Nilinaw ni Laurenti Dyogi na hindi lumipat ng Star Magic ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.
Sinabi ito ni Lauren nang sumalang si Kylie sa presscon ng Star MagicxMavX para sa tatlong pelikulang ipalalabas ngayong 2023: ang Unravel, I Love Lizzy, at Swing.
Si Dyogi, o mas kilala bilang Direk Lauren, ay ABS-CBN TV and Entertainment Production head, at siya ring pinuno ng Star Magic, na talent management arm ng ABS-CBN.
Ang MavX Productions ay independent film company na nagprodyus ng tatlong pelikulang nabanggit.
Liban kay Kylie, panay Star Magic artists sina Gerald Anderson, Carlo Aquino, Barbie Imperial, RK Bagatsing, at Jane Oineza ang humarap sa presscon na ginanap noong January 6, 2023.
Naroon din si Direk Lauren bilang head ng Star Magic.
Si Kylie ay mula sa Sparkle, na talent management arm ng GMA-7.
Disclaimer ni Direk Lauren sa gitna ng presscon: "I just like to thank Kylie and Sparkle for joining us.
"Baka may magtanong kasi diyan, 'Is Kylie with Star Magic? No, we have the honor, Gerald had the honor to work with Kylie."
Nakangiting singit ni Kylie, "It's my honor po."
"So, maraming-maraming salamat sa yo, Kylie," dagdag ni Lauren.
Nilinaw rin ni Direk Lauren na ang MavX ang nagprodyus ng mga pelikula, at ang Star Magic ang nag-provide ng artists para sa iba-ibang pelikula.
Mula raw sa kampo ng MaVx ang ideya na si Kylie ang itambal kay Gerald saUnravel, at naging maayos daw ang usapan ng lahat ng mga partido.
KYLIE AND GERALD ON THEIR FIRST MOVIE TEAMUP
Sa kaso nina Kylie at Gerald, pabor sila sa anumang oportunidad na magkatrabaho ang stars mula sa magkaibang TV network.
Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ukol dito, inamin ni Kylie na nag-enjoy siya katrabaho si Gerald.
"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. I've watched their films so it's an honor to work with someone whom I've admired.
"Hanggang ngayon, pag tinitingnan ko yung poster, parang di ako makapaniwala. I just observed how he worked and I learned a lot," pahayag ng Kapuso star.
Iba rin daw ang pagkakakilala niya kay Gerald sa impression niya rito.
Sabi ni Kylie, "He's very full of humility. I thought may ego, may yabang. When I was working with him, he's very quiet.
"Natutuwa ako dun. You don't have to be loud to be someone in this industry."
Hanga rin si Gerald kay Kylie.
Sabi ni Gerald sa PEP.ph: "Nakakabilib talaga si Kylie. May mga medyo intense at nakakatakot na ginawa niya na nakita niyo sa trailer, pero talagang for the passion, for love of the movie, talagang ginawa niya, yung professionalism niya para sa trabaho...
"Ang ganda ng Switzerland, ang ganda pa ng naging partner ko. Talagang mas naging madali trabaho ko.
"Hands up to MavX kasi they brought two artists from different networks para magsama sa isang proyekto, tapos puwede. It's exciting, it's new. Mas marami pa dapat."
ON UNRAVEL'S SENSITIVE THEME
Aminado naman si Kylie na sensitibo ang tema ng Unravel tungkol sa assisted voluntary death sa Switzerland.
Sa trailer ng pelikula, magkukrus ang landas nina Lucy (Kylie) at Noah (Gerald) sa puntong nais nang tapusin ni Lucy ang buhay niya. Hahamunin ni Noah si Lucy na sumabak sa exciting adventures sa Switzerland para subukang baguhin ang desisyon nito.
Sabi ng aktres, "Actually, I was very careful with this project because I didn't want it to be that we're romanticizing this subject [assisted suicide]. It was very sensitive.
"But for me kasi, when I read the script, very character-driven kung bakit ako nag-oo. I really felt for my character Lucy.
"And I feel like my journey sa story na ito, kasi we're watching the movie through her eyes, e.
"So when you watch it, you'll see na sana there's hope for a more positive outlook in life. Ayoko na masyado iano... Basta when you watch it, you'll understand.
"Basta ako, after I read the whole script, naging positive yung outlook ko and it helped me out in a way na I didn't think it would kasi nga the subject is very sensitive.
"But for me, it ended in a positive note."
Punto ni Kylie, "And I think it's a good way to start a conversation because in reality, it happens. Suicide is a thing in our reality and I think this would be a good conversation starter."
Nagbahagi rin si Gerald ng takeaway niya sa pelikula.
"Ang natutunan ko, nabigyan ng validation yung matagal ko nang mindset—just be nice to other people.
"Kasi di mo alam kung ano pinagdadaanan niyan, di mo alam kung kumusta araw niya. Being nice, di naman siya expensive na bagay. It's something we can all do, and respetyo sa bawat isa.
"Katulad ngayon, andito tayo, may bago tayong pelikulang ipapalabas pero di natin alam kung anong pinagdadaanan ng mga kasama ko dito ngayon, di natin alam kung ano pinagdadaanan sa personal life niyo.
"The only thing we can do is just be nice."