Watch Now

Carmina Villarroel recalls bursting into tears after a director unjustly shouted at her

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2022
Carmina Villarroel
Carmina Villarroel on an unforgettable experience when she was a newbie: "Tapos parang feeling ko hindi ata tama na nasigawan ako kasi parang nagtanong lang naman ako. Kinausap ko yung manager ko at that time, si Tito Douglas Quijano. Sabi ko, 'Tito Dougs, ayoko na tapusin yung pelikula kasi natatakot ako.'"

Natatandaan pa ni Carmina Villarroel, 47, na muntik siyang mag-quit sa isang pelikula dahil sa hindi magandang karanasan niya sa isang beteranong direktor.

Si Carmina ay nagsimula sa showbiz bilang isang child star at naging aktibo sa paggawa ng pelikula simula noong late '80s.

Ito ang ibinahagi niya nang kapanayamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap, ang bagong GMA-7 afternoon drama series na nagsimulang umere ngayong Lunes, September 5, 2022.

Kuwento niya, "May panahon na napagalitan ako ng director, nasigawan. Pero that did not stop me. Kasi gusto ko talaga maging artista.

"Siyempre bata kasi ako nung nangyari yun. Ang initial reaction mo, umiyak, dahil di naman ako sanay na nasisigawan.

"Tapos parang feeling ko, hindi 'ata tama na nasigawan ako kasi parang nagtanong lang naman ako. So, feeling ko, parang di makatarungan.

"And yet, nirespeto ko pa rin yung director ko kasi beterano siyang director. Nirespeto ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inamin ni Carmina na muntik na siyang mag-back out sa project.

"Yun nga lang, ayaw ko na mag-shooting ulit. Ayoko na tapusin yung pelikula kasi natakot ako.

"'Tsaka, hindi sa na-hurt ako, more of natakot ako sa kanya.

"Kinausap ko yung manager ko at that time, si Tito Douglas Quijano. Sabi ko, 'Tito Dougs, ayoko na tapusin yung pelikula kasi natatakot ako.'

"Tapos sinabi naman niya, 'Hindi, hindi, ganyan lang 'yan. Palipasin lang natin ng ilang araw ta's resume na ulit tayo ng shooting.'

"True enough, after how many days, nag-resume kami. Parang wala lang nangyari."

Nagmarka iyon kay Carmina, pero ginawa niya iyong motivation para patunayan ang kakayahan.

"Ganun talaga e. May pagdadaanan ka. Hindi lang sa showbiz. Sa kahit ano pang trabaho iyan, meron ka talagang pagdadaanang hardships.

"Pero dapat huwag ka mawalan ng pag-asa. Kasi kung gusto mo talaga yung ginagawa mo, mas gusto mo patunayan yung sarili mo. Lagi ako ganun, e," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON DEALING WITH INTRIGUES

Malaking tulong daw talaga ang nakaugalian niyang positive outlook sa buhay.

"Pag may hardships, pag may intriga dati, whether totoo or hindi, hindi mo na lang kailangan pansinsin, e.

"Basta ako, ang aking agenda, manatili dito, pagbutihin trabaho ko. I want to do good, I want to succeed. Yun lang ang aking concentration.

"Basta ako, hindi ako nawawalan ng pag-asa."

Paano kung nahihirapan siya?

Saad ni Carmina, "Oo, umiiyak ako. And it's okay to cry. Kailangan lang talaga na maganda ang support group mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thankful ako dahil kahit ang pamilya ko hindi mga artista, wala talagang alam sa showbiz, sila yung nagbigay sa akin ng emotional support.

"Thats why ganito ako—dahil iyon sa mga magulang ko, dahil iyon sa mga kapatid ko."

Hindi raw niya hinayaang pumasok sa isip niya ang kasikatan.

"Wala silang, 'Feeling artista ka, dapat may ganito ka, dapat may VIP treatment,' hindi, wala silang ganun. Sila yung nagpa-ground sa akin."

Sabi pa ni Carmina, "Yun lang naman mga experiences ko.

"Hindi naman siya yung nakaka-traumatize. Maganda lang siguro yung support group ko, kaya kahit na medyo nadadapa, bumabangon pa rin."

WORKING WITH THE BEST IN THE INDUSTRY

At makalipas nga ang apat na dekada ay aktibo pa rin si Carmina sa paggawa ng teleserye at pelikula.

Inspirasyon niya sa pag-arte ang mga nakatrabaho niyang magagaling na artista tulad nina Maricel Soriano at Vilma Santos.

Kuwento niya tungkol kay Maricel, "Parang naging baby niya ako in real life. So, nakita ko yung papaano yung disiplina niya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang sobrang nagalingan ako sa kanya, kasi kahit anong genre, whether drama, comedy, action, pasok siya sa lahat.

"Napakahusay."

Hanga rin si Carmina sa pagiging "gifted" actress ni Vilma na inalagaan talaga ang karera.

Kuwento pa ni Carmina, "Sa mga director, Direk Ishmael Bernal, Direk Peque Gallaga. Iba yung disiplna na nakuha ko sa kanila.

"Of course, yung Palibahasa Lalake kasi dun talaga ako nagsimula. Sa comedy talaga ako nagsimula."

Baon daw niya ang karanasan sa pakikipagtrabaho kina Gloria Romero, Joey Marquez, at Richard Gomez na mainstays ng defunct Kapamilya sitcom na Palibhasa Lalake.

Pati ang direktor ng sitcom na si Johnny Manahan, o Mr. M, ay nakatulong daw nang husto kay Carmina.

"Pagdating sa live shows. Kasi di pa siya nagma-manage ng stars nun, isa na ako sa mga naging babies ni Mr. M.

"Hanggang sa ngayon di ko nakakalimutan yung mga pangaral nila sa akin. I'm very thankful nakasama ko sila at nagabayan nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel on an unforgettable experience when she was a newbie: "Tapos parang feeling ko hindi ata tama na nasigawan ako kasi parang nagtanong lang naman ako. Kinausap ko yung manager ko at that time, si Tito Douglas Quijano. Sabi ko, 'Tito Dougs, ayoko na tapusin yung pelikula kasi natatakot ako.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results