch Now

Liza Soberano tells how she landed role in Hollywood movie "Lisa Frankenstein"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 26, 2022
Liza
Liza Soberano is joining the cast of the upcoming Hollywood movie Lisa Frankenstein, which stars Cole Sprouse and Kathryn Newton. She will play the role of Taffy, Kathryn's stepsister.
PHOTO/S: Liza Soberano Instagram

Ibinunyag ni Liza Soberano na mismong ang direktor ng Lisa Frankenstein na si Zelda Williams ang nag-engganyo sa kanyang mag-audition para sa naturang Holywood film.

Read: Confirmed: Liza Soberano stars in her first Hollywood film

Kuwento ng Kapamilya actress, noong June 2022 ay nagtungo siya sa Los Angeles, California kasama si James Reid at ang kanyang bagong manager na si Jeff Oh. Dito ay nakasalamuha nila ang direktor na si Zelda Williams, na anak ng namayapang comedian na si Robin Williams.

"Sakto the day that I met her, she just got this project Lisa Frankenstein greenlit, and she was very excited about it.

"She was talking about it during our meeting and she said, ‘Why don’t you audition for one of the characters?" lahad ni Liza sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN reporter MJ Felipe na ipinalabas sa TV Patrol nitong Huwebes, August 25, 2022.

Nagpadala raw agad si Liza ng self-tape audition habang siya ay nasa South Korea. Makalipas lamang ang dalawang araw ay natanggap ng kanyang manager ang magandang balita na tanggap na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You got the role, you got the role! And I’m like, 'Oh my gosh!'

"The funny thing is I like to downplay things in my head until I’m actually in that moment. Because I don't want to get too excited tapos biglang mauudlot," ani Liza.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Liza na unti-unti nang natutupad ang kanyang Hollywood dream.

Saad niya, "I’m really happy that a lot of people know that I’m working on a project now.

"My fans have been waiting for the longest time since 2020 for me to go back into acting. I’m happy that finally they have something to look forward to."

Ayon pa kay Liza, masaya at excited siya dahil maliban sa ito ang kanyang unang Hollywood role ay ito rin ang kauna-unahan niyang horror-comedy-romance movie.

Read: Liza Soberano soon to make her Hollywood debut?

Nagsimula na ang kanilang shooting sa New Orleans, Louisiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap sa Lisa Frankenstein si Liza bilang Taffy, stepsister ng bidang si Kathryn Newton.

Kasama rin niya sa cast sina Cole Sprouse (Riverdale), Carla Gugino (The Haunting of Hill House), Joe Chrest (Stranger Things), at Henry Eikenberry (Euphoria).

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano is joining the cast of the upcoming Hollywood movie Lisa Frankenstein, which stars Cole Sprouse and Kathryn Newton. She will play the role of Taffy, Kathryn's stepsister.
PHOTO/S: Liza Soberano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results