Alma Moreno, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Divina Valencia honored at 5th EDDYS Awards

by Jerry Olea
Nov 29, 2022
phillip roi alma divina eddys
Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, and Divina Valencia are four of the ten recipients of Movie Icons recognition at the 5th EDDYS Awards.
PHOTO/S: Noel Orsal

Bumirit si Jona ng "Ngayon at Kailanman" bago isa-isang umakyat sa entablado ng Metropolitan Theater noong Nobyembre 28, 2022, Linggo ng gabi, ang Movie Icons na sina Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, at Divina Valencia.

Nang magkakatabi na sa entablado ang apat na beteranang artista ay saka ipinagpatuloy ni Jona ang maalab na pagharana sa kanila sa 5th EDDYS.

Pinagkalooban ng standing ovation ang Movie Icons.

Read: Charo Santos and Christian Bables win top acting honors at 5th EDDYS

Pahayag kapagkuwan ni Phillip, “Minahal ko na ang aking craft. Memorya ng linya rito, memorya ng linya ng mga kasamahan mo.

“Ginawa ko po lahat iyon. Ipinagawa lahat sa akin iyon ni the late Lino Brocka. Siya po ang aking mentor.

“Ang sarap po palang… ang sarap palang maging Icon. Ninenerbiyos ko, ang tagal ko na dito sa industriya.

“Doon po sa mga bagong artista, doon po sa mga nagiging superstar — mahalin ninyo ang industriya ng pelikulang Pilipino.

“Sa bumubuo po ng Society of Philippine Entertainment Editors, sa EDDYS… maraming-maraming salamat po sa buhay ng bawat isa sa inyo sa ibinigay ninyong honor sa akin ngayong gabi. Maraming salamat po.”

phillip salvador 5th eddys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Phillip Salvador

ROI VINZON

Nauna ang makabagbag-damdaming In Memoriam segment sa EDDYS bago ang pagkilala sa Icons.

Sabi ni Roi, “Thank you, andito pa kami. Maraming salamat po sa industriya. Sana, nakikita ninyo ngayon ito, yung mga kasama ko sa pelikula.

“Ahhm, minsan mababanggit din balang araw na nawala na rin sila. At EDDYS, ahhh… thank you so much sa appreciation na ibinigay ninyo sa akin.

“At least nakikita ninyo kahit papaano yung mga maliliit kong kontribusyon sa pelikula.

“Thank you sa Viva Films. Ahh, yung ibinigay ninyong encouragement sa akin, yung kinukuha niya ako, sinubukan niya ako para mailabas ang konti kong nalalaman.

“Channel 7, ABS-CBN, Ma’am [Charo Santos-Concio], thank you so much sa inyong lahat. My family na minsan hindi ako naintindihan, hirap na hirap umintindi sa akin.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Mga direktor na nagturo sa akin kung paano gumalaw. At Levi Ignacio kaya natuto akong umarte sa aksyon. Again thank you so much.”

roi vinzon 5th eddys

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Roi Vinzon

ALMA MORENO

Napakatamis ng ngiti ni Alma Moreno nang magtalumpati, “Gaya ho ng sabi ni Ipe kanina, Icon. Wow! Ang sarap po ng pakiramdam! Thank you!

“Sabi ko nga po… ang era ko po, '70s, '80s, '90s at sa awa po ng Diyos, hanggang ngayon, andito pa po ako.

“Lagi lang ho akong nominated noon. Pero ganito pala ho ang nakakahawak ka ng trophy.

“Ansarap po ng pakiramdam! Thank you, EDDYS! Magiging inspirasyon ko ito lalo ngayon and thank you sa Viva dahil hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ko ng pelikula ho. Pati soap ho, meron po tayo.

“Kaya ho thank you, thank you, Lord. Good health pa rin ho ang number one. Thank you at the age of 63, naks! Sana ho bumalik yung katawan ko kanina, nakita niyo po? Pero imposible na po.

“Again thank you, maraming-maraming salamat po and God bless. I love you!”

Read: Throwback photos ni Alma Moreno, “highly collectible” sa mga tito

alma moreno eddys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alma Moreno

DIVINA VALENCIA

Lubos din ang galak ni Divina Valencia sa pagpaparangal sa kanya.

Aniya, “Buong kagalakan sa aking puso at pagpapakumbaba na tanggapin ang tropeyong ito na nagsasagisag na isa ako sa Icons ng Philippine Movie.

“Maraming-marami pong salamat at nakakatuwang ibalik ang nakaraan ni Divina Valencia na hindi nag-atubili na magsuot ng bikini.

“Hindi tumakbo sa kantang… ‘Divina Valencia, Stella Suarez, nagbuburles!’ Una ako sa billing, ha?! Una ako sa billing!

“Nakakatuwa. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa magandang buhay, sa magandang biyaya ng idinulot ng aking pagiging artista na nasundan pa ng aking anak na si Reb [Dranreb Belleza].

“At alam ko may isa akong apo, si Calista, na susunod din sa yapak ko, na talagang gustung-gustong mag-artista.

“Si Divina Valencia po, ni hindi naisip na nagsimula sa Tagalog Ilang-Ilang Productions. Pagkatapos ng kanyang kontrata, kinuha siya ng Sampaguita Pictures, Lea Production, FPJ.

“Ahh, marami e. Marami, halos lahat po. At halos lahat ng mga magagaling na leading man noong araw, naging kapareha ko po.

“Halos lahat sila, kinuha ang aking serbisyo para gumanap sa kanila. Kay Dolphy, lahat po napakasarap sariwain sa alaala.

“Na tuwing bubuksan ko ang aking lumang album, nakikita ko sila na karamihan ay wala na.

“Pero maraming salamat sa panahon na ibinigay ng Diyos, eto ako nakatindig at umaasa na magkakaroon muli ako ng isang Be Careful With My Heart sa ABS-CBN, at makagawa muli sa GMA at iba pang TV network.

“Busog na busog po ng kaligayahan ang aking puso!”

divina valencia 5th eddys

Divina Valencia

Absent sa 5th EDDYS ang iba pang Icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Helen Gamboa, Elizabeth Oropesa, at Sharon Cuneta.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, and Divina Valencia are four of the ten recipients of Movie Icons recognition at the 5th EDDYS Awards.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results