Lander Vera Perez back to acting in two movie projects and a teleserye

Lander Vera Perez on gay roles: "Huwag namang may love scene! Okay lang naman sa akin kung suggestive yung eksena. Pero huwag naman yung talagang may halikan sa kapwa ko lalaki."


In full blast muli ang acting career ng aktor na si Lander Vera Perez.

Kasali siya sa afternoon soap na Kailan Ba Tama Ang Mali? ng Kapuso Network.

Sa pelikula naman, bahagi siya ng John Lloyd Cruz-starrer na Honor Thy Father (dating Ponzi) at sa pinagbibidahan ni Joseph Bitangcol na Palo Palo.

Pinuri ni Lander si John Lloyd at ang direktor nilang si Erik Matti sa galing at propesyunalismo ng mga ito.

Saad niya, “Si John Lloyd, very professional…

"Kasi bago kami gumawa ng eksena, siyempre kinakausap kami ni Direk.

“And si Lloydie ay nagbibigay siya ng sariling suggestions niya.

“At saka madadala ka kapag kaeksena mo siya, mahihiya ka rin kapag nagkakamali ka.

“Kaya kailangan memorize mo yung lines mo, kailangan wala kang hiya-hiya.

“Dahil si John Lloyd, very intense siyang umarte, kaya dapat na ready ka.

“Ang isa pang maganda, kahit na sikat na sikat na siya at nasa peak ng career niya, normal na tao pa rin siya.

“Very down to earth, madaling lapitan. Walang kaere-ere.

“Sabi ko nga, very professional pagdating sa trabaho.

“Off cam naman, maloko rin. Tawanan nang tawanan lahat kami sa set.

“So, very thankful ako na nakasama ko ulit si John Lloyd.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lander sa Fashion Fitness Fusion event nila ng misis niyang si Regine Tolentino, na ginanap sa Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City, noong Sabado, April 18.


DIREK ERIK. Ikinuwento rin ni Lander na seven or eight years old pa lang si John Lloyd nang una niya itong nakasama sa isnag proyekto.

“Of course, there’s a big difference dahil bata pa talaga siya dati.

“Si Direk Erik, first time ko siya nakatrabaho at very creative siya.

“Minsan, nag-iiba yung kailangan naming gawin kasi parang feeling niya, ‘Parang mali yung sinabi ko sa ‘yo na gawin mong pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Parang hindi nagdya-jive doon sa kabilang character sa kaeksena mo, gusto mo subukan natin ang iba?’

“Ganoon siya, very open minded at very artistic talaga. Super professional!”

Pero hindi naman istrikto?

“No, no, no… Very strict siya, kapag eksena, tahimik lahat. In that sense, yes.

“But hindi siya istrikto in the sense na... kung gusto mong magsalita regarding sa character mo, puwede kang magsalita.

"Very open siya sa lahat."


YES TO GAY ROLE. Kung mas dumami pa ang offers sa kanya bilang actor, okey ba na mas mag-focus siya sa acting?

“Oo naman, okay sa akin iyon.

"Alam mo naman, blessing lahat 'yang mga dumarating na trabaho.

“And I’m really very open sa lahat ng gustong kumuha sa akin.

“Kaya panawagan ko po, sana kunin nyo pa ako sa iba’t ibang projects!” natatawang biro ni Lander.

Game ba siyang tumanggap ng bading na role?

Sagot niya, “Actually, nagawa ko nang magbading, e, pero hindi naman masyado na bading.

“Parang ano lang, parang suggestive role lang.”

Sakaling may dumating na magandang project at may gay love scene siya, game ba siya?

“Huwag namang may love scene!” natatawang reaksiyon ni Lander.

“Okay lang naman sa akin kung suggestive yung eksena.

“Pero huwag naman yung talagang may halikan sa kapwa ko lalaki.

“Ewan ko lang din, ha, pero parang hindi ko pa kasi kaya talaga, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN