Angeli Khang tagged as "Vivamax Queen" in teaser of upcoming film Bela Luna; dethrones AJ Raval?

by Jerry Olea
Jan 4, 2023
aj raval angeli khang vivamax queen
Is AJ Raval (left) no longer the Vivamax Queen after Angeli Khang (right) was tagged as "Vivamax Queen" in the teaser of the upcoming film Bela Luna?
PHOTO/S: Vivamax

Umariba lalo ang Vivamax nitong 2022 sa hanay ng mga streaming platform na nagpapalabas ng Pinoy na bagong pelikula o serye.

Mabibilang lamang ang bagong Pinoy content sa Netflix Philippines, lalo na sa HBO Go at Amazon Prime.

Inilunsad ang Juanetworx noong Hulyo 21 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City bago mag-Ghost Month (Hulyo 29-Agosto 26). Nagpalit ito ng pangalan at ginawang JUAN Networks Studio noong Oktubre 17 pero hindi pa ito nagte-take off.

Nagbago na ang taon pero wala pang isang libo ang followers sa Facebook page nito. May update kaya rito pagsapit ng Chinese New Year sa Enero 22, 2023?

Walang takot ang AQ Prime na naglunsad ng streaming app within the Ghost Month noong August 8. Dougle Eight (8-8) ang petsang iyon na suwerte para sa iba.

Apat na bagong pelikula ang handog nila — Bingwit, Adonis X, La Traidora, at Huling Lamay.

Mula noon hanggang natapos ang 2022 ay dalawa lang na bagong pelikula ang naihatid ng AQ Prime — Pula Ang Kulay ng Gabi at Katok.

5M SUBSCRIBERS AND COUNTING

Enero 2021 nag-umpisa ang Vivamax. Pagsapit ng Disyembre ng taong iyon ay may 2M subscribers na ito.

More and more ang nagsu-subscribe sa Vivamax — 3M by May 2022, 4M by August 2022, 5M by December 2022.

Biyernes nagpapalabas ng bagong pelikula ang Vivamax. Kung Linggo ay may bagong episode ang serye.

Miyerkules naman usually ang payanig ng Vivamax Plus (pay-per-view) na karaniwang P499 ang bayad, labas sa subscription fee. Tampok sa Vivamax Plus ang advance screening o Director’s Cut.

Meron ding pam-Vivamax Plus at hindi napapanood sa subscription, gaya ng Livescream, Two and One, Kumusta Bro? (The Series), Gameboys 2, at Memories Of A Love Story.

FIRST VIVAMAX QUEEN

Tinagurian si AJ Raval bilang Vivamax Queen ng 2021 dahil pumatok sa subscribers ang mga pelikula niyang nag-streaming.

Ang tanong: siya pa rin ba ang Vivamax Queen noong 2022 o napunta na sa iba ang korona?

aj raval

Sa kabila ng pagde-deny ng tatay niyang si Jeric Raval, ayaw mamatay-matay ang bali-balitang nabuntis at nanganak si AJ, courtesy of Aljur Abrenica.

Read: Jeric Raval, diretsahang itinangging nabuntis at nanganak ang anak na si AJ Raval

Tinanggihan ni AJ ang Scorpio Nights 3 dahil sa script niyon. Malugod iyong sinalo ni Christine Bermas.

Read: Christine Bermas, pinalitan si AJ Raval sa Scorpio Nights 3; AJ, bakit tinanggihan ang pelikula?

Naghubad pa rin si AJ sa mga sumunod na pelikula niyang Sitio Diablo at Us x Her, but not as daring as before. Pa-tweetums na si AJ lalo pa kung ikukumpara sa ibang Vivamax babes.

Dapat sana ay tampok si AJ sa 2023 calendar ng isang inuming nakakalasing, subalit pinalitan siya ng ibang aktres.

BACK-TO-BACK-TO-BACK-TO-BACK

Apat na magkakasunod na Biyernes na tampok si Jela Cuenca sa pelikula ng Vivamax.

Jela Cuenca in Girl Friday

Kasama si Jela sa 5-in-1 na nag-streaming noong Setyembre 23, Girl Friday na nag-streaming noong Setyembre 30, Pabuya na nag-streaming noong Oktubre 7, at Relyebo na nag-streaming noong Oktubre 14.

Pansahog din si Jela sa tatlo pang Vivamax films last year — Silip Sa Apoy, Island of Desire, at Boy Bastos.

Meron kayang makakapantay o makakahigit sa record na iyan ni Jela bilang Back-to-"Back-to-Back-to-Back Queen ng Vivamax"?

BOASTING RIGHTS

Sa tuwi-tuwina’y may artista o filmmaker na ipinagyayabang na number 1 sa Vivamax ang kanyang proyekto.

Sa pelikula, isang linggo lang usually ang pangungunang iyon. Sa bagong series, nangunguna naman iyon kapag may bagong episode.

Ang tanong… gaano katagal sa Top 10 ang isang pelikula? Tatagal man lang ba iyon ng isang buwan sa Top 10 Movies of the Week?

As of this writing, ang huling Vivamax movie ay ang Bugso na nag-umpisang mag-streaming noong Disyembre 30, Biyernes.

Sandamukal ang hubaran at lampungan sa pelikulang ito nina Ayanna Misola, Sid Lucero, at Hershie de Leon, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr., kaya hindi kataka-takang nanguna ito sa Top 10 Movies of the Week.

bugso poster

Ang sumunod dito ay ang dating number 1, ang An Affair to Forget na noong Disyembre 23 nag-umpisang mag-streaming. Idinirek ito ni Louie Ignacio, starring Sunshine Cruz, Allen Dizon, Angelica Cervantes, and Karl Aquino na kasama sa Final 14 ng seventh season ng StarStruck (Hunyo-Setyembre 2019 sa GMA-7).

an affair to forget poster

Ang iba pang pelikula sa Top 10 Movies of the Week at ang petsa kung kailan sila nag-umpisang mag-streaming:

3. Putahe (Mayo 13) nina Ayanna Misola, Janelle Tee, Massimo Scofield, at Ronnie Lazaro, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

4. Pamasahe (Disyembre 9) nina Azi Acosta, Mark Anthony Fernandez, at Felix Roco, sa direksiyon ni Roman Perez Jr. Record holder ito bilang pinakamaraming views sa opening day.

5. Bula (Setyembre 2) nina Ayanna Misola, Gab Lagman, Rob Guinto, at Mon Confiado, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.

6. Laruan (Disyembre 16) nina Franki Russell, Kiko Estrada, Jay Manalo, at Ava Mendez, sa direksiyon ni Yam Laranas.

vivamax top 10

7. Virgin Forest (Hunyo 24) nina Angeli Khang, Rob Guinto, Sid Lucero, Vince Rillon, at Katrina Dovey, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

8. Selina’s Gold (Oktubre 28) nina Angeli Khang, Jay Manalo, Gold Aceron, at Azi Acosta, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

9 .Siklo (Enero 7) nina Vince Rillon, Christine Bermas, Ayanna Misola, at Rob Guinto, sa direksiyon ni Roman Perez.

10. Silip sa Apoy (Enero 28) nina Angeli Khang, Sid Lucero, Paolo Gumabao, Jela Cuenca, at Massimo Scofield, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

vivamax top 10

As mentioned, nababago ang listahang ito every week. Pero sa listahang iyan, tatlo ang obra ni Direk Roman Perez Jr. (Putahe, Pamasahe, Siklo) at dalawa ang gawa ni Direk Mac Alejandre (Selina’s Gold, Silip sa Apoy).

Iyong Siklo at Silip sa Apoy ay Enero 2022 pa nag-streaming pero pasok pa rin sa Top 10 Movies of the Week.

Ligwak na sa listahan ang Bata Pa Si Sabel na noong Disyembre 2 nag-streaming, maging iyong apat na nag-streaming noong Nobyembre — Us x Her (Nobyembre 25), Alapaap (Nobyembre 18), Showroom (Nobyembre 11), at Kara Krus (Nobyembre 4).

LOVELY BABES

Sa Top 10 Series of the Week, nanguna siyempre ang ongoing Lovely Ladies Dormitory na ipinalabas ang Episode 3 noong Enero 1, Linggo, unang araw ng bagong taon.

Limang baguhan ang mga bidang babae rito. Si Andrea Garcia ang virgin Law student na si Tracy.

Si Hershie de Leon ang Psychology student na si Miya.

Si Yen Durano ang dancerist at on cam girl on the side na si Jackielyn.

Si Julia Victoria ang Nursing graduate na si Stella.

