Buboy Villar spent three months training to portray boxing icon Manny Pacquiao

Kid Kulafu lead actor Buboy Villar says he always wanted to be an action star.




Biggest role ever na para sa dating child star na si Buboy Villar ang gamapanan ang buhay ni legendary boxing champ na si Manny Pacquiao. Si Buboy ang bida sa latest movie offering ng Star Cinema, ang Kid Kulafu sa direksyon ni Paul Soriano.

Sakop ng pelikula ang kwento ng buhay ni Pacquaio noong kanyang kabataan habang siya’y nasa probinsiya magmula sa Kibawe, Bukidnon hanggang sa Saranggani, General Santos.

“Ang role na Manny Pacquiao talaga, sa akin hindi na ako nahirapan kapag Bisaya na talaga ang paguusapan kasi laking Cebu ako, e. Pero napakalaking challenge po nito para sa akin,” lahad ni Buboy noong ma-one-on-one namin pagkatapos ng presscon ng Kid Kulafu.

Gaano ba siya katagal naghanda para sa role niya bilang batang Pacquiao?

“Ah, matagal po, mga three months. Bago kami mag-shooting, months kami nag-workshop, nag-training sa boxing. So, mahirap.”


May background na ba talaga siya sa martial arts bago niya gawin ang Kid Kulafu?

“Wala talaga, e. Tingin ko po, natural lang, e. Pero hindi naman po ako mahilig makipagaway, ha. Siguro ano, mahilig ako sa mga action movies.

“Pangarap ko talaga maging action star. Pero maliit ako, hehe, mukhang malabo. Pero okay lang. E, pangarap ko talaga. Wala naman po sigurong masama.

“Eto, action film na rin naman ‘to. Parang malaking inspirasyon sa mga nangangarap lalo na sa mga bata at mga boksingero na nangangarap pa na maging champion.”

Halos magkasabay na ginagawa ni Buboy ang isa pa niyang action film na Children's Show at ang Kid Kulafu.

Ang Children's Show ay ang 2014 Cinemalaya entry kunsaan gumanap si Buboy bilang underground wrestling fighter.

Nakatulong ba ang paggawa niya ng Children's Show to become a better Manny sa Kid Kulafu?

“Ah, ako po kasi kapag gumanap, kunwari sa Children’s Show, malalim na bata po yun. Ang pangalan po ng character ko doon ay si Jude.

“Napakalalim na bata ni Jude. Isa siyang bata na tahimik pero kapag gumalaw, matinik.

“Hindi siya sa tsiks matinik, ha. Pero matinik sa diskarte ng buhay.

“Si Emmanuel [Manny Pacqiao], napakahiwaga. Bata siya, parang wala lang talaga siya.

“Batang palaboy kumbaga na simpleng nangangarap at natupad dahil sa sipag niya at pagpupursigi at siguro dahil din sa hirap ng buhay kaya mas lalo siyang nagpursige.”

Ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa Kid Kulafu?

“’Yung paulit-ulit? Ah, ano po, fight scene.

“Fight scene po talaga. Kasi pinapaganda talaga ng fight director namin na si Sir Erwin, pinapaganda namin ang fight scene kasi kailangan talaga hawig na hawig doon sa galaw ni Manny Pacquiao. So, ayun po, matagal.

“Siguro sa isang fight scene, mga umabot po kami eleven takes, iba-ibang shot pa po yun. Yun may mga high-speed pa kami na kamera, mga slow mo [slow motion] na mga suntok.

“Sa slow mo po medyo doon kami kritikal. Kasi may mga spray-spray sa ulo, so, kailangan splash talaga yung tubig para mas maganda talaga sa slow mo.”

Nasaktan ba siya while doing his action scenes?

“Siyempre po kapag sa mga ganitong pelikula hindi naman po naiiwasan na may mga nangyayaring sakitan, gasgas.

“Sa akin naman po, buti naman po at walang heavy na injury na nangyari sa akin. Ang nangyari lang po sa akin habang sa training yung sugat ko, e, parang naalis na ata.

“Pero okay lang naman. Sandali lang naman yun. Pero kapag mali lagi ang suntok ko, misan sumasakit na. So, ganoon.

“Hindi naman ako nasakatan. Suiguro yung iba nasaktan, e.”

Kailan sila nagkita ni Manny Pacquiao? Bago mag-shooting ng movie sa Gensan, during o pagkatapos?

“Noong nag-shooting po kami sa Gensan. Noong tapos na po ‘yung shooting namin, nagpunta kami sa bahay nila. Doon ko lang po siya na-meet.”

Pinapalabas na sa mga sinehan ang Kid Kulafu, ilang linggo bago ang tinaguriang ‘fight of the century’ ni Pacquaio at ng American undefeated boxing champion na si Floyd Mayweather on May 2 sa Las Vegas, USA.

Abala na si Buboy sa pagpro-promote ng movie sa ABS-CBN. At the same time, may current show siya ngayon sa GMA-7, ang The Half Sisters.

“Wala naman po’ng kaso kasi freelance po ako ngayon.”

Ano’ng feeling na nakatawid siya sa dalawang TV networks?

“Ah, sa akin po wala naman po akong pinagpipiliin. Basta po sa akin, trabaho lang po ang ginagawa ko. Wala naman po tayong personalan.”

Nabanggit niya na ang buhay niya ay may hawig sa buhay ni Pacquaio in terms of financial status noong pareho silang nagsisimula sa buhay.

Mayamang-mayaman na ngayon si Pacquaio. What about him? Mayaman na rin ba siya pagkatapos ng ilang taon niya sa pagaartista?

“Ah, siyempre po, hindi tayo titigil sa pagtulong sa pamilya ko at, ah, mangarap lang po tayo nang mangarap habang buhay pa,” sagot ng 16-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN