Watch Now

Sexy actor Benz Sangalang says acting helped him manage this self-confessed vice

by Jojo Gabinete
Jan 22, 2023
Sexy actor Benz Sangalang
Benz Sangalang on saving his earnings: "Sa ngayon, wala pa akong investments dahil halos lahat ng mga talent fee ko, diretso sa bangko. Pero plano ko pa na ipa-renovate ang bahay namin sa Bulacan para gawin na apartments. Iniisip ko rin na magtayo ng coffee shop o gym."
PHOTO/S: Melo Balingit via @iambenzsangalang Instagram

Maligaya ang sexy actor na si Benz Sangalang dahil natupad ang pangarap niyang maging artista at magkaroon ng mga proyekto na susubok sa kakayahan niya sa pag-arte.

Mula nang pumirma siya ng kontrata sa Viva, anim na pelikula na ang nagawa ni Benz.

Pero maliban sa naging abala siya, walang masyadong pagbabago sa buhay niya liban sa nabawasan umano ang kanyang pagiging alcoholic.

"Umiinom po ako, alcoholic po ako bago ako pumasok sa Viva, pero hindi ako nagsisigarilyo.

"Dati kasi, five times a week ang pag-inom ko, ngayon twice a week na lang," ang natatawa pero nagpakatotoong rebelasyon ni Benz.

Alam niya ang pakiramdam ng mga struggling actor kaya bukod sa pagpapahalaga sa mga proyekto na ibinibigay sa kanya, nag-iipon siya ng pera dahil tanggap niya ang katotohanang hindi stable job ang pag-aartista.

"Sa ngayon, wala pa akong investments dahil halos lahat ng mga talent fee ko, diretso sa bangko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero plano ko pa na ipa-renovate ang bahay namin sa Bulacan para gawin na apartments. Iniisip ko rin na magtayo ng coffee shop o gym."

Regular ang pag-eehersisyo ni Benz sa gym kaya isa ito sa mga napupusuan niya na itayo na negosyo.

READ: Murder case ng ina ng sexy actor na si Benz Sangalang, hindi pa rin nalulutas makalipas ang 10 taon

BENZ'S SHOWBIZ BREAK

Unang napansin sa Secrets ang malaking potensyal ni Benz sa pag-arte. Pero ang Sitio Diablo ang pinakatumatak sa kanya.

Paulit-ulit na pinapanood ni Benz ang kanyang mga pelikula para makita ang mga pagkukulang sa pagganap niya.

"Pinakamalapit po sa akin ang Sitio Diablo dahil dito ko na-prove na kaya ko na gampanan ang bad boy roles," kuwento ni Benz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinapanood ko po ang movies ko at inaalam ko ang mga weakness ko. Nanonood din ako ng mga lumang pelikula ng mga beterano na artista para mapag-aralan ko ang acting nila.

"Siyempre po, palaging may mga bago na artista na pumapasok kaya iniisip ko na kung mas gagalingan ko ang pag-arte, mas magtatagal pa ako sa industriya at ang showbiz career ko."

Kakaiba si Benz sa ibang mga artista na tuluyan nang tinalikuran ang paghuhubad sa pelikula at nagmalinis mula nang mabigyan ng mga wholesome project.

Nangako siya na tatanggap pa rin ng mga sexy movie.

"Hangga’t may maipapakita ako, tatanggap ako ng sexy roles kahit mabigyan ako ng wholesome roles," ang salitang binitiwan ni Benz.

UPCOMING MOVIES

Dalawang pelikula na ang natapos niya sa unang buwan ng 2023, ang Erotica Manila at Balik-Taya.

Malapit nang umpisahan ni Benz ang shooting ng Hugot, ang kanyang first lead role.

Magsisimula naman sa Pebrero ang principal photography ng Sex Games na ipinagmamalaki niya dahil si Mac Alejandre ang direktor at ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang nagsulat ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagaman nakilala siya sa sexy movie projects na napapanood sa Vivamax, isa si Benz sa mga umaasang darating ang panahon na magkakaroon siya ng mga pelikula na maipalalabas sa Viva Prime.

Ang Viva Prime ang bagong streaming site ng Viva Entertainment na mga wholesome at family-oriented shows ang ihahatid sa publiko simula sa January 29, 2023.

"Siyempre po, hopefully, sa end of the year, magsalitan ang mga project ko sa Viva Prime at Vivamax," sabi ni Benz.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benz Sangalang on saving his earnings: "Sa ngayon, wala pa akong investments dahil halos lahat ng mga talent fee ko, diretso sa bangko. Pero plano ko pa na ipa-renovate ang bahay namin sa Bulacan para gawin na apartments. Iniisip ko rin na magtayo ng coffee shop o gym."
PHOTO/S: Melo Balingit via @iambenzsangalang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results