Carlos Morales felt uneasy directing veteran stars Bembol Roco and Tessie Tomas

by Ruben Marasigan
Jun 19, 2015


Masaya ang aktor na si Carlos Morales dahil ang diretorial debut niyang Piring ay napabilang sa 8 films competing in the Filipino New Cinema section of the 2015 World Premieres Film Festival (WPFF).

Organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP), it will take place from June 25 to July 7, 2015.

Bida sa pelikula niyang ito si Yussef Estevez kasama sina Krista Miller, Tessie Tomas, Bembol Rocco, Rocky Salumbides, Biboy Ramirez, at Teri Onor.

“Story ito ng isang hardworking gym instructor na at the same time ay isang graduating college student,” bungad na kuwento ni Carlos hinggil sa pelikula niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Torre Venezia sa Timog Avenue, Quezon City.

“Tapos ang tinuturuan niya sa gym niya, si Bembol Rocco na school president do’n sa college na pinapasukan niya.

“And may mga principles siya sa buhay na kumbaga, hindi lahat nabibili ng pera, e. Gano’n siya.

Continue reading below ↓

“Although ‘yong family niya is dysfunctional dahil ‘yong nanay niya played by Tessie Tomas used to be a prostitute.

“Tapos si Krista Miller naman ‘yong ibinubugaw ni Tessie. So gano’n ka-dysfunctional ‘yong family niya pero gusto pa rin niyang maayos sa pamamagitan ng pagtatapos niya ng pag-aaral.”

Drama ang tema ng pelikula na nagpapakita sa realidad kung paano tratuhin sa lipunan ang mga walang pera. May konting sexy scenes din daw na kinailangan sa istorya.

“Pero sa kabuuan, dark talaga ‘yong movie. Hindi siya feel good movie dahil paglabas mo, masakit talaga siya sa loob."

Gaano katindi ang mga sexy scenes? May nudity ba?

“Abangan n’yo na lang!” sabay ngiti ni Carlos.

“Basta maayos siya,” pagtukoy niya sa mga sexy scenes sa kanyang pelikula.

Paano ba siya nakapag-shift from acting to directing?

“Ever since naman, e. No’ng start pa lang na nag-aartista ako, talagang fascinated na ako sa pagdidirek, e.

Continue reading below ↓

“So pinag-aaralan ko ‘yong style ng bawat directors. So ina-apply ko iyon sa pagiging director ko.

“Hanggang sa… siyempre you have to have your own style, e.”

Ano ang feeling no’ng unang araw ng shooting niya bilang direktor?

“Hindi ako nakatulog kaya the night before our first shooting day!” tawa ni Carlos.

“Kasi iisipin mo ‘yong mga… ia-anticipate mo kung ano ‘yong maaaring mangyari do’n. Kung ano ‘yong mga shots mo para kumbaga maging mas mabilis ‘yong flow ng pagdidirek at pagsu-shoot mo.

“Tapos madalas ay hindi na ako nakakakain. Nakakalimutan ko nang kumain talaga.

“Oo! Kasi di ba… from one scene to another, gusto mo kaagad na mapag-isipan kung ano ‘yong gagawin mo na ‘yong mga shots na hindi normal na ginagawa, e.

“Mahirap. Mahirap ‘yon.”

Ano ang pakiramdam sa pagdidirek sa mga beterano nang artista gaya nina Tessie Tomas at Bembol Rocco?

“Ay, mas mahirap!” nangiti ulit si Carlos. “Mas mahirap.

Continue reading below ↓

“Kasi parang mas maiilang ka, e. Na siyempre, mas magagaling na ‘yon, e.

“Mas matatagal na ‘yon. Mga veterans na ‘yon, e.

“Pero ano naman iyon e… naging supportive naman sila. Tapos pinabayaan nila akong gawin ‘yong gusto ko.

“Basta ii-instruct ko lang at bilang mga beterano, alam na nila ‘yong mga homework nila.

“Kumbaga, gabi pa lang pinag-aralan na nila ‘yan. So wala akong naging problem sa kanila.”

Gaano katagal bago siya naging komportable na bilang direktor sa panahong sinu-shoot nila ang Piring?

“Siguro mga two or three days, okay na.

“Pero talagang itiniming ko na noong first shooting day namin, hindi muna mga beteranong artista. Para maging at ease ako sa set.

“Pero iba pa in ang feeling kapag nando’n na ‘yong mga veteran stars.”

Unang pelikula pa lang niya ang Piring pero kaagad ay magko-compete ito sa Filipino New Cinema Section ng World Premieres International Film Festival.

Continue reading below ↓

“Ako honestly, ‘yong makapasok lang dito… it’s an achievement already for me.

“And itong pelikula ko, satisfied naman ako sa kinalabasan. Talagang ibinigay ko naman lahat.

“So kung anuman ang mangyari, happy ako. Kasi ibinigay ko lahat.”

Sa panahon ng kanyang pag-aartista, napatunayan din naman ni Carlos na isa siyang mahusay na actor. Ang isa sa hindi nga malilimutang pagganap niya ay ‘yong sa pelikulang Laro Sa Baga kung saan nanalo siya ng acting award.

Ano ba ang last acting project niya?

“’Yong Galema, sa ABS-CBN. Sa pelikula naman, ang pinakahuling ginawa ko ay ‘yong Panday pa ni Senator Bong Revilla.”

Bago niya gawin ang first directorial job niyang Piring, nagkaroon ba siya ng formal lessons on filmmaking?

“Meron naman akong parang mga crash course no’ng nasa Amerika ako. Nag-migrate ako for a while kasi nurse naman ako, e.

“Naging marketing consultant ako for a big hospital.”

What made him decide na bumalik sa Pilipinas?

Continue reading below ↓

“Wala, e… kumbaga I know that I belong here. ‘Yong passion ko nandito,” sa mundo ng pelikula ang ibig niyang sabihin.

“Kung iki-keep ‘yong creativity mo, hindi iyon maganda. You need to release it.

“And fortunately naman, kumbaga natulungan tayo. Nahanap ko talaga.”

Directing daw ang priority niya ngayon. Pangalawa na lang ang acting.

“Pero open pa rin ako na tumanggap ng acting project o ng teleserye halimbawa.”

Mahihirapan siyang magdirek kapag may ginagawa siyang teleserye?

“Hindi. Ano lang ‘yon… time management.”


SECOND DIRECTORIAL JOB. Ayon pa kay Carlos, may kasunod na siyang directorial job.

“Actually after nitong Piring, may isa akong gagawin na ako ang bida and at the same time ako rin ang magdidirek. Ito, sobrang hirap nito kasi one year kong gagawin ito.

“Ang working title… Misyonaryo. Isa akong misionaryo na nagpupunta hanggang sa nga bundok-bundok to preach the word of God.

“And then eventually nabihag siya ng ibang religion, may gano’ng nangyari. Tapos along the way, nando’n ‘yong mga torture sa kanya.”

Continue reading below ↓

Mas matinding pressure kapag hindi ka lang direktor kundi artista rin sa pelikulang ginagawa mo, hindi ba?

“Talaga. Tapos magpapayat pa ako," ani ng actor-director na gustong mag-lose ng lagpas fifty pounds para sa role na ito.

“After siguro ng movie na ito, satisfied na ako kasi nagawa ko na kung ano 'yong dream role ko. Which is ‘yong pagiging isang missionary nga.”

Masasabi ba niyang hindi stable na trabaho ang showbiz kumpara sa trabahong iniwan niya sa Amerika?

“Oo. Pero ano, e… may hahanapin ka talaga na gusto mo sa buhay, e.

“Siyempre bukod naman sa pagiging actor-director, may iba ka naman dapat na negosyo na fallback. Like ngayon, meron ako piggery tapos may iba pa akong mga negosyo.

“Meron din akong itatayo na mobile na grill. ‘Yong cart siya na… motor.”

Hindi na siya babalik sa States?

“Pabalik-balik din. Just to visit my relatives and my grandma.”

Wala pa siyang sariling pamilya?

Continue reading below ↓

“Wala pa.”

He’s 39. Bakit hindi pa siya nag-aasawa?

“May mga… siguro circumstances na hindi nag-permit for me to get married.

“Pero mereong mga malapit na. Alam mo ‘yong malapit na kaya lang siguro… not meant to be.

“Hindi pa time. Kaya single pa rin ako.”

Last year daw ‘yong pinakahuling relationship niya with a non-showbiz girl. Ano ang cause ng break up nila?

“Wala namang third party. More on differences sa buhay na hindi namin naayos siguro.”

Kaugnay ng pagsi-shift ni Carlos sa pagdidirek ng pelikula ay ang pagpapalit daw niya ng screen name.

“Hindi ko na gagamitin ‘yong Carlos Morales. Kasi nagka-problem ako diyan.

“Kapag pumupunta ako out of town or out of the country, kumbaga ‘yong association ng ibang… kasi ang daming Carlos, e.

“May Carlos Agassi, may Carlo Maceda, may Carlo Aquino…

“Na-associate ka sa ibang mga names.

“At saka parang ano na rin siguro… another chapter of my life na nag-venture ako into directing, gusto kong baguhin na.

Continue reading below ↓

“And ang gamitin ko na ay ang totoong pangalan ko which is Craig Woodruff Jr.”

Paano iyon? Aakalain ng iba, hindi siya ang dating Carlos Morales kundi isang bagong personalidad?

“Ii-establish na lang. Awareness na lang that’s why I need the help of the press.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results