Lovi Poe cries upon reading Lakambini film script; she believes "For us to move forward...we have to know our history."

Naiyak ang actress na si Lovi Poe nang mabasa niya ang script ng historical film na Lakambini. Ito ay hango sa buhay ni Gregoria de Jesus, ang asawa ng bayaning si Andres Bonifacio.



Si Lovi Poe ang napiling gaganap na Gregoria de Jesus sa bagong historical film na Lakambini. Ito ay hango sa buhay ni Gregoria o Oryang, ang asawa ng supremong si Andres Bonifacio.

Kuwento ni Lovi, “O, I love it, I’ve read the script, umiyak ako.

“Maganda. Maganda yung script. I think importante na panoorin ito ng mga tao to remind us to take care of our country.”

Ang naturang indie film ay idi-direk nina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil.

Dagdag pa ng Kapuso star, “First and foremost, maraming tao ang lumaban para sa bansa natin.

“Huwag nating sirain yung ipinaglaban nila. Parang nung binasa ko ulit yun… before nung bata pa lang ako, lagi kong iniisip kung bakit kailangan pa yung history, kung bakit kailangan.

“Pero sa akin, na-realize ko specially now, na for us to move forward and to be better, we have to know our history. We have to learn to love it, love the people who actually fought for it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lovi noong nakaraang May 1, sa Lenox Hotel sa Dagupan City.

Nakatakdang magbigay kasiyahan kinagabihan si Lovi sa Kapuso Night ng GMA sa Lingayen, Pangasinan kaugnay pa rin ng Pista’y Dayat festival ng naturang lungsod.

WORK HARD FOR THE COUNTRY. Sabi pa ni Lovi tungkol sa movie, “Ang dami na nating napagdaanan, I think kailangang bukas na yung mga mata ng mga Pilipino na kailangang magkaisa na talaga because hindi na maganda yung pangyayari.

“Parang we’re supposed to be united.”

Sa mga naging problema ng bansa, naniniwala ang actress na kaya naman ng mga Pilipino kung magtulungan.

Aniya, “After reading the script, parang [it] made me realize na parang anong ginagawa natin.

“Everyone is so selfish in their own way, especially, rich people, sorry for mentioning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang they just get rich and rich and rich. Hindi ako naniniwala na mahirap ang Pilipinas. I think everybody should work hard for our country kasi kaya naman, e. Kung gusto naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN