The love story of Urduja and Limhang unfolds this June


Filipinos will soon be able to watch the animated story of Princess Urduja who falls in love with a Chinese pirate named Limhang. Urduja is scheduled to open in theaters nationwide on June 18.


Mahigit sampung taon pinagtuunan ng pansin ni Mr. Tony Tuviera ang paggawa ng isang full-length animated film na siyang ipagmamalaki ng mga Pilipino. Kinuha niya ang ilan sa pinakamagagaling na artista upang magbigay buhay sa mga fictional characters na batay sa buhay ng isang prinsesa na sinasabing namuhay noong 13th century sa Pangasinan. Sa ilalim ng kanyang kumpanyang APT Entertainment, sinikap ni Mr. Tuviera na makalikha ng full-length animation movie na hindi lamang tungkol sa mga Pinoy kung hindi gawa rin ng mga Pinoy.

Ang tinig ni Regine Velasquez ang gagamitin para kay Urduja samantalang ang piratang Intsik na si Limhang ay gagampanan ni Cesar Montano. Ang pinuno ng Tawilisi tribe na si Lakanpati ay gagampanan ni Eddie Garcia at ang gusto niyang ipareha sa kanyang anak na babae ay si Simakwel (Jay Manalo).

Ilan sa mga kasama sa animated film na Urduja ay sina Wang (Johnny Delgado), Mayumi (Ruby Rodriguez), Daisuke (Epy Quizon), at ang mga hayop na sina Kukut (Michael V.) and Tarsir (Allan K).

BUOD. Si Urduja ay isang alamat. Isang babaeng walang katulad at kakaiba. Nakilala at umusbong sa isang mapanubok na panahon.

Siya ang prinsesa ng tribong Tawilisi ng Gitnang Luzon noong ika-labintatlong siglo. Pinalaki siya ng hari bilang isang mandirigma, bilang paghahanda laban sa kaaway nilang tribo—ang mga Batyaw.

Namulat at sinanay ng hari si Urduja na tulad ng isang lalaki. Ngunit ngayong tumatanda na si Lakanpati, nagsisimula na itong mag-alala para sa anak at para sa kinabukasan ng buong tribo. Kailangan niyang pumili ng lalaking hindi lamang papalit sa kanya bilang hari, kundi pakakasalan din ni Urduja—si Simakwel, ang pinuno ng mga mandirigmang Tawilisi, isang lalaking kinamumuhian ni Urduja.

Sa gitna ng lahat ng ito, makikilala niya si Limhang, isang piratang Intsik na napadpad sa dalampasigan ng Tawilisi habang tinatakasan ang kaaway na si Wang. Mahuhulog ang loob ni Urduja kay Limhang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit walang tiwala si Lakanpati sa mga banyagang tulad ni Limhang. Lalo na si Simakwel. Dahil sa takot nitong maungusan siya ni Limhang sa korona, gagawin nito ang lahat para siraan si Limhang. Pero sa kabila nito, makukuha pa rin ni Limhang ang tiwala at pagmamahal ng mga tao dahil sa kanyang mabubuting gawain.

Hindi magtatagal at matutunton ni Wang si Limhang. Sa tulong ni Simakwel, susuko si Limhang, pero sa kondisyon na hindi sasakupin ni Wang ang mga Tawilisi. Ngunit tuso si Wang. Sa huli, ipag-uutos pa rin nito sa kanyang mga kawal na lusubin ang Tawilisi.

Buong tapang na makikipagsagupaan sina Urduja at ang kanyang tribo bagama't wala silang laban sa puwersa ni Wang. Hindi nila alam, makakatakas si Limhang at makukuha nito ang tulong ng mga Batyaw para talunin at paatrasin sina Wang.

Sa kanilang pagkakaisa laban kina Wang, tuluyang magtatagumpay ang mga Tawilisi at Batyaw. Magkakatuluyan sina Urduja at Limhang at magiging maligaya.

Mapapanood ang Urduja simula June 18, 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN