Rocco Nacino now works every day because of his three movies and one teleserye

Rocco Nacino on working with Aljur Abrenica for the indie film Mabalasik: "Maganda nga ang takbo ng trabaho namin. Okey na okey sa set, kasi everything is so smooth, masaya siyang katrabaho. So, everyting is really nice. We get to talk. Pero siyempre, pagdating sa set, kailangan kong i-maintain yung ano… yung rivalry namin."


Tatlong pelikula ang halos sabay-sabay na ginagawa ngayon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Ito ay ang mga pelikulang Flotsam, Mabalasik, at Lakambini.

Pero kahit kaliwa’t kanan ang trabaho ngayon ni Rocco, tila hindi siya nakikitaan ng pagod o pagka-stress.

Sabi ng Kapuso actor, “I’m really busy.

"Paglatag sa akin ng mga schedules ko for two and a half months, araw-araw ang trabaho."

Nagkaroon naman daw siya ng break from work noong April, kaya okey lang daw na matambakan siya ng mga proyekto ngayon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kakauwi ko nga lang galing La Union. Tinapos ko yung shooting ng Flotsam.

“It’s an indie film, partner ko dito si Solenn [Heussaff]. Kasama rin namin Carla Humphries.

“Isa siyang surf movie. Si Jay Abello ang direktor namin.”


HATS OFF TO ALJUR. Puring-puri naman si Rocco ni Aljur Abrenica, ang co-star niya sa isa pang indie movie na ginagawa niya, ang Mabalasik.

Ngayon lang nagkasama sa isang project ang dalawang StarStruck alumni, at ayon kay Aljur, ibang klaseng katrabaho si Rocco dahil magaling ito.

Reaksiyon dito ni Rocco, “Naks! I’m proud of Aljur din.

"Maganda nga ang takbo ng trabaho namin.

“Okey na okey sa set, kasi everything is so smooth, masaya siyang katrabaho.

“So, everyting is really nice. We get to talk.

“Pero siyempre, pagdating sa set, kailangan kong i-maintain yung ano… ‘yong rivalry namin.”

Magkalaban daw ang roles nila sa Mabalasik, kung saan ang character ni Rocco ay ng isang pulis na hina-hunting ang hired killer na ginagampanan naman ni Aljur dahil napatay nito ang kanyang ninong.


A NEW DAY EVERY DAY. Samantala, bukod sa muling pagsasama ni Rocco at ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe sa upcoming primetime series ng GMA Network na Beautiful Strangers, magkatambal din sila sa pelikulang Lakambini, na tungkol naman sa buhay ng bayaning si Gregoria de Jesus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki raw ang advantage kapag si Lovi ang katrabaho ni Rocco.

Ayon sa aktor, “Kasi kilalang-kilala na namin ang isa’t isa at gamay ko na siya kung paano rin siya magtrabaho.

“Malaking plus ‘yon and advantage na magkasama kami palagi.”

Wala namang sawa factor?

“Wala naman. Para siyang every day, first day!

"Alam mo ‘yon? Every day is a new day."

At parang every day ay date din para sa kanila as they work together in a project?

Pagsang-ayon ni Rocco, “Yes, every day is a date.

“Mag-start na rin kaming mag-shoot ng Lakambini kaya I’m excited!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN