National Artist Ricky Lee elevates quality of Vivamax via his scripts

by Jerry Olea
Mar 16, 2023
ricky lee vivamax
Ricky Lee on conducting free workshop for aspiring writers: “Sa dami ng nangyayari, sa dami ng dapat ikuwento, and sa dami ng kabataan na interesadong magkuwento, magpelikula. Parang… lahat tayo, dapat tumulong na matulungan sila. Kasi, ang dami-dami nila... So, parang ito yung chance na tumulong. And I think, kung bibigyan ka ng title na National Artist, I think nagkaroon ka ng obligasyon na mag-create ka at mag-share.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagbigay ng prestige sa Vivamax ang National Artist na si Ricky Lee bilang scriptwriter ng erotic films na Silip Sa Apoy at Bela Luna na parehong pinagbidahan ni Angeli Khang, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

In fairness, pang-international filmfest ang mga nasabing obra.

Read: National Artist Ricky Lee, nagbigay-pugay sa mga direktor at artistang nagbigay buhay sa kanyang mga obra

Ano ang pakiramdam ni Ricky na nae-elevate ang pamantayan ng Vivamax dahil sa kanya?

“Parang feeling empowered in the sense na maski na ano naman ang constraints at limitations, you feel na may magagawa at magagawa ka,” malumanay na pahayag ni Sir Ricky bago ang screening ng pelikulang About Us But Not About Us noong Marso 14, 2023, Martes ng gabi, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Hindi mo kailangang maghanap ng very ideal na situation o lugar, maski saan ka malagay.

“So, given dito na may mga… alam naman natin na maraming limitations and constraints, and then when you feel na, ‘Aba! May nagawa kami na nakaalpas doon sa constraints!’ — you feel good.

“You feel fulfilled.”

Pero tila nagkakahigpitan muli sa local streaming platforms.

Noong Enero ay nagpirmahan ng memorandum of agreement ang Vivamax at MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Nag-self-regulate ang Vivamax at pinutol ang ilang eksena sa Silip Sa Apoy.

Read: Vivamax, partner ng MTRCB sa Responsableng Panonood campaign

“E, meron na naman sila ngayong Viva Prime. So, para sa amin, mga filmmakers na nagtatrabaho with them, parang may ibang mga lugar, Vivamax o Viva Prime. So, may ganun,” pagmamatuwid ni Sir Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos na kalayaan ang ipinagkaloob ng Vivamax sa filmmakers sa klase ng erotikang kuwento na hihimayin.

“Alam naman namin na yung sitwasyon, yung limitations sa simula pa lang. So we work within the limitations,” saad ni Ricky Lee.

“Ako, I try to work a little outside, a little outside the limitations. Parang yun yung struggle mo, e.

“In the struggling na mai-push outwards pa, dun lumalabas yung ganda, e.

“Pag nagpakulong ka totally, hindi maganda. Pag sobra ka namang kumawala na parang ‘bahala na,’ hindi rin maganda…”

RICKY LEE OPEN TO ALL GENRES

Mahigit 180 screenplays ni Ricky Lee ang naisapelikula mula noong 1970s, kabilang ang mga obra ng mga National Artist ding sina Lino Brocka (Cain at Abel, White Slavery, Macho Dancer, Gumapang Ka Sa Lusak), Ishmael Bernal (Himala), at Marilou Diaz-Abaya (Brutal, Moral, Karnal, Alyas Baby Tsina).

Siya rin ang nagsulat ng Virginia P. at Secrets of Pura na parehong pinagbidahan ni Alma Moreno, sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao.

Ang orig na title na Virginia P. ay Rape of Virginia P, samantalang ang orig title ng Secrets of Pura ay Secrets of Pura Kikinang.

“Yeah, ako naman I’m very open. May mga action ako na ginawa kina Humilde [Roxas], kina Ronnie Ricketts, kina Phillip Salvador, kina Robin Padilla,” lahad ni Ricky.

“Nag-action ako, nag-horror ako, nag-komiks ako. Hindi ako naglu-look down, e. Sa akin, lahat ng materyal, depende kung ano ang gagawin mo dun, e, ng medium.

“Walang mababaw na medium, e — kung ano ang ilalagay mo doon, e. So, sabihin man nilang Vivamax yan, or Star Cinema or Regal or Cinemalaya, in the end, kung ano ang ilalagay ko dun sa kuwento, kung ano ang ikukuwento, yun ang importante.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FREE SCRIPTRWITING WORKSHOP

May celebrities na gustong sumali sa kanyang free scriptwriting workshop. Kailan daw ba ang susunod?

Read: Award-winning scriptwriter Ricky Lee, magbibigay ng free online workshop

“May long list ako na naghihintay. Lahat sila, interested. Dapat this March — birthday ko sa March 19 — nausod nang nausod,” pagtatapat ng National Artist na magse-75 years old na sa Linggo.

“Pero definitely, this year, may face-to-face nang workshop na gagawin. Kasi sa ngayon, nagwo-workshop ako sa GMA.”

Bakit ginagawa pa rin niya ang libreng pa-workshop gayong septuagenarian na siya at kinilala nang National Artist? Hindi ba nakakapagod magturo considering ang kanyang edad?

Tumango si Sir Ricky, “Yeah. Oo, nakakapagod, pero it’s not a matter of pagod. I think it’s a matter of doing what you want to do.

“And feeling na may silbi ba itong ginagawa ko o wala? Pag may silbi yung ginagawa mo at gusto mo… OK lang naman yung pagod.

“Wala ka namang gagawin na hindi nakakapagod, e, di ba? Might as well pumili ka na ng nakakapagod na nae-enjoy mo.

“But I don’t want to just retire or sit back and not do anything. Parang… andami mo pang puwedeng gawin.

“Mas marami nga akong gustong gawin ngayon, e. Pelikula, libro. Gusto kong mag-stage play, magpa-workshop lalo.

“Sa dami ng nangyayari, sa dami ng dapat ikuwento, and sa dami ng kabataan na interesadong magkuwento, magpelikula.

“Parang… lahat tayo, dapat tumulong na matulungan sila. Kasi, ang dami-dami nila!

“Itong nakikita ko sa workshoppers ko, merong galing Mindanao, galing Davao… yung workshop ko kasi, online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May Singapore, may Saudi, may Dubai. Kasi online, e. Kaya nakasakop na lahat, e. At puwedeng marami na ang ma-accommodate, e.

“So, andami mong nakikita na… andaming mahusay magkuwento. Wala lang resources, walang chance, walang connections or opportunities.

“So, parang ito yung chance na tumulong.

"And I think, kung bibigyan ka ng title na National Artist, I think nagkaroon ka ng obligasyon na mag-create ka at mag-share.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee on conducting free workshop for aspiring writers: “Sa dami ng nangyayari, sa dami ng dapat ikuwento, and sa dami ng kabataan na interesadong magkuwento, magpelikula. Parang… lahat tayo, dapat tumulong na matulungan sila. Kasi, ang dami-dami nila... So, parang ito yung chance na tumulong. And I think, kung bibigyan ka ng title na National Artist, I think nagkaroon ka ng obligasyon na mag-create ka at mag-share.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results