Buboy Villar overjoyed by the success of Children's Show

Buboy Villar is thankful for the honor that Children's Show has brought to the film industry and the country. This 2014 Cinemalaya entry about underground fight battles starred (L-R) Allen Dizon, Buboy Villar and Miggs Cuaderno.



Masayang-masaya ang former child actor na si Robert “Buboy” Villar dahil sa sunud-sunod na natatanggap na parangal ng kanyang pinagbidahang indie film na Children’s Show.

Sa gitna ng kanyang promotion ng pelikulang Kid Kulafu, kunsaan gumaganap siya bilang ang batang Manny Pacquiao, nagpapasalamat naman siya sa tagumpay ng kanyang indie film sa iba’t ibang international film festivals kunsaan naimbitahan ito.

Kasama ni Buboy sa naturang indie film ang child actor na si Miggs Cuaderno.

Mula sa direksyon ni Derick Cabrido, tungkol ito sa exploitation ng mga bata na pinaglalaban sa isang underground wrestling matches.

Nagwagi ng tatlong major awards ang Children’s Show sa U..S. sa ginanap na Fantastic Cinema Festival of the Film Society of Little Rock sa Arkansas noong nakaraang March 11.

Nakuha nito ang Special Jury Award for Feature Film, Grand Jury Award Best Screenplay for Feature Film na tinanggap ni Ralston Jover, at ang Film Society of Little Rock Executive Director Award: Fantastic Cinema Emerging Director para kay Derick Cabrido.

Noong nakaraang March 7 naman ay napanalunan ng pelikula ang Special Jury Prize sa 35th Oporto International Film Festival or Fantasporto sa Portugal.

Noong March 28 ay naimbitahan din na mag-compete ang Children’s Show sa International Competition: Long Films section ng Fribourg International Film Festival sa Switzerland.

Nanalo ng apat na major awards ang Children’s Show sa 2014 Cinemalaya Independent Film Festival: New Breed section.

Kabilang nga rito ay ang best supporting actor award para kay Miggs Cuaderno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN