Joross Gamboa on shooting gay film: “Yung love scene, artistic siya. Hindi siya bed scene, hindi siya pumping scene.”

by Rose Garcia
Jun 10, 2015
Joross Gamboa reveals that while shooting for the indie film I Love You, Thank You in key Asian cities such as Thailand, Cambodia and Vietnam, the cast and production crew risked themselves in a few daring candid scenes where they didn't procure the proper permits. He narrates, “'Eto ang nakakatawa rito, mukhang highly-budgeted siya, pero may mga eksenang buwis-buhay kami rito. Walang permit at inaantay na lang na mahuli kami sa Dusit Hotel.”


Pumayag si Joross Gamboa na mag-shoot ng love scene para sa indie film na I Love You, Thank You.

Sa walong pelikulang napili na mag-compete sa kauna-unahang Filipino New Cinema category ng World Premieres Film Festival Philippines, ang I Love You, Thank You na pinagbibidahan ni Joross ang isa sa posibleng maging maingay o pasukin talaga ng mga manonood.

Si Joross ay si Paul na nasa edad “twenty-something” at hindi alam ang gagawin o gusto talaga sa buhay, na nasangkot sa isang love triangle sa pagitan ng best friend niyang si Red, at sa boyfriend nito na si Tang na nakilala nila sa kanilang biyahe sa Siem Reap, Cambodia.

Sabi nga namin kay Joross, may “budget” ang pelikulang ginawa dahil bukod sa Cambodia, nakapag-shoot din sila sa Thailand at sa Vietnam.

“'Eto ang nakakatawa rito, mukhang highly-budgeted siya, pero may mga eksenang buwis-buhay kami rito.

“Walang permit at inaantay na lang na mahuli kami sa Dusit Hotel,” natatawang sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa presscon ng Filipino New Cinema sa Torre Venezia, Timog Ave, Quezon City noong June 4.

Continue reading below ↓



BUWIS-BUHAY SCENES.” Masayang nag-kuwento pa si Joross tungkol sa indie film niya na I Love You, Thank You.

Directed by Charlibebs Gohetia, mapapanood ito mula June 24 to July 7 sa mga SM Cinemas.

Ani Joross, “Actually, ang nakakatawa rito, siyempre, ang mga cameraman namin, yung isa babae, meron siyang uniform na pang-front desk.

“Kasi, may eksena ako na kunwari yung front desk ng hotel kaibigan ko, so kapag wala yung front desk [receptionist] sa hotel, pupuwesto run, alam na namin ang lines namin, biglang shoot.

“Pagka-cut, alis ulit. Hiwalay ulit. May nag-iikot na security, 'tapos magpapalit na kami sa banyo.

“Siguro yung security, nagtataka, iba-iba ang damit ng mga ito.”

Hindi sila sinita?

“Hindi nga, kaya tuwang-tuwa ako. Pero yung feeling na anytime, baka makulong tayo,” natawang kuwento niya.

�

�

CANDID TAKES. Lahad pa ni Joross sa mga naging karanasan niyang i-shoot ang indie movie nila sa tatlong bansa sa Asia, minsan naman daw ay may involved pang pulis mismo.

Continue reading below ↓

“Ang nakakatawa, dito may pulis na talaga.

“May eksenang parang nagtatakbuhan kami, parang mga hysterical, nag-aaway, siyempre, maraming tao.

“May mga—'but I Love You!' Yung mga ganun, may mga nakaw na eksena.

“Yung pulis, kinakausap, mabuti na lang magaling ang E.P. [executive producer] namin, siya ang kumakausap, 'English only, English only.'

“E, hindi marunong mag-English. So habang kinakausap, uma-akting kami. So ang style mo lang, English only.”

Halatang nag-enjoy siyang gawin ang movie.

Yun lang, enjoy pa rin siya sa mga “gay roles?”

“Enjoy naman, pero sabi ko, last na muna ‘to, kasi typecast na 'ko,” natawa niyang sabi.



DIFFERENT GAY FILM. Sa pelikula raw nila, ang manonood na ang titingin at mag-iisip kung sino nga sa kanilang tatlo ang tahasang bading.

“Gay to gay, pero hindi mo madi-distinguish kung sino ang bading.

“Well, pare-parehong bading, pero hindi mo alam kung sino talaga yung mas dominante.

“Meron kasing isa, mas gusto niyang domineering siya sa personal, pero sa kama, gusto niya siya yung—alam niyo na.”

Continue reading below ↓

Marami-rami na rin nga siyang gay roles na nagawa.

Pinaka-daring na ba ang mapapanood sa kanya sa I Love You, Thank You?

“Daring siya pero in-terms of love scene, pero hindi kami nag-kissing scene rito.

“Yung love scene, artistic siya. Hindi siya bed scene, hindi siya pumping scene.”

�

�

NOT CONTRARY TO RELIGIOUS BELIEFS. Isa nang Christian si Joross kaya ang tanong nga namin sa kanya, hindi ba naging salungat sa paniniwala niya ang ginawang karakter.

Sabi naman niya, “Ako naman, gusto kong panoorin nila ang movie hindi dahil gusto nilang makapanood ng mga nagdyu-dyugdyugan.

“Panoorin nila ‘to kasi, maganda ang istorya at saka, makaka-relate sila.

“Puwede silang magsama ng mga kaibigang babae. Yun ang nilinaw namin bago kami magsimula.”

Si Joross din ang isa sa maingay ngayon na posibleng malakas ang laban sa pagka-Best Actor sa World Premieres Film Fest.

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa, indie film
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa reveals that while shooting for the indie film I Love You, Thank You in key Asian cities such as Thailand, Cambodia and Vietnam, the cast and production crew risked themselves in a few daring candid scenes where they didn't procure the proper permits. He narrates, “'Eto ang nakakatawa rito, mukhang highly-budgeted siya, pero may mga eksenang buwis-buhay kami rito. Walang permit at inaantay na lang na mahuli kami sa Dusit Hotel.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results