Former sexy actor Carlos Morales wants to take up filmmaking

by Ruel J. Mendoza
Jun 11, 2015
Carlos Morales wants to take up filmmaking after studying a crash course on filmmaking in the United States. The former sexy actor is best known for the movie Laro sa Baga.



Ang real name niyang Craig Woodruff Jr. ang gagamitin ng former sexy actor na si Carlos Morales para sa kanyang directorial debut titled Piring (Blindfold).

Gustong maihiwalay ni Carlos ang kanyang pagiging aktor noon sa pagiging film director niya ngayon.

"I decided to use my real name. Iilan lang ang may alam na Craig Woodruff, Jr. ang birth name ko.

“Para na rin mahiwalay ang pagiging aktor at pagiging director ko.

“Kung Carlos Morales pa rin kasi ang gamitin ko, parang walang mababago. Kaya it’s best that I use my real name kapag nadidirek ako,” pahayag pa ni Carlos nang makapanayam namin siya sa press launch ng Filipino New Cinema ng World Premieres Film Festival 2015 sa Torre Venezia Suites along Timog Avenue, Quezon City last June 4.

Noon pa gustong pasukin ni Carlos ang pagiging director kaya naman inobserbahan niya ang mga magagaling na directors na nakatrabaho niya sa pelikula tulad nila Chito Rono, Tikoy Aguiluz, Uro dela Cruz, Rico Ilarde, Eric Quizon at Maryo J. Delos Reyes.

“Isa ‘yan sa mga pangarap ko noon pa. Pero siyempre before, artista lang tayo. Doon lang tayo naka-concentrate.

“May mga sinusulat na rin akong mga stories noon pero tinatago ko lang ang mga iyon. Alam ko na one day matutupad din ang dream ko na matawag akong ‘Direk,’” ngiti pa niya.

Kumuha ng crash course on filmmaking sa U.S. si Carlos at nasa
plano rin niyang mag-aral pa rito ng isang film course para mas marami pa siyang matutunan sa pagiging director.

“Lahat naman ng kailangan kong pag-aralan ay ite-take up ko kasi seryoso na ako sa pagiging director.

“Nagawa ko na kasi maging aktor. Nagawa ko na ang halos lahat ng mga roles na puwedeng gawin from being a sexy, action, drama, comedy. I also did mga TV series.

“Naka-contribute ang lahat ng iyan sa kung ano ang gusto kong mangyari ngayon.

“Lagi ko ngang sinasabi na pinaka-best teacher sa kahit na anong pasukin mo ay ang experience.

“I’ve been in this business for the past 18 years. Marami nang nangyari sa buhay ko and I guess it’s time na tuparin ko na ang isang dream kong ito.”

Miyembro ng isang dance group from Olongapo City si Carlos bago siya maging artista in 1997.

Nursing student din si Carlos sa isang university sa Manila nang
sumali siya sa isang modeling contest kunsaan siya nadiskubre.

Gumawa siya ng ilang mga sexy “pito-pito” movies noon sa
bakuran ng Regal Films hanggang kunin siya ni Direk Chito Rono para magbida sa pelikulang Laro Sa Baga.

Naging sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ni Carlos tulad ng Babaeng Putik, Most Wanted, Red Diaries, Halik Ng Sirena, Sabayan Sa Laban, Bayaran at Onsehan.

Sa TV ay lumabas si Carlos sa mga teleserye na Recuerdo de Amor, Maid In Heaven, Captain Barbell, Dyosa, Volta, Rosalinda, Alyna, Babaeng Hampaslupa, Juanita Banana,
Imortal, Reputasyon, Felina, Indio at Dyesebel.

Ayon pa kay Carlos ay hindi niya iiwan ang acting kahit na nasubukan na niyang maging isang director.

“Una nating naging trabaho sa showbiz ang pagiging artista. Marami akong naging magagandang memories sa pagiging aktor ko. Isa na roon ay noong manalo ako ng Best Actor sa Star Awards for Laro Sa Baga.

“Kaya hindi ko ito iiwan. Pumasok lang tayo sa bagong career as a director na pinagsusumikapan ko ng husto.”

Naging sulit naman daw ang pagtitiyaga ni Carlos na mabuo ang unang indie film na dinirek niya dahil kasama ang Piring (Blindfold) sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival Philippines 2015 na tatakbo mula June 24 hanggang July 7 sa SM Cinemas.

Nagkuwento pa si Carlos na naranasan na niya ang hirap ng pagiging director kumpara sa pagiging aktor lang.

“Kapag artista ka lang, kapag break time, puwede kang matulog or umalis ka muna. Marami kang time na gawin ang ibang bagay.

“Kapag director ka pala, wala kang pahinga. May times nga na hindi rin ako nakakakain dahil nakatutok ako sa lahat, eh. ‘Yung acting ng mga artista ko, yung script, pati na ang technical aspects ng movie pinakikialamanan ko.

“Kasi nga naman, first directorial job ko ito kaya gusto kong maganda ang kalalabasan. Gusto ko ay may magandang impression agad ang mga makakapanood.

“Nakakatuwa naman na napasama kami sa walong official entries sa WPFFP.

“Ako nga lang ang pinakabagong director sa walo kaya nakakakaba. Overwhelmed ako kasi nahilera ako sa mga mahuhusay na indie film directors natin ngayon.”

Ang kuwento ng Piring ay tungkol sa buhay ng isang ordinaryong working student named James na gusto lang maging maganda ang buhay ng kanyang pamilya. Pero sa hangad niyang mapagaan ang buhay nila, may mga nakilalang mga tao na tuturo sa kanya na kumapit sa patalim.

“Very timely ang kuwento ng Piring. Nangyayari ito sa maraming tao araw-araw.

“Maraming makaka-relate sa kuwento ni James, lalo na sa mga characters sa movie na nakakasalamuha niya na tiyak ay may mga ganyang tao tayong kilala sa tunay na buhay,” diin pa ni Carlos.

Mga artista ni Carlos sa Piring ay sina Bembol Roco, Tessie Tomas, Rocky Salumbides, Krista Miller and introducing Yussef Esteves bilang James.

Continue reading below ↓



Read Next
Read More Stories About
`
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Morales wants to take up filmmaking after studying a crash course on filmmaking in the United States. The former sexy actor is best known for the movie Laro sa Baga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results