Irma Adlawan surprised by long kissing scene of Ronnie Lazaro and Kiko Matos in Edna

Irma Adlawan enjoins moviegoers to watch the relatable indie film Edna. She says, “I hope, I hope people will watch it, kasi most of us Filipinos have relatives abroad."


Kasalukuyang napapanood sa ilang sinehan ang indie film na Edna, na pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Irma Adlawan at idinirek ng veteran actor na si Ronnie Lazaro.

Noong Lunes ng gabi, May 18, ay nagkaroon ng special screening ang Edna sa U.P. Film Center na dinaluhan ng cast ng pelikula.

Pagkatapos ng screening at discussion, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Irma.

Ang unang inusisa sa aktres ay kung ang naging ending ng pelikula ang gusto niyang maging pagtatapos nito.

Sabi niya, “Marami po kasing ending dapat yun.

“Pinagdiskusyon-diskusyon na namin, but it was Ronnie’s choice.

“Ako po kasi, mas gusto ko sana na hindi mo alam kung buhay o patay.

"But, of course, it’s the director’s choice. But it’s okay.”

Ang Edna ay tungkol sa isang OFW na nang umuwi sa Pilipinas ay natuklasan ang matitinding problema ng bawat miyembro ng pamilya niya na inilihim sa kanya habang siya ay nasa ibang bansa.


COLLABORATIVE. Matagal nang kaibigan ni Irma si Ronnie. Pero noong inalok sa kanya ang Edna, nagustuhan niya ba ito agad at tinanggap?

Sagot ng aktres, “Actually, noong nag-usap-usap kami bago pa maayos ang script, sinabihan na nila ako.

“At saka ang process namin dito was really different.

“Hindi pa talaga well polished ang aming script when we started, so we had to work together.

“Kumbaga, input nito, input dito, gawin nating ganito.

"Talagang very collaborative yung nangyari sa process... lahat kami, even our DOP [director of photography], as in lahat."


FIRST TIME. Kumusta si Ronnie bilang director?

“Well, first time kasi siya, nangangapa noong una, but we were all there to lend a hand.

“Lahat naman tayo, hindi naman tayo ganun kagaling ng first time.

“Siyempre, may mali dito, mali doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumatanggap naman ng suggestions si Ronnie?

“Oh, yes,” nakangiti niyang sabi. “And he knew that it was his first time.”

Ang Edna ay parang kuwento ng OFWs na pinagsama sa isa.

“Actually, parang ganun but we really concentrated on one.

“Mahirap naman kasi kung marami. This is Ronnie’s story.

“Sabi naman niya, wala namang pinagbasehan, it’s purely fictional.”

Nakakuha ng R-16 rating ang pelikula at sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung ilalahok ang pelikula nila sa film festivals abroad.


WATCHABLE. Kinailangang bumaba ni Irma mula sa La Presa sa Baguio para sa pagtatapos ng taping nila ng Forevermore para makarating sa screening ng Edsa.

Pagkatapos ng screening, balik La Presa na rin daw siya agad hanggang sa Biyernes.

Ikalawang beses na raw niyang napanood nang buo ang Edna.

Noong una niya itong napanood, ano ang naging reaksiyon ni Irma?

“Noong una kong napanood, nagulat ako sa haba ng kissing scene nila!” natatawang sabi niya.

Ang kissing scene na tinutukoy ni Irma ay sa pagitan nina Ronnie at Kiko Matos.

“Sabi ko talaga kay Ronnie, ‘Pambihira, mas mahaba pa ang kissing scene niyo kesa kissing scene nating dalawa?

“‘Sa kissing scene nating dalawa, tinulak mo agad ako.'”

Ilan sa mga sinehan na kasalukuyang palabas ang Edna ay ang SM North Edsa, SM Megamall, SM Sta. Mesa, SM Bacoor, at SM Sta. Lucia.

Ngayong palabas na sa mga sinehan ang Edna, ano ang expectations niya?

Sabi ni Irma, “I hope, I hope people will watch it, kasi most of us Filipinos have relatives abroad.

“Marami talaga. Somehow, kahit pinsan, kaibigan mo, meron.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN