Nora Aunor set to star in the indie film Hinulid to be shot in Bicol

"There's no other time, no other point in my life, or maybe Nora's career, na maganda o nararapat na gumawa ng pelikula na may patungkol sa pinagmulan ni Nora—at ito ang KaBicolan. So, I think, the film is sort of a homecoming to where Nora belongs. And that's Bicol," says director Kristian Sendon Cordero about his film Hinulid that will star Superstar Nora Aunor.


Nakatakdang umalis papuntang Naga, Camarines Sur, ang Superstar na si Nora Aunor ngayong Lunes, March 23, kaugnay ng parangal na ipagkakaloob sa kanya ng Ateneo De Naga University.

“Bulawan na Bikolnon” ang tawag sa parangal na siyang pinakamataas na naipagkakaloob ng nasabing unibersidad.

Narito ang deklarasyon ng Sangguniang Panglunsod ng Naga kay Nora bilang isang Honorary Nagueña:

"On joint ang collective motion, the 11th Sangguniang Panglungsod ng Naga passed a resolution declaring Nora Aunor as Honorary Nagueña, in recognition of her contributions to the promotion and development of culture and the arts, not only in Naga City but also the entire country."

Kabilang sa mga tagapagpasulong ng nasabing parangal ang mga prominenteng Bicolano, ‘tulad ng makata at direktor na si Kristian Sendon Cordero, Jason Jacobo, Doods Santos, John Bongat, Victor Dennis Tino Nierva, at Manunuri Tito Genova Valiente.


HINULID. Habang nasa Bicol, posibleng magkaroon na rin ng pag-uusap sa pagitan nina Nora at Kristian Sendon Cordero upang maisaayos ang schedule ng Superstar para sa gagawin niyang pelikula na ididirek ni Cordero.

Hinulid ang title ng indie project, na siyang magiging pangalawang obra ng Bicolano director matapos ang Angustia na ipinalabas noong 2013 bilang competition entry sa Cinema One Originals Film Festival.

Sa Hinulid ay gagampanan ng premyadong aktres ang papel ng isang inang namatayan ng kaisa-isang anak na binata, isang law student, sanhi ng fraternity hazing.

Ang buong pelikula ay gagamit ng salitang Bicolano o Rinconada, na siyang salitang gamit ng mga tubong-Iriga, Camarines Sur, 'tulad nina Nora at Direk Kristian.

Pahayag ni Direk Kristian, "Tinatanggap ko na project ko ito na hindi ko puwedeng pakawalan.

"There's no other time, no other point in my life, or maybe Nora's career, na maganda o nararapat na gumawa ng pelikula na may patungkol sa pinagmulan ni Nora—at ito ang KaBicolan.

"So, I think, the film is sort of a homecoming to where Nora belongs. And that's Bicol."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May religious tone ang upcoming project dahil ang Hinulid ay tumutukoy sa Dead Christ, ang debosyon ng mga mamamayan sa Naga, Iriga at iba pang dako sa Bicol region.

Malalim ang tema ng kuwento, subalit gagawin daw ni Direk Kristian na madaling mauunawaan ng manonood ang mga sangkap ng naratibo.

"It's a journey the character of Nora Aunor is taking.

“She is Sita Dimaiwat, isang inang nagtrabaho sa ibang bansa bilang OFW sa pagtataguyod sa kinabukasan ng kanyang anak," sabi ni Direk Kristian.

Magiging nostalgic din ang paggamit ng tren sa Iriga City station, kung saan nagtinda ng tubig si Nora bago siya naging singer at artista, sa pamamagitan ng pagsali sa amateur contests, una sa kanilang bayan, hanggang tanghaling kampeon ng Tawag ng Tanghalan noong 1967.

Sabi ni Direk Kristian, "Hindi na tumatakbo ang mga tren ngayon sa Iriga papuntang Maynila mula noong year 2000.

"Pero hihilingin natin na magpatakbo ng tren para sa pelikula ni Ate Guy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN