Kych Minemoto refuses to answer if he's straight or gay

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2022
kych minemoto tuxedo
For actor Kych Minemoto, there's no small roles: "Dun ko na-feel na kapag maliit lang [ang role], kung makikita nila yung value mo as an actor, napakalaking bagay. At ngayon, nandito na po ako. Sobrang blessed, hindi ako makapaniwala sa blessings na nangyayari sa akin, nakakapag-lead role na ako. Hindi lang basta isa kundi dalawa."
PHOTO/S: @kychminemoto on Instagram

Tumanggi ang May-December-January lead actor na si Kych Minemoto na sagutin ang prangkahang tanong sa kanya ng isang respected entertainment writer kung straight ba o gay siya sa tunay na buhay dahil sa mga karakter na ginagampanan niya sa pelikula.

“This time, ayoko na lang po sagutin if I’m straight or not. I think, it’s not important,” sagot ni Kych sa tanong sa kanya sa digital conference ng May-December-January na ginanap nitong Miyerkules ng hapon, September 28, 2022.

“Feeling ko, 2022 na, i-normalize na lang natin kung ano ang sexuality ng bawat isa. Kung ano iyan, alright, so be it.

“If hindi, so be it, kasi parang nakakapagod din na lagi po akong tinatanong ng ganyan. And ang feeling ko, hindi naman nakakaapekto ng kahit ano kung makasagot man ako o hindi.

“I’m an actor so kahit ano naman po ang ibigay sa akin na role, as long as kaya ko siyang gampanan, kaya ko siyang gawin, it’s a job,” paliwanag ni Kych.

Madalas nagpagkakamalang Japanese si Kych dahil sa kanyang apelyido, pero Pilipinong-Pilipino siya. Nagkataon lang na ginamit ni Kych na screen name ang family name ng kanyang Japanese stepfather.

FROM THEATER TO TV AND MOVIES

Marami rin ang nag-aakalang baguhang aktor si Kych na bigla na lamang lumitaw. Pero ang totoo, nagsimula ang kanyang acting career noong 12 years old pa lamang siya.

Lahad niya, “Nag-start po talaga ako sa theater, sa Gantimpala Theater Foundation.

“Noong una po talaga, ayoko. Akala ko kasi, TV acting workshop siya.

“After three days, biglang nagtanong yung facilitator, ‘Alam niyo ba yung pinapasok niyo? Musical theater!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Haaa? Musical theater? Teka lang, akala ko parang acting lang ito, magkakabisado ka, kakanta…'

“So, pag-uwi ko, sabi ko, 'Ma, ayoko na. Hindi ko kaya ito. Gusto ko, TV lang.’

“Sabi niya, ‘I-try mo lang.'

“So, pumupunta ako dati na laging late kasi makulit akong bata.

“Isa lang po ako sa ensemble. Hindi po ako naging lead actor hanggang one day, kinontak nila ako. Kailangan daw ng ganitong role. Kinuha nila ako.

"So, dun ko nakita na para dito talaga ako. Yung kahit hindi mo gusto, sila yung yayakap sa iyo,” kuwento ng 24-year-old actor.

Si Kych ay napanood sa mga pelikula ng direktor na si Chito Roño, ang Badil (2013) at Feng Shui 2 (2014).

Matapos gumawa ng mga pelikula, nagpasya si Kych na maging aktibo sa teatro, pero muling nagbago ang kanyang isip noong 2018.

Lahad niya, “Naging DJ ako, tour guide sa Baler, nag-exhibit, photographer.

“Bumalik ako sa pag-arte because I have to feed myself. Kailangan ko nang magtrabaho kasi independent na po ako.

“So, ano yung bagay na hindi ako mapapagod na gagawin ko, nagtatrabaho ako, kumikita ako. Sabi ko, acting.

“Sa awa po ng Diyos, ako po kasi, kapag may gusto ako, pinipilit ko talaga. Kailangan gawan ko ng paraan.

“Yung pinaghirapan ko noong 2018, dati puro support-support lang ako.

“Sa mga Facebook page, nagpapasa ako ng profile/resume at nakukuha ako. Bawat makuha ko pong project, ibinibigay ko po talaga ang 100 percent ko, kahit support lang ako."

Patuloy niya, “Nakakatuwa na sobrang saglit lang ang eksena ko [sa Block Z ng Star Cinema] pero natatandaan nila ako. Dun ko na-feel na kapag maliit lang [ang role], kung makikita nila yung value mo as an actor, napakalaking bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At ngayon, nandito na po ako. Sobrang blessed, hindi ako makapaniwala sa blessings na nangyayari sa akin, nakakapag-lead role na ako. Hindi lang basta isa kundi dalawa.”

Itinuturing ni Kych na isang pambihirang karanasan na isa siya sa mga bida ng May-December-January, ang pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa October 12.

“It’s really a dream come true na gampanan ang isang karakter na ginawa ng isang National Artist at maging direktor si Direk Mac Alejandre.

“Sa mga ginawa kong pelikula, mas simple ito pero mas kumplikado,” sabi ni Kych.

Ang May-December-January ay isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee at mula sa direksiyon ng award-winning director na si Mac Alejandre.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For actor Kych Minemoto, there's no small roles: "Dun ko na-feel na kapag maliit lang [ang role], kung makikita nila yung value mo as an actor, napakalaking bagay. At ngayon, nandito na po ako. Sobrang blessed, hindi ako makapaniwala sa blessings na nangyayari sa akin, nakakapag-lead role na ako. Hindi lang basta isa kundi dalawa."
PHOTO/S: @kychminemoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results