Watch Now

Christine Bermas reveals motivation each time she does daring scenes

by Ingrid Puache Interview: Noel Orsal
Oct 30, 2022
Christine Bermas
Christine Bermas is grateful for the opportunities coming her way, so no matter how daring her scenes are, she says, "Sige lang, galingan lang."
PHOTO/S: @christinebermas_ on Instagram

Sunud-sunod ang mga pelikula ni Christine Bermas para sa Vivamax.

Simula nang mabigyan siya ng break sa Silab noong nakaraang taon, nakasama si Christine sa pito pang films ng streaming platform nitong 2022.

Ang ilan dito—tulad ng Scorpio Nights 2, Island of Desire, at Relyebo, na ipinalabas noong October 14, 2022— ay pinagbidahan ni Christine.

Nitong pandemic, naging household name ang sexy actress, at malaki ang pasasalamat niya sa VIVA at sa manager na si Len Carrillo.

“Na-discover ako ng manager ko sa Palawan. I was joining a pageant,” kuwento ni Christine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Dutdutan 2022 Philippine Tattoo Expo, na ginanap noong October 14 to 15, 2022, sa World Trade Center, Pasay City.

Sa pagpapatuloy ng aktres, “Pumunta ako dito sa Manila para i-try ko talaga yung show business and performing.”

Kung pamilyar ang kanyang mukha, nag-umpisa kasi si Christine bilang bahagi ng all-female sing-and-dance group na Belladonnas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eventually merong opportunity na dumating from VIVA, they had this opportunity, so I accepted this opportunity, and that’s where I started out in showbiz.”

Kaya naman hindi maarte si Christine pagdating sa mga projects at roles.

"Ang importante po, may trabaho at tuluy-tuloy. Andaming gusto na magkaroon ng ganito, yung chance na napapanood ka ng mga tao.

"Kaya mas nagpapasalamat po ako. At kung may hinihingi sa akin, itinotodo ko talaga.

"Basta tiwala lang sa direktor, sa katrabaho. Ganun po talaga, may pinag-iipunan."

Ano ba ang goal ni Christine ngayong kumikita siya mula sa mga projects niya?

"First, pinag-iipunan ko talaga yung dream house ko for my family. And then, after that, for my own naman."

Dagdag niya, "Kaya po sige lang, galingan lang."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas is grateful for the opportunities coming her way, so no matter how daring her scenes are, she says, "Sige lang, galingan lang."
PHOTO/S: @christinebermas_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results