Watch Now

PEP Spotted: Star-studded industry premiere of On The Job: The Missing 8

by Jojo Gabinete
Oct 28, 2022
On The Job: The Missing 8 cast and producers
Seen at On The Job: The Missing 8 film showing at Greenbelt 3 (L-R): Dondon Monteverde, French ambassador Michele Boccoz, Ernest Escaler, Dante Rivero, Lotlot de Leon, Lotlot's husband Fadi El Soury, Bibeth Orteza, Agot Isidro, Ina Feleo, Erik Matti, and Dennis Trillo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi naging sagabal ang malakas na buhos ng ulan at masikip na daloy ng trapiko sa industry premiere ng On The Job: The Missing 8 dahil sa pagdalo ng cast ng pelikula at mga imbitado na bisita.

Ang Cinema 2 ng Greenbelt 3 sa Makati City ang pinagdausan ng industry premiere ng pelikula na pinili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para ilahok sa Best Foreign Language Film category ng 95th Academy Awards.

Kabilang sa mga dumalo sa red carpet premiere ng On The Job: The Missing 8 si FDCP Chair Tirso Cruz III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naroon din ang Virtual Playground talents na sina John Vic De Guzman at Rob Gomez.

John Vic de Guzman and Rob Gomez at  showing of On The Job: The Missing 8

Dumalo rin sina Monsour del Rosario, Edu Manzano, Pinky Webb, Jane Oineza, at RK Bagatsing.

Monsour del Rosario and Edu Manzano at On The Job: The Missing 8 showing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Spotted ang mga direktor na sina Carlos Siguion-Reyna at Mac Alejandre.

Full support din ang cast ng pelikula na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Dante Rivero, Ina Feleo, Lotlot de Leon, at Bibeth Orteza.

Ang pagdalo ni Dante ang ikinagalak ni Reality MM Studios producer Dondon Monteverde dahil ni minsan, hindi pa napapanood ng veteran actor ang On The Job: The Missing 8.

Hindi nabale-wala ang pagpunta ni Dante sa red carpet premiere dahil personal niya na narinig ang mga papuri sa kanyang mahusay na pagganap.

Bukod kay Dennis, lead actor din ng pelikula si John Arcilla, pero hindi ito nakasipot dahil nasa lock-in taping daw ang 56-year old actor. Nanalo si John ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice Film Festival noong 2021 para sa kanyang pagganap sa pelikula.

Ang pagdalo ni Anne Curtis sa industry premiere ng On The Job: The Missing 8 ang isa sa mga sorpresa at pagpapakita niya ng suporta kay Erik na direktor ng Buy Bust, ang kanyang blockbuster action thriller movie noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng mga haka-haka na posibleng magkasama muli sina Anne at Erik sa isang proyekto dahil sa pagdating niya sa red-carpet premiere ng On The Job: The Missing 8, sa kabila ng kanyang hectic schedule.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seen at On The Job: The Missing 8 film showing at Greenbelt 3 (L-R): Dondon Monteverde, French ambassador Michele Boccoz, Ernest Escaler, Dante Rivero, Lotlot de Leon, Lotlot's husband Fadi El Soury, Bibeth Orteza, Agot Isidro, Ina Feleo, Erik Matti, and Dennis Trillo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results