At si Tiffany Grey (na nominadong best supporting actress sa MMFF 2022 para sa pelikulang My Father, Myself na idinirek ni Joel Lamangan) ang live seller na si Alma.

Idinirek ito ni Mervyn Brondial, at nasa cast din nito sina Nico Locco, Massimo Scofield, Yuki Sakamoto, at Alma Moreno ng musical-variety show na Loveli-Ness.

Ang iba pang series sa listahan ay High (School) On Sex, ‘Wag Mong Agawin Ang Akin, Secrets of A Nympho, L, An/Na, Iskandalo, Taxi Driver, Lulu, at Kung Pwede Lang.

vivamax top 10

Take note ang Top 7 ay pawang erotic series.

Ensemble ang High (School) On Sex ni Direk GB Sampedro, starring Wilbert Ross, Denise Esteban, Katrina “Kat” Dovey, Migs Almendras, Angela Morena, Aica Veloso, Nathan Cajucom, Jiad Arroyo, Andrea Garcia, Marco Gomez, Rob Guinto, at iba pa.

Mag-inang nag-agawan ng lalaki sina Angeli Khang at Jamilla Obispo sa ‘Wag Mong Agawin Ang Akin, na idinirek ni Mac Alejandre.

Tampok din sa bold drama series na ito sina Felix Rocco, Arron Villaflor, Angelica Cervantes, Josef Elizalde, Hershie de Leon, Yayo Aguila, Lara Morena, Isadora, at Julio Diaz.

Murder mystery series ang Secrets Of A Nympho na pinangunahan nina Rhen Escaño at Ayanna Misola, sa direksiyon nina Shugo Praico at Philip King.

Nasa cast din nito sina Arron Villaflor, Josef Elizalde, Gold Aceron, Stephanie Raz, Andrea Garcia, Jiad Arroyo, Miles Victoria, Milana Ikimoto, Jeric Raval, at iba pa.

Ang L ay trilogy (limited series) na pinagbidahan ni Vince Rillon. Idinirek ito nina Topel Lee, EJ Salcedo, at Roman Perez Jr.

Kasalo ni Vince sa L sina Stephanie Raz, Ayanna Misola, Cloe Baretto, Cara Gonzales, at Jamilla Obispo.

Title role sa An/Na si Janelle Tee. Idinirek ito ni Jose Javier Reyes, at co-stars dito sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Micaella Raz, Azi Acosta, Fabio Ide, Nico Locco, at iba pa.

Ensemble din ang Iskandalo ni Direk Roman Perez Jr., starring AJ Raval, Cindy Miranda, and Ayanna Misola.

Nasa cast din nito sina Jay Manalo, Jamilla Obispo, Angela Morena, Sean de Guzman, Rocky Salumbidez, Krista Miller, Andrea Garcia, Massimo Scofield, Joonee Gamboa, Evangeline Pascual, Arvic Tan, Julio Diaz, Arnold Reyes, at marami pang iba.

Ang Taxi Driver ay Korean action-drama series na noong 2021 pa ipinalabas.

Ang Lulu ay GL series nina Rhen Escaño at Rita Martinez, sa direksiyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo.

Ang Kung Pwede Lang (KPL) ay rant-serye ni Direk Darryl Yap.

THREE ACES

Tatlong alas ng talent manager na si Jojo Veloso sina AJ Raval, Angeli Khang, at Ayanna Misola.

Ang pangalan nila ay pawang nagsisimula sa titik “A.”

Naunang kinilala si AJ bilang Vivamax Queen noong 2021.

Sa pagpasok ng Enero 2022 ay pasiklab si AJ sa Hugas, pero sa seryeng Iskandalo ay tatlo sila nina Cindy Miranda at Ayanna Misola na pambenta.

Ang tatlo pang Vivamax movies ni AJ last year — ang Kaliwaan, Sitio Diablo, at Us x Her.

Gaano kainit ang mga ito para sa subscribers ng Vivamax? Sa trailer pa lang ng Sitio Diablo ay tila may pahiwatig na ang linya ni AJ na, “Ayoko nang maging reyna kung dito din lang ako magiging reyna.”

Nakakadarang ang mga pasiklab ni Angeli Khang sa pelikulang Silip sa Apoy, at sa seeyeng ‘Wag Mong Agawin Ang Akin. Parehong idinirek ito ni Mac Alejandre, na direktor din ng isa pang movie ni Angeli na Selina’s Gold.

Nagpainit din si Angeli sa mga pelikulang Us x Her, Girl Friday, Virgin Forest, at Pusoy.

Kasali si Ayanna Misola sa tatlong serye — L, Iskandalo, at Secrets of A Nympho.

Anim ang kanyang mga pelikula — Bugso, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Putahe, Bula, Kinsenas, Katapusan, at Siklo.

Nakapitong Vivamax movie last year si Christine Bermas — Siklo, Sisid, Island of Desire, Moonlight Butterfly, Relyebo, at Scorpio Nights 3.

Si Rob Guinto ay kasama sa mga pelikulang Siklo, Bula, X-Deal 2, Showroom, Virgin Forest, Boy Bastos, at Purificacion, at sa mga seryeng An/Na at High (School) On Sex.

Nagbida si Janelle Tee sa pelikulang Secrets, The Escort Wife, at Putahe, at seryeng An/Na. Nag-sabbatical leave siya kapagkuwan. Kasama rin si Janelle sa mga pelikulang Pusoy at Kinsenas, Katapusan.

PRINCESS, DUCHESS, COUNTESS

Marami pang ibang hubadera ang Vivamax na maituturing na princess, duchess, countess, viscountess, marchioness o baroness nitong nakaraang taon.

Andiyan si Cara Gonzales ng Hugas, Ikaw Lang Ang Mahal, L, The Wife, at Purificacion.

Nagbida si Franki Russell sa Pabuya at Laruan. Pa-tweetums siya kumpara sa ibang nagbibida.

Dalawang pelikula rin ang pinagbidahan ni Denise Esteban, ang Doblado at Kara Krus.

Inilunsad si Micaella Raz sa Bata Pa Si Sabel, at si Rose Van Ginkel sa Kitty K7.

Bida si Quinn Carillo sa Biyak at Showroom. Si Angelica Cervantes, bida sa Biyak at An Affair to Forget.

Matapos magpahinga ay bumalik si Cloe Baretto sa eksena at nagbida sa Tahan, #DoYouThinkImSexy, at The Influencer.

Leading lady ni Vince Rillon sa Tubero si Angela Morena.

Palaban sa Alapaap sina Katrina “Kat” Dovey, Andrea Garcia, at Chesca Paredes.

Sinu-sino kaya sa kanila ang higit na magniningning ang bituin ngayong 2023?

LONG LIVE THE QUEEN

Streaming na sa Vivamax umpisa Enero 6, Biyernes, ang pelikulang Panibugho ni Direk Iar Arondang.

Ang magkakapatid na sina Sonya (Angela Morena), Esther (Stephanie Raz), at Leah (Micaella Raz), nabighani sa kakisigan ni Felipe (Kiko Estrada). Hating-kapatid?

panibugho poster

Tila may bahid ito ng Virgin People (1984) ni Direk Celso Ad Castillo, kung saan tinuhog ni Isaac (Ernie Garcia) ang magkakapatid na sina Ikang (Janet Bordon), Aning (Myrna Castillo), at Talya (Pepsi Paloma).

Nakatakdang ipalabas sa Enero 13, Friday the 13th, ang revenge drama ni Direk Lawrence Fajardo Jr. na Nightbird.

Bida rito si Christine Bermas, at co-actors niya sina Sid Lucero, Felix Roco, Arron Villaflor, at Mark Anthony Fernandez.

Magpapaalab sa Enero 20 ang Tag-init ni Direk Jose Javier Reyes, starring Franki Russell and Yen Durano.

Kasama rito sina Clifford Pusing, Ali Asistio, Aerol Carmelo, Marc Acueza, at Axel Torres.

Magmamaganda sa Enero 27 ang Bela Luna ni Direk Mac Alejandre, starring Angeli Khang, Mark Anthony Fernandez, and Kiko Estrada.

Sa 32-second teaser ng Bela Luna ay tinagurian si Angeli na "Vivamax Queen."

Enero 29 nakatakdang mag-pilot ang seryeng Erotica Manila ni Direk Lawrence Fajardo.

Tampok dito sina Azi Acosta, Alex Medina, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Cara Gonzales, Josef Elizalde, Felix Roco, at Benz Sangalang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is AJ Raval (left) no longer the Vivamax Queen after Angeli Khang (right) was tagged as "Vivamax Queen" in the teaser of the upcoming film Bela Luna?
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results