Watch Now

Liza Diño says end of FDCP stint "meant for me to be able to support my husband"

by Melba R. Llanera
Jan 10, 2023
Liza Dino and Ice Seguerra
Liza Diño explains how Fire and Ice Productions, Inc. came to be and reveals the lineup of projects to be produced by her and Ice Seguerra's company.
PHOTO/S: @lizadino Instagram

Para kay Liza Diño, perfect timing ang pagtatapos ng trabaho niya bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ito ay para maging aktibo siya sa itinayo nilang media and production company ni Ice, ang Fire and Ice Productions, Inc.

Kuwento ni Liza, "When I was in FDCP, yung puso at kaluluwa ko talaga naka-devote sa work ko as public servant.

"I think this is the right time, and it came at the right time kasi Ice [Seguerra] is celebrating his 35th anniversary.

"And for some reason, kung maghahanap ako ng rason bakit nangyari ang mga bagay-bagay sa mundo, it was meant for me to be able to support my husband.

"From there, tuluy-tuloy na."

Si Liza ang CEO ng Fire and Ice, at aminadong nangangapa pa siya bilang producer.

Paliwanag niya, "Actually, I'm learning on the job honestly. Yung kay Ice, I was still in FDCP, kinonvince ko talaga siya na, 'Na-miss mo na ang 30th mo, huwag mo nang hayaan na yung milestone mo, yung 35th year, malagpasan mo pa rin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan lang talaga ng support system para makarating siya sa mga ganun, sobrang sumakto siya.

"Yung Becoming Ice kasi naging learning experience siya for me. Before sa FDCP, I used to have teams, I have a team for marketing, I have a team for tickets, I have a team for everything else.

"Ngayon, ako talaga. Ako gumawa ng lahat ng sponsorship letter, ako gumawa lahat ng invitations, ako nagbenta ng tickets, ako kausap ng platform, ako yung lahat. Walang tulog, ganun."

Ang Becoming Ice anniversary concert ni Ice ay ginanap sa The Theater at Solaire noong October 15, 2022; at masusundan iyon ng show sa Waterfront Hotel Casino sa Cebu sa February 18, 2023.

Ang Fire and Ice din ang producer ng Divine Divas Live: The Ultimate Drag Experience na mapapanood sa New Frontier Theater sa February 10, 2023.

Layunin daw ng Fire and Ice na bigyan ng oportunidad ang talents na may angking galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalarawan ni Liza: "Ako kasi, when we see talent, katulad ng na-experience ko sa FDCP, ang dami sa mga filmmakers natin raw and kailangan lang nila ng platforms para ma-discover, pero talented sila, lalo na sa regions natin.

"That's how I also see our Drag Queens. Parang they've been doing this for the long time but they've always been seen as palamuti or extra or underground. But they deserve a mainstream stage, that's what we're giving them.

"I'm happy that these talented queens, we know them personally. Nasa bahay ang mga iyan, nanonood kami ng horror films together, kumakain. We eat dinner, nagluluto ako for them. I know them in a personal level, they have dreams.

"Ewan ko, naging ganun na rin siguro ako, 'Ay, kailangan ng opportunity, gagawa talaga ako ng paraan.'"

Read: Ice Seguerra recalls Liza Diño "grabe ang lagapak" after FDCP stint; Liza now busy with own company

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON PRODUCING FILMS AND LIVE EVENTS

Inisa-isa rin ni Liza ang mga nakalinyang proyekto ng Fire and Ice pagdating sa paggawa ng pelikula at live events.

"Fire and Ice is an entertainment company more than just doing live events. We have brands right now, we have Fire and Ice live events, we have Fire and Ice Screen for anything that you see on screen like series, reality shows, films.

"I am producing three films right now, pero yung approach kasi, what I can bring on the table is international yung approach niya. Global, we will shoot, we will bring international talents. Independently produced but global.

"Pangbenta internationally kasi we wanna go commercial. Puwedeng genre series, reality shows... May dine-develop kaming Christmas series.

"I'm talking to some screeners right now and I'm happy kasi excited din sila sa kung ano ang puwede nilang maibigay."

Ipinagmalaki ni Liza ang LGBT-themed film na balak niyang prodyus niya habang si Ice ang uupong direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, I'm the producer of his first film project, the title is Transfatherhood. This is basically din siguro a bio flick of our lives, pero siya yung magdidirek, so we're getting different set of actors to be part of the film.

"Ang goal namin is to get Elliot Page, kung kilala ninyo siya as Juno before, he's the greatest actor in the world. Nasa Umbrella Academy [Netflix series] na siya but he just recently had transition as a trans man.

"This is a very special project for us because we want to normalize how trans family [works].

"This is a journey of a five-year-old who is compelled and forced to see a lesbian partner ng nanay niya as a father figure. Paano ang relationship ng isang five-year-old in terms of his accepetance of the LGBT.

"Journey din siya ng lesbian to realize na he's actually a trans man."

ON GIVING HER ALL AS A PRODUCER

Labis ang pasasalamat ni Liza sa dating posisyon bilang FDCP Chair dahil marami raw siyang natutunan dito na maa-apply niya sa pagiging producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman, if there's one thing FDCP gave me is the opportunity to think quality first. Siyempre sa government, wala kaming responsibility na magbenta ng tickets.

"Parang we need to give the best for our constituents, for our stakeholders. Laging what I have in mind [is] to give the best of what they deserve in terms of, like, content, the quality of the show.

"You've been to all our shows and the events we had in FDCP, so parang nadala ko siya."

Patuloy na kuwento ni Liza, bigay-todo rin siya bilang producer ngayon.

"Nung kinoceptualize namin yung Becoming Ice concert, hindi kami nag-compromise.

"Sa totoo lang, yung first concert namin, almost break even lang kami kasi pinaareglo niya [Ice] twenty-six songs, di ba?

"Yung ano niya, fourteen-piece kami na orchestra, kaso dun pa lang isang milyon na. Yung ganun kagrabe sa quality, it's that, iyon yun, e. They deserve nothing but the best."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO REGRETS AFTER FDCP STINT

Natapos man ang termino bilang FDCP Chair, kampante raw si Liza na alam niyang ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa ahensiya.

"I think everyone has opportunity for something better. Siguro, look back ako, I left no stones left unturned.

"Lahat wala akong regrets kasi alam kong binigay ko ang lahat, and siguro yun ang masarap pag nagmu-move forward ka na sa next chapter ng buhay mo.

"Wala kang what ifs na, 'sana ginawa ko ito, sana ginawa ko yan,' alam ko ginawa ko ang lahat. I mean, at the expense of family sometimes.

"I take everything as a learning experience and nandun lang ako sa sana ituloy yung programs. Sana palakihin pa, kasi right now nandun tayo sa cask ng recovery.

"It's a make or break right now—are we gonna ride away of globalization, are we going to keep up with the industry that is demanding?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was ready, I had a three-year plan, papasok na tayo ng Hollywood. I went to the U.S. for a couple of months, hindi puwedeng matanggal yung momentum na yun.

"Nasa Hollywood na tayo, we have an actor who is representing all of us.

"Siguro yun. Kung mayroon akong I know... siguro I know what I'm capable of in terms of experience, the network and the platform that we already established, so sana ituloy."

Ayon kay Liza, maayos niyang na-turnover ang lahat ng iniwang trabaho.

"To answer yung tinurn over ko nang maayos, I did everything, I made sure lahat ng programs institutionalized.

"Yung iba kasi baby pa lang ang mga yan, kailangan talaga siyang i-nurture. It's one thing to have a program but to maintain it, that's more challenging.

"I made sure na lahat ng mechanics, execution... We have staff who are still there who can continue this and can really make it big. I believe hindi ako nagkulang dun," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño explains how Fire and Ice Productions, Inc. came to be and reveals the lineup of projects to be produced by her and Ice Seguerra's company.
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results