Mercedes Cabral plays title role in the Danish film Rosita

Mercedes Cabral is in demand as an indie actress whose film credits include Ligo Na U... Lapit Na Me, Ang Nawawala, Ang Babae Sa Septic Tank, Bad Romance, Transit, Mater Dolorosa, Bingoleras, and Biktima.


Ipalalabas na sa bansang Denmark ang pinagbidahang pelikula roon ng Pinay actress na si Mercedes Cabral.

Si Mercedes ang bida sa Danish film na Rosita, kunsaan gumanap siya bilang isang Filipina mail-order bride na maiipit sa isang love triangle sa pagitan ng isang matandang lalaki at sa anak nito.

Co-stars ni Mercedes sa naturang pelikula ang Danish actors na sina Mikkel Boe Følsgaard si Jens Albinus.

Si Mikkel ay nanalong Best Actor sa 2012 Berlin International Film Festival para sa pagganap niya sa A Royal Affair; habang si Jens naman ay lumabas sa controversial Lars von Trier film na Nymphomaniac.

Inirekomenda raw si Mercedes ni Direk Brillante Mendoza sa Danish director na si Frederikke Aspock nang maghanap ito ng isang Pinay actress na babagay sa role na Rosita.

Si Aspock ay isang award-winning film director na nagtamo na ng parangal sa Cannes Film Festival, Deauville Film Festival, at Marrakech International Film Festival para sa kanyang mga pelikulang Happy Now (2004) at Labrador (2011).

Highly recommended ni Direk Brillante si Mercedes dahil nakatrabaho na niya ang aktres sa mga pelikulang Serbis, Kinatay, Captive, at Thy Womb.

Kilala nga sa indie film circle si Mercedes at ilan pa sa mga nagawa niyang indie films ay Ligo Na U... Lapit Na Me, Ang Nawawala, Ang Babae Sa Septic Tank, Bad Romance, Transit, Mater Dolorosa, Bingoleras, at Biktima.

Gumawa rin ng ilang teleserye si Mercedes tulad ng Hiyas, Luna Blanca, Cassandra: Warrior Angel, Magdalena, Bayan Ko, Katipunan, Genesis, at Rhodora X.

Minsan nang itinanghal na “Most Beautiful Woman” in Cannes si Mercedes nang um-attend siya sa prestihiyosong international film festival noong 2009.

Ang Rosita ay hindi ang kauna-unahang international movie ni Mercedes. Noong 2009 ay nakasama siya sa cast ng vampire thriller film ni Park Chan-wook ng South Korea titled Thirst.

Noong 2013 naman ay nakasama siya sa cast ng Playtime ni Isaac Julien; co-stars niya rito sina James Franco at Maggie Cheung.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN