Allen Dizon wins Best Actor at the 3rd Silk Road Film Festival

Nakuha ni Allen Dizon ang ikatlo niyang international Best Actor, para sa kanyang pagganap sa Magkakabaung, sa ginanap na 3rd Silk Road Film Festival sa Dublin, Ireland.


Kabilang ang French actor na si Gerard Depardieu ng The Voice of Steppe sa apat na aktor na tinalo ni Allen Dizon sa Best Actor category ng 3rd Silk Road Film Festival, na ginanap sa Dublin, Ireland noong March 18 hanggang March 22.

Si Allen ang itinanghal na Best Actor para sa kanyang pagganap sa Magkakabaung (The Coffin Maker) sa awards night na ginanap nitong Linggo ng gabi, March 22, sa The Sugar Club.

Bukod kay Gerard, ang iba pang tinalo ni Allen ay sina Sofi Jikan para sa Men Who Save The World, Iwase Ryo para sa Midsummers Fantasia, at Mohammad Javad Ezzati para sa Angels Descend Together.

Ang Best Actor recognition mula sa Silk Road Film Festival ang pangatlo sa international best actor award na natanggap ni Allen para sa Magkakabaung.

Siya rin ang hinirang na pinakamahusay na aktor sa 9thHarlem International Film Festival ng New York at sa Hanoi International Film Festival ng Vietnam noong 2014.

Bukod sa Best Actor award ni Allen, ang Magkakabaung din ang idineklarang Best Film sa 3rd Silk Road Film Festival.

Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng Magkakabaung.

Nominado rin sa Best Film category ng 3rd Silk Road Film Festival ang Ekstra (A Bit Player), at ang bida ritong si Batangas Governor Vilma Santos ay nominado naman sa kategorya ng pinakamahusay na aktres.

Personal na tinanggap ni Allen ang Best Actor certificate at ang Best Film certificate ng Magkakabaung mula sa SRFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN