Maris Racal hopes to get better opportunities after Stars Versus Me

Maris Racal on the many opportunities coming her way after Pinoy Big Brother All In: “Kapag napag-iisa ako at naiisip ko yun lahat, thankful sa lahat ng blessing ni Lord. Siyempre, sa mga ginagawa ko, natutulungan ko ang family ko, mga ate ko, parang napu-fulfill ko yung mga dreams ko.”


Magkahalong excitement at kaba raw ang nararamdaman ng Kapamilya talent na si Maris Racal sa nalalapit na pagpapalabas ng launching movie nila ni Manolo Pedrosa na Stars Versus Me.

Ang nasabing pelikula ay base sa bestselling novel ni Joven Tan, na siya ring nagdirek ng movie version nito.

Sabi ni Maris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “The movie could make or break you.

“Pero siyempre, mas lamang yung excited ako, kasi this is my first time to be a leading lady sa isang movie.”

Ano naman ang expectation niya sa launching movie nila ni Manolo?

Sabi ni Maris, “Siyempre po, ini-expect ko rin na maraming manonood. Marami rin naman pong sumusuporta.

“And siguro po, hopeful yung term na after ng movie, mas marami pang opportunity, mas maraming mag-o-open na door.”

HOROSCOPE. Tungkol sa horoscope ang kuwento ng Stars Versus Me, at ang karakter ni Maris ay naniniwala sa mga hula o sinasabi ng mga baraha.

Pero sa totoong buhay, sa presscon ng Stars Versus Me noong May 14 lamang unang naranasan ni Maris na magpahula.

Aminado ang dalaga na natatakot siyang magpahula.

“Sabi kasi ng Mommy ko, ‘Huwag kang pahula kasi, si Lord na ang bahala sa ‘yo.’”

Hindi siya naniniwala sa hula?

“Well, ang daming nagsasabi sa akin na totoo raw talaga, partly.

“Kasi raw, may magic sila, may gift sila na nalalaman nila even by touching your hand.

“So, naku-curious ako, pero natatakot ako at the same time.

“Ayokong malaman ang future ko, parang gusto ko munang i-enjoy ang present.”

IN LESS THAN A YEAR. Sina Maris at Manolo ay produkto ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother All In. Pagkatapos nilang lumabas sa Bahay Ni Kuya ay nagdire-diretso na sila sa showbiz.

Wala pang isang taon sa showbiz si Maris pero nakagawa na siya ng teleserye, music album, at ngayon ay mayroon na rin siyang launching movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya tungkol dito, “Kapag napag-iisa ako at naiisip ko yun lahat, thankful sa lahat ng blessing ni Lord.

“Siyempre, sa mga ginagawa ko, natutulungan ko ang family ko, mga ate ko, parang napu-fulfill ko yung mga dreams ko.”

Marami na bang nabago sa buhay niya?

Sabi ng 17-year-old actress-singer, “Mas naging mature ako.

“Naging independent ako, e. Away sa family dahil nasa Davao po sila.

“Yung ate ko lang din ang nandito, kasama ko.”

Nagrerenta lang daw ng apartment ngayon si Maris at pinili pa rin daw niya sa medyo tahimik na lugar.

Hindi naman daw siya magastos na tao kaya nakabili na rin siya ng kanyang sariling sasakyan.

Sa September magde-debut si Maris, pero hindi pa raw niya alam kung magpa-party siya o magbabakasyon.

“Yung party naman po kasi, it’s every girl’s dream naman,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN