Chanel Latorre on Polo Ravales as leading man: "Yung mga tingin pa lang niya, tinging manyak na."

by Nonie Nicasio
Jun 11, 2015


Nagpapasalamat si Chanel Latorre sa patuloy na pagdating ng mga project sa kanya. Itinuturing niya kasing blessings ang bawat pelikulang ginagawa niya.

Sa ngayon ay tinatapos na ni Chanel ang pelikulang Mabalasik na tinatampukan nina Rocco Nacino at Aljur Abrenica. Pati na ang latest project ni Direk Arlyn dela Cruz titled Tibak na ukol sa buhay na founder ng CPP na si Joma Sison.

“Sobrang masaya po ako sa mga dumarating na projects. Kasi po, in love po ako sa pag arte Kaya kapag madaming projects, masayang-masaya po ako talaga!

“I dont regard it as work, e. Kasi, it’s my passion, passion ko po talaga ang acting,” masayang saad ni Chanel nang makapanayam ng PEP.ph sa presscon ng World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section kamakailan.

Ang World Premieres Film Festival Philippines ay hatid ng Film Development Council of the Philippine at mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang sa July 7, 2015 sa SM North EDSA.

Continue reading below ↓

Ano’ng masasabi mo na kasali ang pelikula ninyong Of Sinners and Saints sa film fest na ito?

“Happy po ako na mapapalabas siya dito. Medyo kinakabahan lang po kasi first feature film ko po as lead na ipapalabas dito sa Pilipinas.

“Hindi ko pa po nakikta yung film, kaya nakakadagdag kaba. sana po maganda ang kalabasan.”

Nagbigay din siya ng kaunting background ng pelikula nilang ito na tinatampukan din nina Polo Ravels, Raymond Bagatsing, Richard Quan, at ng Italian-Filipino filmmaker na si Ruben Soriquez.

“Asawa ko si Polo rito, pero may nakaraan kami ng isang pari, played by Ruben Maria Soriquez, na siya ring bida at direktor/producer ng movie. Ang peg namin dito ni Direk Ruben, ‘We had the right love at the wrong time.’ Kasi nga, pari siya.

“Siyempre, dahil brutal na tao si Polo, violent siya, kaya gusto ko nang umalis sa relasyon namin.

“Ang message po bale ng movie, love conquers all, God is our priority, yung strength behind silent resilience…”

Continue reading below ↓

Nabanggit pa niya ang naging experience sa movie nang natakot siya sa isang eksena nila ni Polo.

“Natakot po ako sa kanya, hindi ko kasi alam kung ano talaga ang gagawin niya. Itsura pa lang ni Polo, yung mga tingin pa lang niya, tinging manyak na.

“Nakaramdam talaga ako ng takot kay Polo rito, kasi mukha siyang manyak dito. Doon sa eksena namin, ang tingin ko talaga kay Polo, parang manyak talaga siya, e. Ganoon ka-intense yun…

“So, dito ay ipinakita ni Polo na magaling na artista talaga siya. Kumbaga, may karga yung acting niya.

“Siyempre dahil usually, madaming beses nagte-take si Direk and si Polo ay lalong nakakatakot siya sa bawat take sa twenty times na yun na galit na galit siya.

Ganoon yung intensity ng acting na ipinakita niya rito.”



ON SHOOTING RAPE SCENE. Ikinuwento pa ni Chanel kung gaano katindi ang rape scene niya rito.

“Dito, first ko rin na experience na wala kang ipinapakita, hindi ka naghuhubad, pero talagang brutal iyong labas ng eksena.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, kung wala ako sa character, parang, ‘Polo, come here,” nakatawang saad ni Chanel sa tonong nang-aakit.

“Pero kapag nasa character na, parang, ‘Polo! Huwag!’ Ganoon e,” nakatawang paliwang niya.

Patuloy na kuwento pa ni Chanel, “Tapos, may isang eksena rito na kailangan ninyong abangan. Kasi, akala ko talaga ay masasaktan ako, e. Ang dami kasing nabasag ni Polo na mga baso, pero hindi naman ako nasaktan o nasugatan.

“Iyong rape scene dito nagulat ako. Naghahanap kasi ako ng rape scene na kakaiba. Ang dami ko na kasing ginawang rape scene, e. Kaya parang sabi ko, ‘Ano pa ba ang mas bubrutal pa sa ginawa ko sa pelikulang Maratabat?’

“E, ang brutal-brutal na iyong ni-rape ako roon ni Kristoffer King, ‘di ba?

“Pero nang ginawa ko ang pelikulang Of Sinners and Saints, mas may bubrutal pa pala. Puwede pa palang malagpasan iyong ginawa ko sa Maratabat.


(Read: Chanel Latorre "traumatized" by rape scene with Kristoffer King for indie film Maratabat)

Continue reading below ↓


Ani Chanel, "So, eto talaga iyong pinaka-brutal na rape scene na na-experience ko. At ang nakagugulat sa rape scene na ito, wala akong ipinakita na kahit ano. Hindi ako naghubad, pero sobrang grabe iyong eksena, sobrang brutal siya.

“So, nagulat talaga ako na ganito ang kalalabasan ng pelikula,” mahabang saad pa niya.

Ano’ng masasabi niya sa direktor nila rito?

“Ang kakaiba lang kasi kay Direk Ruben, he is very meticulous. Like for example iyong bugbugan scene, bugbog ka pero twenty times mong gagawin.

“If you are an actor, talagang na-hype ka na, e. Kunwari galit ka, galit ka nang twenty times. So si Polo, kailangan niyang kontrolin ang galit niya.

“E, may time na dumating siya na hind niya na-control,” nakangting saad pa niya.

Nag-e-expect ka ba ng award dito sa World Premieres Film Festival Philippines?

Sagot niya, “Hindi naman po sa nag-e-expect ng award dito, kasi madami pong magagaling. Isa pa, masakit pong mag-expect, e…

Continue reading below ↓

“Pero siyempre po, it would be good to have an award and knowing that I gave my all for the film, malaking bagay po kung susuwertehin tayong manalo rito,” nakangting saad pa ni Chanel.

Read Next
Read More Stories About
Chanel Latorre, FDCP
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results