Hindi lamang ang That Boy In The Dark lead actor na si Joaquin Domagoso ang nanalong best actor sa apat na international film festivals bago natapos ang 2022 dahil umaani rin ng tagumpay ang direktor nitong si Adolf Alix Jr.
Ang balitang nagwagi siyang best director sa International Manhattan Film Awards New York ang natanggap ni Adolf ngayong Martes, January 3, 2022.
Tuwang-tuwa siya sa mga parangal na ipinagkakaloob sa pelikula ng BMW8 Entertainment na ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 8, 2023.
Mensahe ng pasasalamat ni Adolf sa Facebook post niya" “And another blessing as we begin 2023!Just got this news. Glory be to God!
“BEST DIRECTOR International Manhattan Film Awards. Again, this is for #TeamThatBoyInTheDark.
“Little did we know that we will be receiving all these pat on the back when we were doing the film. We are in awe of all these blessings pouring in for our film in the past months.
“Thanks Daddie Wowie [Roxas, BMW8 Entertainment producer] for your passion for our film. Praying you’ll support us when the film opens in cinemas this January 8, 2023.”
Maliban sa pagkilalang iginawad ng Manhattan International Film Festival, ang That Boy In The Dark ang Best Thriller Feature Film at nagbigay kay Adolf ng Special Mention Director Feature Film sa Five Continents International Film Festival 2022 ng Venezuela; Silver Award winner for Best Director sa Latitude Film Awards 2022 ng United Kingdom; Best Director, at Best Feature Film Awards sa 2022 Boden International Film Festival ng Sweden.