Alessandra de Rossi, Ces Quesada, Allen Dizon bag acting awards at 2015 Sinag Maynila Film Fest

Dingdong Dantes (left) served as a guest of honor during the 2015 Sinag Maynila Film Festival spearheaded by filmmaker Brillante Mendoza (middle). Alessandra de Rossi earned the Best Actress Award for her portrayal of a single mother in Bambanti. The official entries are being screened in select SM cinemas until March 24, 2015.


Sina Alessandra de Rossi, Ces Quesada at Allen Dizon ang nakakuha ng top acting awards mula sa newly established Sinag Maynila Film Festival.

Ginanap ang awarding ceremony ng 2015 Sinag Maynila kagabi, March 21, sa SM Aura. Ongoing pa rin ang film fest na ito until until March 24 sa naturang branches: SM Megamall, SM North EDSA, SM Manila, SM Fairview, SM Southmall, SM Mall of Asia and SM Aura.

(Read: PEP Guide to Sinag Maynila 2015)


May limang entries sa Sinag Maynila: Paul Sta. Ana’s Balut Country (tungkol sa may-ari na kailangan mag-desisyun kung ibebenta ang duck farm para sa kanyang pamilya o ang mga loyal caretakers), Zig Dulay’s Bambanti (tungkol sa mag-ina na akusahan na nagnakaw ng isang golden watch), Lawrence Fajardo’s Imbisibol (tungkol sa Filipino migrant workers in Japan), Jim Libiran's Ninja Party (isang sexually-charged film tungkol sa high school students na sumasali sa anonymous orgies) and Remton Zuasola’s Swap (tungkol sa isang tatay na pipilitin na gumawa ng krimen upang sagipin ang anak na na-kidnap).

Isang pelikula ang nanalo sa seven out of eight categories ng Sinag Maynila.

Ito ay ang Imbisibol na dinirek ni Lawrence Fajardo. Tungkol ito sa mga ligaya, lungkot, at dinaranas na mga kahirapan ng mga Pilipino expatriates at kung paano sila nagku-cope sa mapang-alipusta, kundi man marahas, na sitwasyon ng pagiging OFW sa bansang Hapon (Japan).

Nanalo ang Imbisibol, bilang Best Picture at si Lawrence "Law" Fajardo ang Best Director.

Napanalunan din ng indie film ang mga parangal para sa Best Screnplay, na tinanggap nina Herlyn Gail Alegre, John Paul Bedia at ni Fajardo (bilang co-writer).

Ang Imbisibol ay isang adaptation mula sa one-act play na sinulat ni Herlyn Gail Alegre.

Naging isa ito sa mga pangunahing dula noong 2013 at 2014 sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sa dalawa pang kategorya, ang Best Cinematography at Production Design ay nagwagi rin ang Imbisibol, para sa direktor ng sinematorgrapiya na si Boy Yniguez; at taga-disenyo ng produksiyon na magkatuwang ding pinanalunan nina Rollie Inocencio at ng direktor na si Law Fajardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang parangal para sa mga kategoryang Best Sound, Best Musical Score, at Best Editing. Pati sa acting categories na Best Supporting Actor and Actress.

Non-commital ang taga-Sinag Maynila tungkol sa hindi pagkakaloob ng mga parangal sa mga nasabing kategorya.


Here is the list of winners of the 2015 Sinag Maynila Film Festival:

Best Picture - Imbisibol, Sinag Maynila, Pelikulaw, at Fuokoka Film Commission.

Best Director - Lawrence Fajardo, Imbisibol.

Best Actress - Alessandra de Rossi, Bambanti (Scarecrow) at Ces Quesada (Imbisibol)

Best Actor - Allen Dizon, Imbisibol

Best Screenplay - Herlyn 'Gail' Alegre, John Paul Bedia, at Lawrence Fajardo, Imbisibol

Best Cinematography - Boy Yniguez, Imbisibol

Best Production Design - Rollie Inocencio at Lawrence Fajardo, Imbisibol.

Audience Choice Award - Ninja Party (with gift certificates prize, tinanggap nina Annicka Dolonius, Julz Savard, at Bea Galves, tatlo sa lead female stars).



May kaukulang premyong cash ang mga nagwagi sa bawat kategorya; P25,000 pesos sa lahat ng kategorya, maliban sa Best Picture award, na may kasamang P100,000 pesos.

Ang may likha ang mga tropeo na ipinamahagi ay ang world-class artist named Otto Bjornik.

Katuwang naman ng production team ng Imbisibol ang mga kinatawan ng Fukuoka Film Commission (FFC) na dumalo rin sa gabi ng parangal.

ACTING AWARDEES. Sa parangal para sa pagganap, napanalunan nina Allen Dizon at Ces Quesada ang Best Actor at Best Actress awards, respectively, para din sa Imbisibol.

Parehong wala sa SM Aura Skypark sina Allen at Ces Quesada para tanggapin ang mga parangal at cash awards nila.

Si Allen ay kasalukuyang nasa Ireland para sa Silk Road Film Festival; at si Ms. Ces ay nag-"thank you" message na pinahatid niya sa tulong ng Imbisibol producer na si Krisma Fajardo.

Sina Bernardo Bernardo at Ricky Davao, ng Imbisibol. ang tumanggap ng award ni Allen Dizon.

Meanwhile, sa kategoryang Best Actress kinilala si Alessandra de Rossi para sa Bambanti (Scarecrow) na sinulat at dinirek ni Zig Carlo Dulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Si Ces Quesada naman ang ka-tie ni Alex bagama't napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naging mahigpit ang labanan sa Best Actress category.

Ginampanan ni Alex ang papel ng isang young mother ng isang batang lalaki (played by Micko Laurente) ay napagbintangan ng isang kaanak na nagnakaw ng mamahaling relo.

Tungkol sa pagta-tie nina Ces Quesada at Alessandra, sambit ni Direk Brillante, "Walang way para ma-break ko ang tie nila, dahil pantay na pantay ang botong nakuha ng dalawa."

Ayon pa kay kay Brillante, even number ang bilang ng jury members ng Sinag Maynila na sina Bing Lao, screenwriter; National Artists for Literature Bien Lumbera and F. Sionil Jose; foreign film fest critics and programmers Paolo Bertulin, John Badalu at Tito Genova Valiente.

Ang anak ni Ms. Shamaine na si Delphine Buencamino (isang supporting actress sa Bambanti) ay kabilang sa grupong nag-perform ng isang dance number.

Noong ginanap ang opening ceremonies noong March 18, dumalo ang Superstar na si Nora Aunor bilang special guest.

Kagabi naman sa closing/awarding ceremonies ay panauhin ang aktor na si Dingdong Dantes.

AUDIENCE CHOICE WINNER. Ang parangal para sa Audience Choice, na walang kasamang cash prize at trophy, ay tinanggap ng tatlong lead female actors mula sa Ninja Party, isang coming-of-age film directed by Jim Libiran.

Sina Annicka Dolonius, Jules Savard, at Bea Galvez, ang tumanggap ng gift certificates para sa kanilang award.

Ang Ninja Party ang kaisa-isang Sinag Maynila entry na sex-oriented, tumutukoy sa mga "sex orgy" na kinakasangkutan ng mga babae na mula sa exclusive girls' school.

R-16 ang rating na nakuha ng Ninja Party, mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), alinsunod sa patakaran ng SM Cinemas na hindi pagpapalabas ng R-18 rated films.

Muntik pang hindi maipalabas ang Ninja Party sa unang araw, March 18, sa SM Aura kunsaan naka-schedule ito ng 11:50AM. Ngunit, hindi natuloy ang pagpapalabas,"due to some glitches," ayon sa Facebook post ng Sinag Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Direk Jim Libiran, "mapapanood ang Director's Cut ng Ninja Party sa ibang bansa, at maging sa UP Film Institute's Cine Adarna."

Noong opening ceremonies ng Sinag Maynila, nagsalita si Wilson Tieng, organizer ng festival, hinggil sa aniya'y "encouraging results" sa box-office ng mga indie film entries.

"From what I heard, the first day opening... we were very encouraged because box-office numbers have been good.

"But I won't say which movie," ani Tieng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN