Diego Loyzaga no qualms about his butt exposure; reacts to love scenes with Franki Russell

by Julie E. Bonifacio
Oct 8, 2022
Diego Loyzaga and Franki Russell on Pabuya
Diego Loyzaga talks about shooting his love scenes with Pabuya leading lady Franki Russell and how he feels about doing butt exposure.
PHOTO/S: Pabuya

Buong pagmamalaking sinabi ni Diego Loyzaga na may butt exposure siya sa Pabuya, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Franki Russell.

Iyon ang teaser ni Diego bago nagsimula ang private screening ng pelikula noong October 5, 2022.

Pagkatapos ng screening, tila hindi inasahan ni Diego ang lumabas na final cut ng ng butt exposure niya sa love scene nila ni Franki.

Paliwanag niya, "Actually, meron pa yun, e. Pero sa grace ni Direk, kinut nya yata.

"Meron talaga akong kitang-kita yung pwet ko, e. Maybe sa director’s cut ng movie na ito maipapakita yun."

Mas level up kaya ang pagpapaka-sexy niya sa susunod na proyekto?

Sagot ni Diego, “Pero sa limitations I think hanggang dito lang ako. Kasi, I gave it because Direk—after his first movie, this is his second pa lang—he’s still very new. And Franki, this is her first [movie].

"Nung nasa set kami nung araw na yun, sabi ko parang para kumportable lahat, 'Sige, mag-a-adjust na rin ako. I gave in to ano… 'Sige! Let’s go.'
I mean, para lang maganda yung shot natin.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinanap man niya ang ilang kuha ng butt exposure niya, siniguro ni Diego na nagustuhan niya ang kinalabasan ng love scenes nila ni Franki.

"And, what I saw naman kanina it was very tasteful. It was romantic," aniya.

Lalo pa raw gumanda ang eksena dahil sa musical scoring kunsaan ang co-star nilang si Yuki Sakamamoto ang nag-compose.

"That was Yuki singing. That’s his song playing in the background in the second love scene.

"So, you made everything so much tasteful. It was so nice. It was really nice."

ON WEARING A PLASTER

Para kay Diego, ang karakter at mga eksena niya sa Pabuya ang pinaka-daring na nagawa niyang pelikula.

"I was literally wearing nothing. I was wearing nothing,” pagri-reveal ni Diego.

Pero biglang nagsalita si Franki at sinabing may plaster si Diego sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin ay walang frontal nudity.

Sang-ayon ni Diego, "May plaster! It was given."

Dito ibinahagi ni Diego ang blooper nang maranasan niyang magsuot ng plaster sa unang pagkakataon.

"And yo! Kudos to everybody, every artist who wears plaster yet.

"Nobody told me to use oil after. I ripped that thing off. And it will never be the same," lahad ng aktor.

Masakit daw nang tanggalin na niya.

"Too much information, maybe, okay. But damn! That plaster is horrible. It’s so bad.

"They’re just like, 'Put it on.' So, I said, 'Okay. How do we take it off?' 'Ah, pagka-ligo niyo, sige, tanggaling niyo.' Hindi! Hindi siya matatanggal," natatawang dagdag ni Diego.

DIEGO ON HIS ACTION SCENES


Mapapanood na ang Pabuya sa Vivamax. Kasama sa cast sina Felix Roco, Thor Gomez, Marco Gomez, Andrea Garcia, Billy Villeta, Jr Baring, Chad Alviar, Aivy Rodriguez, Sujin Kwon, Ayesha Aure, at Shiela Snow.

Ang director nito ay si Phil Giordano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

When asked kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang role sa Pabuya, ibinahagi ni Diego na pangarap niyaa talaga ang gumanap bilang gangster.

"Sobra! Inaantay ko lang na i-recruit nila ako, e. Pero sa totoo po, I like the fact that there was action.

"Sana i-push ng Viva na maibalik ang action, I mean, more action pa.

"I like the whole fact that I was on the run in the entire movie. Parang may pagka-John Wick yung tema ng character ko at may pa-long hair pa ako. So, nagustuhan ko yun.

"And of course, the love. The love essence of the scene. It runs deeper than just, you know, gang, rivalry, money.

"There’s still this aspect of I had a family. Before I died, I said goodbye to my son who I love.

"And of course, after being betrayed once, I ran to somebody who you think you can trust but you get betrayed again, which is life, right?

"I mean, everyone in cinemas has been betrayed before by someone close to them. So, everybody in that sense can relate that sometimes life f***** you up and you know, you get shot and die."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES




Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga talks about shooting his love scenes with Pabuya leading lady Franki Russell and how he feels about doing butt exposure.
PHOTO/S: Pabuya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results