Why Cloe Barreto has no qualms about doing frontal nudity

by Noel Orsal
Nov 2, 2022
Cloe Barreto
Cloe Barreto on her daring roles: "Hindi ako natatakot gumawa ng sexy scenes kasi ang importante naman ay may tiwala ka sa direktor."
PHOTO/S: Noel Orsal

Unang napanood ang sexy actress na si Cloe Barreto sa pelikulang Silab, kunsaan walang takot at walang pag-aalinlangan siyang nag-frontal nudity.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Cloe ang pinaka-daring scene niya sa pelikula.

"Ah, yung sa dagat," tukoy ni Cloe sa eksena mula sa pelikula niyang Silab kasama sina Jason Abalos at Marco Gomez.

Ang respetadong direktor na si Joel Lamangan ang humulma ng Silab.

Dagdag ng sexy actress, "Hindi ako natatakot gumawa ng sexy scenes kasi ang importante naman ay may tiwala ka sa direktor, yun talaga."

Pumayag din si Cloe na gumawa ng erotic movies dahil tingin niya ay stepping stone ito para makilala sa show business.

"First, para maabot yung pangarap ko kasi bata pa lang ako, pangarap ko na talagang maging artista; tapos siyempre, para makatulong sa family," pagpapakatotoo ni Cloe.

Marami rin daw siyang pinag-iipunan kaya inspirado siyang magtrabaho nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW DID CLOE ENTER SHOWBIZ?

Ang unang pelikula ni Cloe ay ang Anak Ng Macho Dancer na ipinalabas noong 2021. Pagkatapos ay sunud-sunod na ang mga pelikula niyang nagawa, na karamihan ay sa Vivamax.

Ilan pa sa movies nito ay ang Tahan, The Influencer, at #DOYOUTHINKIAMSEXY?. Bumida rin siya sa sexy mini-series na L.

Pero paano nga ba napasok ni Cloe ang showbiz?

Na-discover siya nang sumali siya sa isang pageant, at naging miyembro ng all-female group na Belladonnas. Ang independent producer na si Len Carillo ang discoverer at tumatayong manager ng dalaga.

Nang tanungin ng PEP.ph si Cloe kung sino ang artista na nais niyang makatrabaho, hindi napigilang kiligin ng sexy actress nang aminin niya ang paghanga kay Joshua Garcia.

Sabi niya ukol sa Kapamilya actor, "Parang ang bait-bait niya kasi. Tapos, parang walang masamang nasasabi. Ayun, ang bait niya.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Cloe sa Dutdutan ‘22, na ginanap sa World Trade Center, Pasay City, noong October 15, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nasa event siya ng kilalang tattoo festival, mayroon ba siyang tattoo at ano ang kahulugan nito para sa kanya?

Sagot ni Cloe, "Una, year ko, kung kailan ako ipinanganak. Pangalawa, butterfly, parang fly high!"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cloe Barreto on her daring roles: "Hindi ako natatakot gumawa ng sexy scenes kasi ang importante naman ay may tiwala ka sa direktor."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results