Sarah Geronimo on shooting scenes with Piolo Pascual: "sweet-sweet kami."

by Nerisa Almo
Jun 9, 2015
“Nakalimutan ko 'yong line ko kasi nga kinikilig ako,” says Sarah Geronimo about doing romantic scenes with Piolo Pascual in The Breakup Playlist.



Kaya na bang makipagtitigan ni Sarah Geronimo kay Piolo Pascual?

“Titigan? Medyo nape-perfect ko na. Mahirap pa rin, sa totoo lang,” natatawang sagot ng tinaguriang Popstar Princess.

Sa panayam sa kanya ng entertainment reporters para sa The Voice Kids Season 2 kamakailan, inamin ni Sarah na kinikilig pa rin siya sa mga eksena nila ni Piolo para sa pelikulang The Breakup Playlist.

“'Yong last na eksena namin ni Papa P, kami na.

“Di ba, breakup playlist, naging kami. Noong kami na, siyempre, sweet-sweet kami.

“Nakalimutan ko 'yong line ko kasi nga kinikilig ako,” masayang kwento ni Sarah.

Dagdag pa niya, “Ito talaga, walang halong showbiz, iba talaga ang dating ni Papa P.

“Talagang kahit sino ang makasalubong ko, 'Nanginginig ako, dumaan si Papa P nang naka-sando.'

“Iba talaga 'yong ano niya... Iba-iba 'yong charm ng mga leading men, e.

“Si Papa P, parang iba talaga ang dating niya, very heartthrob and matinee idol.

Continue reading below ↓

“Parang ako naman, kapag gumagawa kami ng eksena, na girlfriend niya ako, may mga lines siya na very sweet, para bang ang ganda ko.

“Grabe, mahuhulog kayo sa upuan, e!”

Muling natanong si Sarah, si Piolo na kaya ang kanyang unang onscreen kiss?

“'Yong kissing scene, abangan n'yo po, kasi inaayos pa. Ni-request ko kung ilan,” pabirong sagot ng dalaga.

Sa ngayon, puspusan na ang shooting nila ni Piolo para sa pelikulang ididirehe ni Dan Villegas, na siyang director rin ng award-winning movie na English Only, Please.

Kwento ni Sarah, “First time kong makatrabaho si Direk Dan, iba, e, Iba 'yong atake ni Direk Dan, very indie na halo ng mainstream kaya ang bilis namin.

“Kapag mabilis tuloy kami, parang. 'Wow, magaling ba ako dun?'

“'Yon pala ano lang, playdate na kasi namin sa July 1.”

Kahit mabilis, sabi ni Sarah, “Binibigay lang po namin lahat para mapaganda ang istorya at maging believable ang characters namin.

Continue reading below ↓

“Ako, ito na yata ang pinaka-mature role ko in the sense na hindi na kailangang maghubad o kissing scene.”

Kaya naman sa huli, hiling ng singer-actress, “Abangan n'yo po and hopefully, magustuhan at ma-appreciate ng mga tao 'yong atake namin.”



�

FIRST LOOK: Sarah Geronimo and Piolo Pascual in #TheBreakupPlaylist.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onApr 20, 2015 at 7:08pm PDT





Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nakalimutan ko 'yong line ko kasi nga kinikilig ako,” says Sarah Geronimo about doing romantic scenes with Piolo Pascual in The Breakup Playlist.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results