Watch Now

Dolly de Leon "so proud to be the first Filipina" nominated for Best Supporting Actress at BAFTA

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2023
Dolly de Leon
Dolly de Leon on her BAFTA nomination: “I’m so grateful to the BAFTAs for recognizing my performance in Triangle of Sadness. I have been working in the Philippines for my whole career and it means so much to have my first English-language role honored in this way—and to be in the company of such incredible talent."
PHOTO/S: @neonrated / @geenarocero on Instagram

Pinahahalagahan nang husto ni Dolly de Leon ang Best Supporting Actress nomination niya sa 76th British Academy Film and Television Awards (BAFTA).

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkaroon ng nominasyon sa award-giving body ng United Kingdom na itinuturing na katumbas ng Academy Awards o Oscars ng Amerika.

Nominado si Dolly para sa karakter niyang si Abigail sa Triangle of Sadness, na unang English-role language project niya.

Kumpirmado na ang kanyang pagdalo sa gabi ng parangal ng 76th BAFTA na magaganap sa Royal Albert Hall, London, England, sa February 19, 2023.

Lumabas noong Huwebes ng gabi, January 20, ang kumpletong listahan ng mga nominado sa 76th BAFTA, at kasama ang pangalan ni Dolly.

Read: Dolly de Leon nominated for Best Supporting Actress at BAFTA 2023

Lubos ang pasasalamat ni Dolly sa mensahe na ipinadala ng kanyang manager na si Ferdy Lapuz sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Pahayag ng aktres: “I’m so grateful to the BAFTAs for recognizing my performance in Triangle of Sadness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have been working in the Philippines for my whole career and it means so much to have my first English-language role honored in this way—and to be in the company of such incredible talent.

“I'm so proud to be the first Filipina ever nominated in this category! Very grateful to our UK distributor Curzon too!”

Kasalukuyang nasa Amerika si Dolly dahil dumalo siya sa 80th Golden Globe Awards ceremony noong January 10 para sa kanyang best supporting actress nomination, at sa annual banquet ng Los Angeles Film Critics Association Awards noong January 14 bilang isa siya sa mga nanalong best supporting performer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nominasyon ni Dolly sa 76th BAFTA ang naghatid ng pag-asa sa mga naniniwala sa kanyang kakayahan na mabibigyan din siya ng nominasyon sa best supporting actress category ng 95th Academy Awards na nakatakda ang announcement sa January 24, 2023.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dolly de Leon on her BAFTA nomination: “I’m so grateful to the BAFTAs for recognizing my performance in Triangle of Sadness. I have been working in the Philippines for my whole career and it means so much to have my first English-language role honored in this way—and to be in the company of such incredible talent."
PHOTO/S: @neonrated / @geenarocero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results