Andre Paras, Yassi Pressman get big break in Girlfriend For Hire

by Ruel J. Mendoza
Jun 1, 2015
After playing support roles in the hit movies of James Reid and Nadine Lustre, the new loveteam of Andre Paras and Yassi Pressman get their big break in the latest Wattpad movie adaptation, Girlfriend For Hire.


Pagkatapos ng kanilang supporting roles sa mga hit movies nina James Reid at Nadine Lustre, mabibigyan na rin ng pagkakataong magbida sa sarili nilang pelikula sina Andre Paras at Yassi Pressman.

Bida sina Andre at Yassi sa film adaptation ng Wattpad novel titled Girlfriend For Hire.

Tatawagin ang tandem nila na “YAndre.”

Unang napanood ang tandem nina Andre at Yassi sa unang hit movie ng JaDine loveteam na Diary Ng Panget.

Nakasama rin si Yassi sa second JaDine movie na Talk Back and You’re Dead.

Si Andre naman ay huling napanood sa pelikulang Your Place Or Mine na pinagbidahan nila Andi Eigenmann at Bret Jackson.

Kasalukuyang busy si Andre sa long-running afternoon teleserye ng GMA Network na The Half Sisters, samantalang kasama naman si Yassi sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo.

Sa Girlfriend For Hire ay makakasama nina Andre at Yassi ang mga bagong Viva stars na sina Katarina Rodriguez, Jasmine Hollingworth, at Donnalyn Bartolome.

Continue reading below ↓

Naging maganda ang pagtanggap ng fans sa unang pagtatambal ng YAndre sa Diary Ng Panget.

Naging hit pa nga ang ginawa nilang duet para sa OST (Original Soundtrack) ng movie na pinamagatang “'Di Mo Alam.”

Matagal ding hindi nagsama sa isang project ang dalawa at natuwa nga sila nang sila dahil ngayon ay binigyan sila ng pagkakataong magbida sa isang film adaptation ng isang well-read Wattpad novel.


THE STORY. Si Yam-Yam28 ang author ng Wattpad novel na Girlfriend For Hire. Umabot na sa 67.2 million ang reads nito.

Gagampanan ni Yassi ang role bilang Nami, isang matapang pero mabait na scholar ng Stanford University.

Si Andre naman ay gagampanan ang role na Brylle na apo ng may-ari ng university.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang dalawa at pinakiusapan ni Brylle si Nami na magpanggap ito bilang girlfriend niya para tumigil na ang lolo niya sa pag-set up sa kanya sa iba’t ibang babae.

Continue reading below ↓

Kahit hindi payag noong una si Nami sa request ni Brylle, napilitan siyang sumakay sa gusto nito para lang hindi mawala ang scholarship niya sa university.


DIRECTORIAL DEBUT. Matatapos na ng dalawa ang naturang romantic-comedy na directorial debut ni Vanessa de Leon.

Kilala si Vanessa noon bilang editor ng maraming pelikula ng Star Cinema. Ang sumulat naman ng script ng Girlfriend For Hire ay si Jose Javier Reyes.

Pumayag si Direk Joey na gawin ang script dahil sa long-standing friendship niya with Vanessa.

“I’ll be doing this because Vanessa here has been my editor for the longest time and I promised her years ago if she ever directs her first film, I must write her screenplay,” pahayag ni Direk Joey.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After playing support roles in the hit movies of James Reid and Nadine Lustre, the new loveteam of Andre Paras and Yassi Pressman get their big break in the latest Wattpad movie adaptation, Girlfriend For Hire.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results