Alessandra de Rossi points out her similarities with Mommy Dionisia Pacquiao

Alessandra de Rossi (right) will portray a young Mommy Dionisia Pacquiao in the film Kid Kulafu. This biopic about Manny Pacquiao's childhood is directed by Paul Soriano (left).


Isang malaking break na naman para kay Alessandra de Rossi ang makasali sa pelikula ng Star Cinema, ang Kid Kulafu sa ilalim ng direksiyon ni Paul Soriano. Gagampanan ni Alex ang papel ng Pac Mom na si Mommy Dionisia Pacquiao. Sa katatapos na bloggers conference ng nasabing pelikula na ginanap sa Star Cinema office noong nakaraang April 10, nakapanayam ng PEP.ph si Alex tungkol sa kanyang pagganap kay Mommy Dionisia.

Ani Alex, “Masaya ako na mapasama ako sa big movie ito. Pangalawa, yung role ko bilang si Mommy Dionisia ay talagang sikat na sikat sa Pilipinas, na meron akong ginagaya at ini-a-akting na sikat na tao at yung ang naging challenge sa akin. Tanong ko sa sarili na magawa ko kaya ng tama yung role? Kasi normally kasi pag may inaalok sa ‘yong script, meron kang sariling atake sa role. Pero sa movie na ito…si Mommy D [Dionisia] ito, at kilala sya ng lahat ng tao. Pag nagkamali ka, parang nakakahiya. Honestly, hindi ko pa napapanood yung movie. So, hindi ko alam kung nabigyan ko ng hustisya yung role ko bilang si Mommy Dionisia.”

Ano ang first reaction mo nung nalaman mo na ikaw gaganap sa role ni Mommy Dionisia Pacquiao?

Alessandra: “Natawa ako. Kasi parang, alam mo yung feeling na…in all fairness naman doon sa nakaisip? Tama siya! Kung mayroong pinakamalapit na artista na gaganap sa kanya…doon sa aspeto na makulit na Mommy D, yung nakakatawa siyang tao, yung likot nyang gumalaw…AKO YUN! Di ba? Sabi ko na lang…Brilliant! Brilliant dun sa nakaisip na ako ang gawing Mommy D sa pelikula.”

Bukod sa pagiging makulit, ano pa yung pagkakapareho n’yo ni Mommy Dionisia in real life?

Alessandra: “Madasalin! Hindi lang ako masyadong preachy preachy na tao pero hindi pwedeng matulog ako na hindi nagdarasal. Isa pa, yung maalaga sa pamilya. Kaya nga naging madali para sa akin yung scenes ko with Buboy, kasi may pagka motherly kasi akong tao, whether sa kaibigan, kapatid, sa sarili kong ina, o sa mga naging dyowa ko.”

Pabirong sabi rin ni Alex, “From mother to yaya…Hahaha! So ganun, ganun din si Mommy D, e, gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya.”


Napapanood mo naman na sa TV si Mommy D. Ano pang preparasyon ang ginawa mo para magampanan mo yung role bilang si Mommy D?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alessandra: “Binigyan ako ni Direk Paul ng DVD na may interview ni Mommy D, na personally, ayaw ko sana panoorin kasi nga baka masyado matuon ang utak ko doon sa mapanuod ko at maging OA ang acting ko sa paggaya kay Mommy D. Kaya lang, takot ako…baka tanungin ako ni Direk Paul na ‘Did you watch the DVD?’ Hindi ba nakakahiya. Baka biglang mag question and answer portion si Direk at wala ako maisagot. So pinanood ko yung DVD, the day before ako umalis papuntang shooting.”

Ano yung nadiscover mong iba kay Mommy D noong napanuod mo yung video interview niya?

Alessandra: “Nakita ko lang yung mga facial expressions ni Mommy D. Sinabi sa kanya ni Direk Paul kasi sa video na Mommy D, ‘may gagawin po kaming movie about kay Manny Pacquiao,’ nakita ko yung expression niya na [pinakita sa amin ni Alex yung expression ni Mommy D na na re react nung nalamang gagawa ng pelikula tungkol kay Manny]. So may mga ganun ako sa movie, habang inaaway ko yung asawa ko.”

So, masasabi mo ba na nakatulong yung DVD na binigay ni Direk Paul para mas magampanan mo ng mas maayos yung role mo bilang si Mommy D?

Alessandra: “Marami akong ad lib dun na galing sa video.”

Kamusta yung punto ni Mommy D, hindi ka ba nahirapan na gayahin sya?

Alessandra: “Yung sa punto kasi…may kasama ako sa bahay na Bisaya. Ilang taon na kami magkasama, 8 or 9 years na yata. So, kahit paano nakukuha ko na yung mga Bisaya accent na ‘yan, although naiintindihan ko naman na iba yung Waray, iba yung Cebuano or yung sa General Santos na punto, so hindi ko talaga alam kung nakuha ko yung punto ni Mommy D.”

Is it your first time to work with Direk Paul Soriano? Kamusta siya bilang director?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alessandra: “Yes first time! Si Direk Paul ay isa sa mga nakilala kong director na mabusisi. Siyempre sanay ako sa indie films na Take 1 lang sa eksena, okay na! Although sa first movie ko naman kay Direk Carlitos Siguion-Reyna, na mabusisi din, so hindi naman na ako nagugulat kung gusto ni Direk Paul na mag Take 20, di ba? Pero mayroon kaming scene na inabot ng dalawang araw, e, for me, ang simple simple lang nung eksena. Sabi ko sa sarili ko, para namang commercial to, sana pala nilakihan ko pa lalo yung budget ko dito!” (sabay tawa!)

Kamusta si Buboy katrabaho bilang anak mo sa movie na ito?

Alessandra: “Magaling si Buboy. Parang walang namang ibang babagay na Kid Kulafu kung hindi si Buboy lang talaga. I think, pagkatapos ng pelikulang ito, hindi n’yo na makakalimutan yung pangalan ni Buboy. Saka bukod sa physical na aspeto, bagay sa kanya yung role as young Manny Pacquiao, iba mag acting ang batang ito. Kokonti pa lang yung nakikilala ko 17 years old na ganyan kagaling umarte.”

Fan ka rin ba ni Manny Pacquiao, na kapag may mga fight siya ay isa ka sa mga manonood ng kanyang mga laban?

Alessandra: “Honestly, hindi ako talaga nanunuod, kasi nga na i- stress ako masyado. Natatakot ako na baka may masaktan, may dumugo or may mamatay, ayaw ko ng mga ganyan. Di ko nage-gets ang boxing. Pag may boxing fight nga and then makikita ko yung Twitter account ko na puno ng tweet tungkol sa boxing , ako ang tweet ko: ‘Ay naku, suntukan ever na naman.’

“Wala eh, yun talaga ang gusto ni Manny . May scene nga dun si Mommy D na tinanong siya: Ngayong nakikita mo na yung success ni Manny, tanggap mo na ba siya sa pagba boxing niya? Sagot niya, ‘Siyempre hindi! Pero wala akong magagawa, kasi yun yung gusto niya, e.’

“Feeling ko yun din ang nararamdaman ko na natatakot pa rin ako para kay Manny. Pero successful yung tao so ibigay natin yun sa kanya. Mayaman siya! Gusto ko nga siya ma meet. I’m one step closer to Manny Pacquiao, baka maging friends kami dahil sa movie na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong realization mo after doing Kid Kulafu? Na-encourage ka na ba na panoorin yung fight ni Manny, lalo na itong laban niya kay Mayweather this coming May 2?

Alessandra: “Hindi ko pa rin alam. Siguro mas maganda pag na-meet ko na talaga si Manny in person. Kasi ako, normally, kailangan ma attach muna sa isang tao bago ko pagbuhusan ng pansin, na yung kahit nasasaktan ako okay lang. Siguro naman pag na meet ko na siya in person, wala na akong choice. I will support my friend.”

Ano yung ipapakitang side dito ni Mommy D sa movie, yung comedic side niya ba bilang mommy D or yung dramatic side nya bilang ina? Ano yung makikitang Mommy D sa pelikulang ito?

Alessandra: “Lahat! Kasi sabi nga sa ‘kin ni Direk Paul, kung nakikita mo si Mommy D ngayon, yung makulit, maingay. Hindi naman siya ganyan dati. Yun nga, ma-re-realize mo na ang daming problema nung tao. Malamang witty siyang humirit, malamang nakakaloka siya. Pero hindi siya sumasayaw sayaw habang namumroblema. Ibang Mommy D yung ngayon, iba yung noon. Eto yung noon na medyo mas seryoso ng unti pero medyo may konting nakakatawa rin. Para bang may potential siyang maging komedyante pero hindi pa nakikita noon.”

Anong sasabihin mo kina Mommy D at Manny pag nakita mo sila in person after doing this movie?

“Siyempre pupuri-purihin ko muna sila tapos hihingi ako ng pera,” pagbibiro ni Alex.

“Pero kidding aside, magpapasalamat ako sa kanilang dalawa, kasi pag pinanood mo itong movie na ito. Makikita mo nga yung dahilan kung bakit ganyang klaseng tao si Manny, and I think lahat yun ay dahil sa nanay niya. I think lahat naman tayong tao na lumaki sa nanay natin ay may reflection ng better version ng ating mga nanay, na kung ano yung mali nila ay naitatama natin. Yun! Kung ano si Manny ngayon ay dahil yun kay Mommy D.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa role na gagampanan ni Alessandra sa kanyang bagong movie, naitanong rin kay Alex ang tungkol sa napapabalitang hiwalayan nila ni Sid Lucero bilang kanyang kasintahan.

Alessandra: “Oh! Saan galing tong tanong na ito? Wala naman akong lovelife parang hindi n’yo alam. I never had a lovelife, I never ever had a lovelife!”

Alex, paki clear yung issue na hiwalay na raw kayo ni Sid Lucero?

Alessandra: “I never had a lovelife! Kung ano man yung issue, that was never real.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN