Meryll Soriano goes back to work in indie movie "Ang Concerto"


New mom and Cinemalaya's first Best Actress goes back to making indie films via Paul Morales's Ang Concerto.



Taong 2005 nang magsimula ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kung saan itinatanghal ang mga natatanging independent films mula sa mga magagaling, at relatively new indie filmmakers ng bansa.

Tuwing buwan ng Hulyo ito ginaganap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Boulevard, Manila, at lahat ng indie cinema lovers ay nagpipiyesta sa panonood ng mga makabuluhang pelikulang kalahok sa naturang filmfest, mga short films man o full-length.

Ang kauna-unahang Best Actress awardee ng Cinemalaya 2005 ay walang iba kundi si Meryll Soriano, para sa maigting nitong pagganap bilang pakawalang babae sa Room Boy, with Polo Ravales in the title role.

The following year, sinundan ito ng In Da Red Corner sa Cinemalaya 2006, kung saan nakasama ni Meryll sina Aiza Marquez at Kathleen Hermosa (sister ni Kristine Hermosa) bilang mga female boxers na naghahanda sa kanilang boxing championship.

Pagkaraan ay na-in love nang husto ang anak na ito ni Willie Revillame at Bec-Bec Soriano (kapatid ni Maricel Soriano) sa The Hunks member na si Bernard Palanca. Nabuntis, nagluwal ng sanggol, at kalaunan ay nakipaghiwalay rin kay Bernard si Meryll.

BACK TO WORK. Ngayong 2008, balik-indie cinema ang bagong ina na si Meryll Soriano via Ang Concerto para sa Cinemalaya 2008, directed by first time full-length filmmaker Paul Morales.

Masasabing sa mga entries ng Cinemalaya this year, grandiosa ang Ang Concerto in terms of production values dahil last part ng World War II ang time setting ng pelikula at Japanese occupation ang era, kaya costumes galore ito.

Eldest sister ang role dito ni Meryll, at mga kapatid niya sina Jay Aquitania (utol ni Antonio Aquitania ng Bubble Gang at kakalabas lang sa Roxxxanne, a gay indie film) at Ynna Asistio na anak nina former Mayor Boy Asistio at controversial showbiz figure Nadia Montenegro.

Ayon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) source, na-consider din sa role ni Meryll si Maja Salvador, pero at the time na nagka-casting na, natiyempo namang nagkaroon ng rift between Maja at ang nakabalikang-manager na si Chit Ramos, kaya nakaapekto ito, bukod pa sa conflict sa schedule ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa paghahanap ng isang batang aktres na mahusay umarte of the same age bracket, nai-consider din si Kaye Abad.

Pero days before ng pre-production meeting, nagbigay na rin ng go-signal si Meryll to accept the role na nai-offer na rin naman sa kanya noon. Noong unang i-offer kasi sa kanya ang role ay medyo bothered pa siya, dahil nadagdagan ang kanyang timbang nang magbuntis siya't manganak.

PEP was at the script reading, costume fitting, at contract signing ng buong cast ng Ang Concerto sa isang dance studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

MADE FOR MERYLL. "Meryll has always been in my mind since the start, kaya lang parang hesitant pa siya noong una," ani Direk Paul na siya ring scriptwriter ng film.

"I'm happy that I have Meryll as my lead actress in my first film. Meryll kasi knows the indie psyche, and of course, na-experience na niya ang gumawa ng indie films, so I'm very confident and happy to work with her."

Si Direk Paul Morales ay lagi nang nagbabaka-sakaling makasuwerteng makasama sa past years ng Cinemalaya, kaya submit lang ito nang submit ng kanyang ginagawang scripts.

"Lagi akong semi-finalist lang, nasa Top 25 lang ang script ko, pero hindi napipili sa Top 10 [na siyang itinatanghal sa CCP]," kuwento ni Direk Paul.

"The past two years, I submitted my script, yung Bilog. Naidirek ko na rin 'yon as a stage play in France, pero siguro dito, it's too experimental for the jurors.

"Then yung next na sinabmit ko the following year ay Ang Dalawang Mrs. Hernandez, tungkol sa isang asawa at isang kabit, based on a novel by Joy Barrios."

Si Direk Paul ang siya ring executive producer ng Pisay ng Cinemalaya 2007, at naging assistant director din ng ilang pelikula mula sa Regal Entertainment.

As of press time, patapos na ang shooting nina Meryll at Direk Paul ng Ang Concerto sa Zambales, at bukas March 25 ang kanilang targeted last shooting day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN