Buboy Villar on similarities with Manny Pacquiao: “Nangangalakal siya ng mga bote. Ako naman po naging basurero…”

Direk Paul Soriano (right) on Buboy Villar: “ He was born to play Kid Kulafu.” The child actor will portray the childhood of boxing champ Manny Pacquiao in this family sports drama.


Hindi lang kilala si Direk Paul Soriano bilang longtime boyfriend at fiancé ng TV host-actress na si Toni Gonzaga. Gumagawa rin siya ng sarili niyang pangalan bilang isang magaling na director at producer. Matatandaang nakilala si Direk Paul sa award-winning movie na Thelma kunsaan ay dinerek niya si Maja Salvador bilang isang running champion. Si Direk Paul rin ang nag produce ng 2013 Cinemalaya entry na Transit, na humakot din ng maraming awards sa ibang bansa.

Ngayon, muli na naman siyang gumawa ng isang sports movie titled Kid Kulafu na tumatalakay sa early childhood ng 8-time world boxing champion Manny Pacquiao.

Nakausap ng PEP si Direk Paul nang dumalo siya last March 28 sa Pinoy Pride boxing fight nina Nonie Donaire at Nieto Ahas sa Smart Araneta Coliseum.

Tungkol saan ang pelikula ninyo na Kid Kulafu?

Direk Paul: “It’s about the childhood of People’s Champion Manny Pacquiao. Before he became Manny Pacquiao, he was Kid Kulafu. That was name when he was an amateur boxer. This film talks about the childhood of Manny Pacquiao, how he became who is today before boxing, before his fame, before all the championships. Kid Kulafu is about the biggest fight of his life is actually before he started boxing.”

Ilang taon siya that time noong nag start siyang mag boxing? Ipapakita po ba ito sa movie?

Direk Paul: “Yes, ipapakita rito kung kailan sya nag start mag boxing. The movie takes place from the time of his birth until he’s around 7 to 8 years old, also when he was 14, 15, 16 until he became a champion eh. We do his life chronicles from 15 to 16 of his life and it’s very interesting with this movie because the people will know the story of Manny before he became the Manny Pacquiao, that was the story will show, how inspirational this film is, how hopeful he is, how he really fought his way to every challenge who he is today.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nyo nalaman yung buong istorya ng childhood ni Manny?

Direk Paul: “Almost two years of research and one year in the making yung film. I got close to Manny to make the research. I was with him and in all of his fights, I was following him around and he makes a kwento to me about his childhood. He was very involved in this movie. Hindi lang si Manny maging si Mommy D at ang kanyang mga brothers, ang kanyang father and also his friends. Siyempre umiikot yung istorya kay Manny pero syempre mas alam ng family niya kung ano si Manny nung bata isya. So, I need to talk to Mommy Dionisia how was Manny when he was a baby and he was growing-up a child. Alessandra de Rossi will play the role of Mommy Dionisia dito sa movie and Buboy plays as young Manny Pacquiao.”

How would you describe this movie?

“It is a family sports drama kasi it’s about boxing. It’s very dramatic kasi, this film tackled about family, mother and son relationship. About Mommy D and Manny growing up without his father. Talks about family values also, very inspirational. After watching the film you will appreciate the journey of Manny even more.”

Paano po nakuha si Buboy bilang bida ng Kid Kulafu?

Direk Paul: “Actually, nag audition siya with hundreds of kids, we did a short list many times pero si Buboy talaga ang nag stand-out. But of course advantage na artista na siya before pa sya makuha bilang si Kid Kulafu, but what was great is that he learned how to do boxing in 6 to 8 weeks at nag training how to become a boxer na talagang left handed. Buboy was fantastic, I think he was born to play Kid Kulafu.”

Balak n’yo rin po ba itong dalhin ng ibang bansa tulad ng Thelma na humakot ng maraming awards sa ibang bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Direk Paul: “Exactly, 3 years ago, I deed Thelma, story about an athlete na si Elma Muros played by Maja Salvador and now I’m doing about the boxer and it happened to be Manny Pacquiao. Tingnan natin paano pagtanggap ng tao when they watch it on the big screen this coming April 15, malay natin makarating din sa ibang bansa.”


SIMILARITY BETWEEN MANNY AND BUBOY VILLAR. Nakausap din ng PEP.ph ang gumanap bilang Kid Kulafu sa movie na si Buboy at ito ang kanyang ilang pahayag tungkol sa kanyang character bilang young Manny Pacquiao…

Buboy: “Kinabahan po ako nung nalaman ko na ako ang mag play ng role ni Kid Kulafu, kasi pressure sa akin yun lalo na nung nalaman kong si Direk Paul Soriano ang magdi-direk sa akin, pero sobra rin akong excited kasi idol ko [Manny Pacquiao] ang gagampanan kong karakter. Pinaghandaan ko itong mabuti. Mai-ko-consider ko na ito rin yung pinakamalaking role na gagampanan ko sa buong buhay ko bilang artista. Nag research pa po ako ng mga laban nya noon para lang masundan ko yung mga galaw niya bilang boxer. Sa salita niya naman madali lang para sa ‘kin yun, kasi Cebuano naman ako.

“Kaya ko naman gayahin yung salita ni Manny kasi bisaya din naman ako. Kasi ang magiging language namin dito ay magkahalong Bisaya at Tagalog. Isa sa mga challenge sa akin sa movie na ito yung pag-aaral ko ng boxing. Hindi lang po kasi yun, kasi kanan talaga ako, eh si idol Manny Pacquiao, kaliwete siya. So, kailangan kong pag-aralan yung kumaliwete. Unang sabak ko pa lang sa shooting pinag-sparring na nila ako agad, kaya hirap na hirap ako kasi nga kanan yung sparring ko kailangan kong pag-aralan ang kaliwang sparring. Habang tumatagal, nasanay na din ako, kahit ngayon hindi na ako marunong kumanan dahil nasanay na ako sa kaliwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ka nakarelate sa character mo bilang si Kid Kulafu? Ano ang pagkakapareho n’yo ng ugali ni Manny Pacquiao noong bata pa siya at sa buhay na pinagdaanan n’yong dalawa?

Buboy: “Naku, malaki po ang pagkakapareho namin ni idol Manny. Matatandaan po natin na si idol Manny, bago siya nag boxing ay nangangalakal siya ng mga bote. Ako naman po naging basurero din ako noon sa Cebu. Isa pa yung family nila idol Manny medyo magulo. Yung sa akin naman, yung nanay at tatay ko nagkahiwalay din. Halos magkaparehas kami ng buhay ni Idol Manny kaya hindi ako nahirapan na gampanan yung karakter niya.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN