Mark Herras trains for his role as cabin boy in "ITALY"


"Ang dami kong natutunan, pero nakakapagod. Sa tingin ko nga, baka mabago ang script kung magiging in character kami ayon sa training namin," says Mark Herras about his training.


Isang araw ang ginugol nina Mark Herras, Jolina Magdangal, at Eugene Domingo para mag-training bilang cruise crew for the movie I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).

Nagkita kami ni Mark sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato Friday night, March 28. Supposedly, free day niya ang Thursday from his workload sa GMA-7 including Joaquin Bordado and SOP. Ngunit ayon sa kanya, nagte-training sila sa isang shipping line somewhere in Manila bago sila lumayag patungong Europe to start their GMA Films movie.

"Ang dami kong natutunan, pero nakakapagod. Sa tingin ko nga, baka mabago ang script kung magiging in character kami ayon sa training namin," kuwento ni Mark, who will play a cabin boy in the movie written by Senedy Que and to be directed by Mark Reyes.

Bilang cabin boy daw kasi, walang pagkakataon dapat ang character niyang makasalamuha ang mga pasahero outside of their respective cabins.

"Hindi naman pala kasi pinapalabas ang mga cabin boy sa starboard or kahit sa mga restaurant. May sarili pala silang kainan na hindi makikita ng pasahero at lugar ng pahingahan na hindi mapupuntahan ng pasahero," lahad ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mark did not explicitly said so, ngunit malamang may mga eksena si Mark na nakikipag-usap sa mga pasahero outside their rooms na dapat ay hindi ginagawa ng isang cabin boy.

Kuwento niya, "Tinuruan din akong magdala ng breakfast tray, kung paano ko ito dadalhin ng kanang kamay ko habang kumakatok sa pinto. Sina Jolens [Jolina] and Uge [Eugene] tinuruan paano mag-fold ng mga mattresses. Nagkita-kita lang kami doon, pero magkakahiwalay ang training namin.

Nauna nang umalis patungong Italy last Friday ang dalawang producers ng pelikula na sina Joey Abacan at Noel Ferrer. Sa April 4 naman nakatakdang umalis sina Jolina, Mark, at Eugene kasama pa sina Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, at Dennis Trillo who took over Gabby Concepcion's role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang na ito ang susunod na pelikula ng GMA Films na ipalalabas this year after My Best Friend's Girlfriend, although co-producer ang film arm ng Kapuso network sa Monster Mom ng Regal Films starring Ruffa Gutiererz and Annabelle Rama, na nagsisimula na rin ang shooting ngayon. They are also n the process of talking with Unitel for the animation movie Urduja. Isa man sa dalawang pelikula ang maaaring ipalabas ahead of I.T.A.L.Y.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN