Irma Adlawan cries over her OFW-inspired indie film; understands dilemma of Mary Jane Veloso

Irma Adlawan (shown in photo with Edna director Ronnie Lazaro) sees her film as a timely eye-opener on the plight of OFWs, particularly in light of the Mary Jane Veloso case: “Edna is a heartbreaking story. The story is inspired from many stories of OFWs. Noong mabasa ko ang script, napaiyak na ako. I just can’t believe na may nangyayari palang ganito talaga sa totoong buhay.”



Nagpapasalamat ang award-winning indie film actress na si Irma Adlawan dahil nabibigyan siya ng pagkakataong magbida sa isang pelikula.

Tulad sa malapit nang ipalabas na indie film na Edna, nasa title role si Irma sa pelikulang ito na tungkol sa isang OFW na nakita ang hindi magandang pagbabago ng kanyang pamilya.

“Very thankful ako sa mga producers na nagbibigay ng tiwala sa atin.

“I mean, sino ba naman ako para gawin nilang bida, 'di ba?

“Kahit ako mismo, nagtataka kung bakit nila ako minsan ginagawang bida.

“Ako naman kasi, basta maganda ang material at okay ang mga makakatrabaho ko, walang problema sa akin na gawin ito.

“It’s all for the love of the arts, 'di ba?

“I’m an artist and making these kinds of movies ay fulfillment para sa akin,” pahayag pa ni Irma nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa screening ng Edna sa Metropolitan Museum of Manila last April 28.

Unang napansin ang pagiging mahusay na aktres ni Irma Adlawan ay sa pelikulang Tuhog ni Jeffrey Jeturian noong 2001. Sa naturang pelikula siya unang nakakuha ng Best Actress nomination mula sa Gawad Urian.

Nasundan pa ito ng mga critically-acclaimed roles sa mga pelikulang Mga Munting Tinig, Sa North Diversion Road, Mga Pusang Gala, Hubad, Ang Panggagahasa Kay Fe at Tukso.

Nanalo namang bilang best actress si Irma sa pelikulang Transit sa Cinemalaya Independent Film Festival in 2013 at nagwagi rin siya ng Best Supporting Actress mula sa FAMAS for Ataul For Rent in 2008.


FLEXIBLE AS MAINSTREAM ACTRESS. Hindi nga lang sa mga indie films nakilala si Irma dahil nakagawa rin siya ng mga commercial at mainstream films tulad na lang sa tatlong Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz romantic-comedy films na A Very Special Love, You Changed My Life and It Takes A Man and A Woman.

Ayon kay Irma, “I love doing both indie and commercial films. Mabilis naman akong maka-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung indie kasi para sa pagiging artist natin. Yung commercial naman ay para sa bulsa natin!” sabay tawa pa niya.

“Kailangan din nating kumita, ‘di ba? Hindi rin naman dapat puro art-art lang. May mga bayarin din tayong iniisip. I have kids who are still in school.

“Thankful naman ako na kahit alam nilang I do indie films, kinukuha pa rin nila ako for mainstream cinema. Minsan mas sunud-sunod pa nga yung mga ginagawa kong commercial movies.

“And they also get me para sa mga teleserye. Right now, I’m in the cast of Forevermore sa ABS-CBN. Palipat-lipat naman ako ng TV station basta kunsaan may trabaho.”


RONNIE LAZARO'S DIRECTORIAL DEBUT. Sa latest indie ni Irma na Edna, pinuri ng ilang film critics ang pagganap niya bilang isang OFW na hindi inaasahan ang pagkasira ng kanyang pamilya.

Directorial debut ito ng aktor na si Ronnie Lazaro at nabigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

“Ronnie is such a cool director,” pag-describe pa ni Irma sa first-time director.

“Wala siyang artist tantrum! Kasi nga lahat kami sa cast ay magkakaibigan.

“We’ve all worked with one another in different films kaya wala siyang naging problema sa amin.

“He finished this movie in just seven days. Gano’n siya kabilis gawin.

“Isang location lang naman kami sa Tagaytay. 'Tsaka walang uwian. Gusto ni direk ay doon lang kami para mabilis matapos ang movie.”


A DIFFERENT OFW MOVIE. Ano naman ang pagkakaiba ng Edna sa ibang pelikula na tungkol din sa OFWs?

Paliwanag ni Irma, “What makes Edna different from the other movies about OFWs is how it tackles the psychological effects on people who go out of the country to support their families.

“People who are uprooted and what really happens to them.

“Actually, yun ang subject matter ng film na hindi masyadong nata-tackle sa OFW movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usually, ang nagiging central conflicts sa mga ganitong pelikula is nagloloko yung mga anak or nag-TNT pala.

“Pero this time around ang focus is the psychological effect of being uprooted and alone from family.

“What if something bad happens sa kanila abroad 'tapos pagbalik nila, hindi na nila kilala ang pamilya nila?

Edna is a heartbreaking story.

“The story is inspired from many stories of OFWs. Noong mabasa ko ang script, napaiyak na ako. I just can’t believe na may nangyayari palang ganito talaga sa totoong buhay.”


TIMELY ISSUE. Tamang-tama ang pagpapalabas ng Edna dahil nagkaroon ng malaking balita tungkol sa isang OFW na si Mary Jane Veloso sa bansang Indonesia.

Nakatakda sanang i-execute via firing squad si Mary Jane dahil sa kasong drug smuggling. Pero hindi ito natuloy at muling ire-review raw ang kaso nito.

Kabilang si Irma sa maraming Pinoy na nalulungkot at nagalit dahil sa nangyaring ito kay Mary Jane.

Nagtataka si Irma kung bakit kailangang last-minute ang pagbigay ng saklolo kay Mary Jane ng ating gobyerno.

“Nalulungkot ako and at the same time, nakakaramdam ako ng galit dahil sa situwasyon na ito ng ating kababayan.

“If only the government would have provided her with a very good lawyer, hindi mangyayari ito.

“I learned nga na limang taon na pala siya nakakulong doon. Bakit ngayon lang kumilos ang mga nasa gobyerno kung kelan last-minute na?

“Nagpasalamat tayo sa Panginoon na nabigyan pa ng isa pang pagkakataon si Mary Jane,” diin pa niya.


SYMPATHIZES WITH MARY JANE. Naiintindihan naman daw ni Irma ang naging situwasyon ni Mary Jane. May mga nagagawa nga tayo minsan na dahil sa pera ay hindi natin maiisip ang magiging epekto nito.

Lahad niya, “Tao lang si Mary Jane na nagkakamali.

“Ugali naman nating mga Pinoy ang maging mapagbigay at masyadong nagtitiwala, ‘di ba? To the point na napapahamak tayo na hindi natin alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko lang na siguro ang kanyang pamilya ang naisip niya kaya siya pumayag na gawin iyon.

“Kung nagawa man lang niya iyon, dala na rin siguro iyon ng hirap.

“Pero ang nakakalungkot, pera lang iyon, e. Kikitain mo naman siguro iyon sa mas maayos na paraan.

“Pero kung nagugutom na ang pamilya mo, ano ang choice mo?

“Yun ang madalas na dilemma ng ilang mga kababayan natin. It’s sad pero totoong nangyayari ‘yan.”

Kaya nga ang Edna ay handog ng producer ng nito na Artiste Entertainment Inc. ni Tonet Gedang sa mga OFW na nagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

Ipapalabas ito sa ilang local cinemas on May 20.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN