Vivian Velez wants to direct Angel Locsin in the future

Miss Body Beautiful Vivian Velez now has a business that involves aviation.



Si Vivian Velez ang tinaguriang Miss Body Beautiful ng showbizlandia noong 1980s. Kaya nang nakapanayam siya ng PEP.ph sa presscon ng Regenestem Manila sa Luxent Hotel, inusisa namin ang dating sexy actress kung sino ang maituturing niyang karapat-dapat ngayon sa koronang ito.

“Madami, madami. Pero I cannot name, because siguro isa sa criteria yun, na kailangan lahat ay natural, ano. Wala dapat ipinagawa,” nakangiting saad niya.

Dapat po ay walang retoke?

“Oo, dapat ay natural, walang ipinagawa, wala, wala. ‘Cause that’s how I was before, e. So, it should be natural.

“Kaya mahirap, mahirap magsalita.”

Ipinahayag din ni Vivian na hindi siya talaga banedosa, dahil ang mas mahalaga raw sa kanya ay ang healthy lifestyle.

“I’m a morning person, pero alam mo naman ang trabaho namin, lalo na kapag may taping and all of that, we work eighteen hours a day.

“Ako, hindi banedosa talaga, e. More on health buff,” nakangiting wika niya.

“Well, of course, I can say that I have to take care of myself because of my profession,” pahabol pa niya.

Sinabi rin niya na mas nakatutok siya ngayon sa aviation business nila, kaysa sa showbiz. Subalit kapag may dumating daw na magandang project ay handa naman siyang sumabak ulit sa acting.

“I’m very busy kasi with business. I’m into aviation, aircraft… We distribute and then I’m also learning how to fly. We’re distributor, distributor for Asia of one aircraft and anything about aviation, actually.

“We’re coming up with a flight school… iyong company namin, iyong name is Aviation Hub,” paliwanag ng veteran actress.

Dagdag pa niya, “Kapag mayroong magandang-magandang project, even with TV series… Kaya siguro, makikita mo na yung mga projects ko, talagang piling-pili.

“Sabi ko nga, it’s more of an… yung acting now for me, it’s more of a passion na.

“Ang business ko right now, that’s how I earn my living. Pero yung acting ko, it’s really just my passion na.”

Sinabi rin ni Vivian na nami-miss niya rin ang pag-arte sa harap ng camera.

“Nami-miss ko, of course nami-miss ko siya. Kaya lang kapag walang opportunity, kapag walang magandang project, I don’t…, hindi ko pinipilit,” nakangiting pahayag niya.

Kailangan din daw na ma-excite siya sa isang project na ino-offer sa kanya.

“Sa story pa lang, ang dami ko ng mga na-turn down, ang dami na. Even now, lately lang, ABS CBN always offers me roles and stuff like that. Pero kapag hindi ako na-excite, I won’t do it. Kailangan na ma-excite ako sa project, e.”

Mayroon ba kayong dream role?

“Mayroon. Hindi ba I did Paradise Inn with Lolita Rodriguez? Now I want to do her role.

“Yung Paradise Inn, it’s a mother and daughter [film] hindi ba, with Celso Ad Castillo?”

Bakit yung character naman ni Ms. Lolita ang gusto ninyong gampanan?

“Well, it’s something, ‘di ba? I mean, I was… from the very start of the story, ‘till lahat-lahat about Paradise Inn, I was involved. In the story, in everything, so, it’s almost like also my baby, pati si Celso.”

Si Vivian ang nag-produce ng pelikulang Paradise Inn. Sa pelikulang ito, dalawang beses siyang nanalo ng Best Actress mula sa FAMAS at Metro Manila Film Festival noong 1985.

May balak ba siyang mag-produce ulit ng pelikula?

“I want to direct, because I did filmmaking with Marilou Diaz for two years. Dalawang taon ako kay Marilou Diaz, so somehow, I want to do directing,” saad niya.

Kung i-remake n'yo ang Paradise Inn, posible bang kayo rin magdirect or sa acting lang muna?

“Puwede rin,” nakangiting saad niya habang tumatango. “Pero mas gusto ko munang mag-acting. But I can direct and act, di ba?” nakatawang pahayag pa niya.

Sinong artista kaya ang gusto niyang i-direct and why?

“Well, I’m a fan of Angel Locsin, eversince. From sa ugali niya off the screen, also at the same time… ‘tsaka, I like the way she’s handling her career.”

So, siya yung artistang gusto ninyo sakaling magdi-direct kayo?

“Oo, oo. I like her…”

Sinabi rin ni Vivian na para sa kanya ay perfect si Angel kung gagampanan ng Kapamilya actress ang papel ng mananayaw sa isang inn na una niyang ginawa 30 years ago sa pelikulang Paradise Inn.

“Kung gagawin ulit ang project na iyon, mas gusto ko na si Angel ang gumanap sa papel ko dati. Kung puwede siya, I think she’s prefect with that, she’s perfect.”

Inusisa rin ng PEP si Ms. Vivian kung sino pang artista ang gusto niyang makatrabaho sa hinaharap.

“Alam mo, marami e. Lahat ng mga new stars ngayon, ang gagaling nila, ‘di ba? I like to work with Jericho [Rosales], because I think he’s a good actor.

“I’ve worked with Piolo [Pascual] already, with John Lloyd [Cruz] many times. I’m lucky to have worked with them.

“Then, marami, marami talagang magagaling na artista. Of course kay Coco Martin, I really want to work with him too.”

Parang pulos sa ABS-CBN ang mga nabanggit ninyong stars, nagkataon lang po ba ito?

Tumawa muna siya bago sumagot, “Hindi naman, magagaling kasi iyong mga artista sa ABS, ‘di ba?

“Pero okay naman din GMA-7 kung may offer na maganda,” nakatawang wika pa niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN