Ronnie Lazaro on kissing scene with Kiko Matos: “Diring-diri kami sa aming ginawa.”

Ronnie Lazaro (leftmost) said that after shooting a kissing scene with Kiko Matos (wearing blue), he realized: “After that kiss, I realized I still like women.” He is joined in this photo by Irma Adlawan (rightmost) who played the title character in the indie film Edna.


Nakilala na si Ronnie Lazaro bilang isang magaling na actor ngunit naging isang malaking challenge para sa kanyang ang pagsabak sa kanyang unahang directorial job via the indie film Edna.

Bukod sa pagiging direktor, si Ronnie rin ang gumanap bilang asawa ng title character na si Edna (played by Irma Adlawan).

May aabangang twist sa karakter ni Ronnie sa pelikulang ito na mapapanood na sa mga sinehan simula May 20.



RONNIE SHOOTS TORRID KISSING SCENE WITH GUY.
Isa sa pinag-uusapang eksena ay ang torrid kissing scene ni Ronnie with fellow actor Kiko Matos.


Paano siya napapayag na mag-shoot ng kissing scene sa kapwa lalaki?

Ronnie: “It’s my first time to do it. Nakita niyo, nag strip naked na ako, butt exposure at kung anu-ano pa sa mga naging movie po, pero first time niyo akong nakita nakipaghalikan sa lalaki. I have to do it. It just needs to be done. It adds rekado to the movie.”

Nag-usap ba kayo ni Kiko, kung paano niyo gagawin ang torrid kissing scene na yun?

Ronnie: “O, siyempre! Pero alam niyo, after we kissed, pareho kaming pupunta sa lababo at magmumumog at diring-diri kami sa aming ginawa. After naming magmumog, sabi ko, ‘Okay ready for another take. Tapusin na natin ‘to.’ After that kiss, I realized I still like women.”


GRADE-A MOVIE ON OFWs. Sa pelikulang Edna, si Irma Adlawan ay gumanap bilang OFW na bumalik sa Pilipinas matapos ang matagal na panahon na pagta-trabaho sa ibang bansa. Magugulat siya sa mga sikreto na mabubunyag tungkol sa kanyang pamilya.

Tungkol saan po ba ang Edna?

Irma: “Hindi ito yung usual OFW Movie. Ang istorya nito ay patungkol sa mga nag-aaway na nanay at anak sa pelikula. Pinapapakita namin dito kung ano ba yung nagiging epekto sa mga magulang pag umaalis sila ng bansa para makipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil hindi lang tayong naiiwan ang apektado sa pangingibang bansa ng ating mga magulang. Apektado din sila, na nandoon sa ibang bansa dahil nag-iisa sila at nangungulila sa atin.”

Natuwa naman ang producer ng Edna na si Tonet Gedang dahil binigyan sila ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board.

Ano ang pakiramdam na graded A ang Edna?

Tonet:
“Masarap yung pakiramdam, ibig sabihin lang nito na marunong na ako at nakakaintindi na ako kung paano gumawa ng isang magandang pelikula. Kaya nga sana, mapanood ng mga Pilipino ang pelikula naming ito para malaman nila kung bakit ito binigyan ng Grade A. Bagamat R16 ang binigay ng MTRCB dahil sa ilang maseselang scene sa pelikula, natutuwa pa rin kami na walang ipinabawas na eksena dahil may purpose ang bawat eksenang ipinakita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN