Watch Now

Nadine Lustre downplays her triumph in edging out Vice Ganda in MMFF 2022 box-office race

by Rose Garcia
Jan 14, 2023
nadine lustre mmff 2022
Nadine Lustre downplays her triumph in edging out Vice Ganda in the recent 2022 MMFF box-office race: “Grabe naman yung tumalo. Hindi ko po alam. Kapag naiisip ko po ang mga ganyan, sobrang unreal siya sa akin. At parang... nangyayari ba ‘to? Para siyang panaginip."
PHOTO/S: Noel Orsal

Binigyan ng thanksgiving presscon ng VIVA Films ang pelikulang Deleter, ang undisputed box-office winner sa nakaraang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukod sa kinita nito sa takilya, ang Deleter din ang umani ng pinakamaraming parangal sa MMFF 2022 awards night.

READ: Deleter, big winner sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; Ian Veneracion, di nakapagpigil kay Mon Confiado

Ginanap ang thanksgiving presscon sa Greyhound Thai Restaurant sa Rockwell, Makati noong January 11.

At siyempre, dinaluhan ito ng director na si Mikhail Red, ang ilan sa main cast na sina Jeffrey Hidalgo at Louise delos Reyes at ang maituturing na pinaka- “in” na artista sa pagpasok ng taong 2023 na si Nadine Lustre.

Tinanong agad si Nadine kung ano ang reaksyon niya na siya ang paparangalang Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Awards.

“Grabe naman yun,” natawang reaksiyon niya. “Siguro ano po, magbibigay na lang ako ng sagot kapag nandoon na tayo. Ayoko munang mag-expect.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panay rin ang tanong kay Nadine kung ano ang pakiramdam niya na siya ang nakatalo kay Vice Ganda sa pagiging number 1 palagi sa MMFF.

NADINE STILL HASN'T PROCESSED HER MMFF 2022 SUCCESS

Tila nahihiyang sagot naman ni Nadine, “Grabe naman yung tumalo. Hindi ko po alam. Kapag naiisip ko po ang mga ganyan, sobrang unreal siya sa akin.

“At parang... nangyayari ba ‘to? Para siyang panaginip.

"Kasi nga po, hindi rin sanay. Parang bago rin po. Sobrang ganda rin po ng lahat ng nangyayari sa Deleter kaya ang hirap din pong i-digest.”

May balitang may kasunod na siyang pelikulang gagawin sa VIVA Films. Pero dahil na rin sa magagandang nangyayari sa career niya ngayon, posible nga kayang may pressure sa mga susunod niyang tatanggaping proyekto?

“Hindi naman po sobrang pressured, I guess. More than pressured, mas excited po ako, kasi at least ngayon, iba’t ibang klaseng genre na po ang mapi-present sa akin this time around. Mas excited.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagawa pa rin naman daw siya ng romcom, pero hindi muna sa ngayon.

“Baka in the future.

“Wag muna, wag muna kasi sayang. Nag-horror na e, baka puwedeng thriller naman,” paglinaw niya.

NADINE IRONS OUT PAST LEGAL ISSUES WITH VIVA

Nabigyang linaw na rin ni Nadine ang totoong estado ng relasyon niya ngayon at ng kanyang management company, ang VIVA Artists Agency. Kung matatandaan, nagkaroon sila ng isyu na umabot pa sa legal na proseso.

READ: Nadine Lustre willing to settle dispute with Viva out of court

READ: Viva Artists Agency files lawsuit vs Nadine Lustre for violating her contract

Ayon kay Nadine, okay na raw sila.

“Of course, I think naman po, just like any family, nagkakaroon ng misunderstanding. So I’m happy that we’ve passed that stage already and we’re working together.

“And this time around, they’re open to making more projects na very out-of-the box. Hindi na lang siya puro romcom katulad ng ginagawa ko. Excited on more projects,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADINE ON BEING 'DELETED'

Naitanong naman kay Nadine kung sa totoong buhay, naranasan na raw niya na may nag-delete o naglaglag sa kanya.

“Wow, issue! 2023 na, issue pa rin tayo,” natatawang biro niya.

At saka sinagot na, “Sa atin namang lahat, meron namang mga ganung instances na may mga tao naman talaga na hindi naman nag-i-stay sa ‘yo forever. So, normal naman siya.

“I don’t see it as anything bad.

“Kumbaga, journey ng isang tao yun. May mga tao na mami-meet mo, pero ano lang sila, ‘eto lang talaga ang hangganan ng relationship ninyo. Kasi, yun lang ang purpose nila. Hanggang doon lang ang relationship ninyo.

“'Tapos, pag na-serve na ng taong yun ang purpose, hindi naman necessarily na mag-stay yun forever hanggang sa tumanda na kayong dalawa. Kahit naman ako, marami rin naman ako na mga friends na friends ko lang sila noong una, pero ngayon hindi ko na sila nakakausap. I think it’s normal, hindi naman siya traumatic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADINE THANKFUL FOR FINALLY BEING ABLE TO CHOOSE OR TURN DOWN ROLES

Sa huli, na-realize na raw ni Nadine na pag-arte talaga ang gusto niyang gawin. Aminado siya na may pagkakataon na nawawala ang passion niya sa ginagawa. Pero nagiging motivation daw niya ang mga pangarap pa rin niya.

“Ako po, I guess, personally kaya merong mga time na parang nawawala ang passion ko sa mga ginagawa ko, parang nagla-lapse, kasi totoo rin po talaga ang burnout,” lahad niya.

“Yung pagod na pagod ka na, 'tapos, paulit-ulit pa ang ginagawa mo. Yun po talaga ang ayoko na. Lalo na kung nagkakasakit ka na po. Yun talaga yung sobrang hirap na rin. Doon ka talaga mapapaisip na, ‘gusto ko pa ba itong ginagawa ko?’ ‘sobrang worth it pa ba ‘to?’

"Umabot na ako sa ganung point that time na nasabi ko sa sarili ko, parang ayoko na ng ginagawa ko. Kasi pagod na pagod na po talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But I guess, definitely, the reason din kung bakit pinagpatuloy ko, kasi meron din po akong mga gustong gawin. Meron pa akong mga goals, meron pa akong mga gustong ma-achieve, yung mga dreams ko.”

Sabi pa ni Nadine, “Isa rin po sa nagpapa-motivate sa akin like recently, kapag napi-feel ko na parang nagre-relax lang ako or okay na iyan, gusto kong binabalikan yung mga gusto kong gawin para ma-inspire po ulit ako.

“And I guess, ngayon din po, I’m very lucky. Kasi, I’m at the point of my career na puwede na po akong pumili kung ano ang gusto kong gawin. Puwede na rin po akong mag-no sa mga ayokong gawin.

“Before po kasi, noong medyo bago pa ako, gawin lang natin ng gawin. But now kasi, I guess, natuto rin po ako na, yun nga po, kapag sobra rin ang ginagawa mo, yung health mo rin naman po ang nagsa-suffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I guess, very lucky po ako na nagagawa ko ang mga gusto at nakakapag-no rin po ako kapag hindi ko gusto ang project.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre downplays her triumph in edging out Vice Ganda in the recent 2022 MMFF box-office race: “Grabe naman yung tumalo. Hindi ko po alam. Kapag naiisip ko po ang mga ganyan, sobrang unreal siya sa akin. At parang... nangyayari ba ‘to? Para siyang panaginip."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results