I.T.A.L.Y. cast members entertain fellow cruise passengers


Rufa Mae Quinto (left) and Jolina Magdangal (right) showed off their singing skills during the Italian Talent Night held onboard the cruise ship Costa Magica.


Nagpapasaya rin ang mga artista ng I.T.A.L.Y. sa kapwa nila passengers.

Nasa Tunisia, Africa, na ngayon ang Costa Magica, ang cruise ship na ginamit ng GMA Films as the location of their movie I.T.A.L.Y. directed by Mark Reyes. At press time, papunta na ang barko sa Palma de Mallorca sa Spain.

Gabi ng Wednesday, April 9, nagkaroon ng Italian Talent Night sa barko, a regular feature of the cruise for their passengers to show off their talents.

Ang isa sa mga pinalakpakan ay si Mark Herras, hindi lang ng mga kapwa Filipino niya kundi pati ng ibang mga pasahero of different nationalities. Sumali si Mark with the Filipino crew of the ship sa pagsasayaw ng "Volare."

Specialty ni Mark ang pagsasayaw. Sa Pilipinas, hindi matatawag na "Bad Boy of the Dance Floor" ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor if not for his nimble feet and graceful steps.

Also well applauded were the song numbers given by two of the female stars of the movie, sina Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto.

Kinanta ni Rufa Mae ang "Ocean Deep." Ito actually ang signature song ni Rufa Mae at noong nag-release siya ng kanyang kaisa-isang album noon sa Viva Records, ang Cliff Richard composition ang kanyang carrier single.

Isang heartfelt rendition naman ng "Will of the Wind" ang kinanta ni Jolens for the talent night.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN