Vhong Navarro plays four different characters in "Supah Papalicious"


Dancer-comedian-actor Vhong Navarro introduces a new dance step to the public via the music video of Supah Papalicious. He is joined by (from left, clockwise) Valerie Concepcion, Pokwang, and Makisig Morales. This Star Cinema movie will open in theaters nationwide on Black Saturday, March 22.


Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na si Vhong Navarro bilang "Supah Papalicious," na ang ibig sabihin ay sexy, madiskarte, guwapo at nakakatawang karakter. Papatunayan ito ng komedyante sa kanyang upcoming movie with the same title under Star Cinema. Makakasama niya si Supah Kiddie Makisig Morales at Supah sexylicious Valerie Concepcion. Kasama din ang kanyang dalawang lucky charms: sina Mura at Pokwang.

Puring-puri si Vhong sa batang aktor na si Makisig. "Alam mo 'yang si Makisig, parang batang matanda kasi ang bilis mag-isip. Kapag mag-aral 'yan ng kanyang role talagang focus at ang comic timing, the best!"

Ayon din kay Vhong, ang kanyang leading lady na si Valerie ay magaling sa genre na comedy. "First time ko siyang maging first lady, tapos, mabilis din sa comedy at siyempre, di naman maikakailang ang sexy at ganda talaga. So, magbibigay talaga siya ng ningning sa movie."

Naidirehe na ni "Manong" Gilbert Perez si Makisig pero ngayon lang sila nagsama ni Vhong sa pelikula ngunit maganda ang naging samahan ng dalawa.

"Happy ako na si Manong ang nagdirek sa amin dahil alam kong I'm in good hands," paliawanag ni Vhong. "Isipin mo ang mga pelikula at teleserye niya, mga de-kalidad, kaya naman binigay ko talaga ang buong tiwala ko sa kanya, and to think na hindi lang isa kundi apat na role ito, so todo talaga ang focus namin sa pagdedevelop ng pelikula."

Ayon naman sa direktor ng Supah Papalicious, "Nang ibigay sa akin ang project na 'to, hindi na ako nagdadalawang isip, ginawan ko talaga ng paraan sa schedule ko. Kasi nung mabasa ko ang material ay natawa ako, paano pa kaya 'pag binigyang-buhay na ni Vhong at ng ibang characters ang pelikula, riot talaga."

Supah Papalicious also showcases the versatility of Vhong dahil bukod sa pagganap niya ng title role, gaganap siya bilang Tita Barbara, Lola Paulina at Apol Dayap, isang African-American na magiging kaibigan ni Makisig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Vhong: "May iba-ibang pong characters akong gagampanan dito. Nakakapagod dahil parang four times ng work pero, ay grabe, ang feeling kapag pinapanood ko ang pelikula. Natutuwa kami kasi iba't ibang characters talaga ang ginagampanan ko dito!"

Para kay Makisig, "Dito po sa pelikulang ito, marami po tayong matutunan na values, kung papaano tratuhin ang ibang tao na hindi natin kaano-ano, kung paano respetuhin ang mga magulang, kasi po iba-iba na ang panahon ngayon kaya maganda po itong pelikulang ito para sa mga bata."

Ayon naman kay Valerie, "For me, it's simple yet big in the sense that it tackles every possible relationship... a mon to her son, a man to a boy, a girl to a boy. But the twists are so funny, the comedy scenes are so engaging na hindi ka talaga makakabitaw sa pelikula habang pinapanood mo ito!"

Supah Papalicious ay kuwento ng isang ulila na nagngangalang Adonis (Vhong) na nagtatrabaho sa food kiosk. Nakilala niya si Athena (Valerie) at umibig siya dito pero dahil nahihiya itong ipaalam ang kanyang nararamdaman, naging malapit na lang sa anak ni Athena na si Along (Makisig).

Kaya lang ang kondisyon ni Along sa sino mang lalaking gustong maging asawa ang kanyang mommy ay dapat manggaling ito sa malaking pamilya. Dito nagsimula ang mga nakakatawang mga eksena dahil para patunayang galing siya sa malaking pamilya ay nagkunwari si Adonis sa pamamagitan ng prosthetics. Gagampanan niya ang mga tauhan na sina Lola Paulina, Tita Barbara, at Apol Dayap. Ang ending, naging madali para kay Adonis na mapahulog ang loob nina Athena and Along. Kaya lang gaano katagal ang pagkukunwari ni Adonis at kailan ito madidiskubre ng mag-ina?

Abangan ang super-licious at super-exciting na pelikulang hatid ng Star Cinema, ang Supah Papalicious sa March 22 in over 150 theaters nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN