Richard Quan reveals he has turned down roles in the past because of his religion

by Ruben Marasigan
Jun 12, 2015
Richard Quan relates he has been picky about the roles offered to him for two reasons. One is it must not be in conflict with his devotion as Iglesia ni Kristo. And the second, "Nasa stage na ako na as much as possible ang tinatanggap ko ay ‘yong nai-excite lang ako. Otherwise, babagsak." He reveals, "We’re negotiating with Channel 2... may offer na isang teleserye."


Isa si Richard Quan sa cast members ng Of Sinners and Saints na kabilang sa eight selected films na magku-compete sa Filipino New Cinema Section ng 2015 World Premieres Film Festival.

Organized by the Film Development Council of The Philippines in cooperation with SM Cinemas, it will take place from June 24 to July 7, 2015.

“Actually ‘yong napasama lang ako sa fim na ito, happy na ako, e.

“Na Italian ‘yong director and from a foreigner’s point of view, happy na ako,” pahayag ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“‘Tapos okay ‘yong role, and then ‘yong napasali ang pelikula sa World Premires Film Festival, big bonus na ‘yon.”

Kapag may pelikula ba siyang nagku-compete sa isang film festival, naiisip ba niya ang tungkol sa pananalo ng acting award?

Matatandaan na minsan na siyang nanalo ng award bilang New Movie Actor Of The Year sa PMPC Star Awards For Movies para sa una niyang ginawang pelikulang Saan Ka Man Naroroon.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay ilang acting nominations pa ang kanyang nakamit sa nagdaang mga panahon.

“Actually as you age, habang tumatanda ka, mas naa-appreciate mo ‘yong work.

“Mas naa-appreciate mo ‘yong acting at nai-enjoy mo and all that.

“So dumarating ka sa age na ‘yong award, bonus na lang siya.

“With or without the award, in-enjoy mo na ‘yong proseso.

“Nasa stage na ako na as much as possible ang tinatanggap ko ay ‘yong nai-excite lang ako.

“Otherwise, babagsak… there was a time in my life, sa acting career ko, tinamad ako, e.

“So I make sure na lahat ng tinatanggap ko exciting para ‘yong motivation, dire-diretso.

“Kaya ‘yong award, hindi na siya gano’n kalaking factor sa akin.

"Kung magkakaroon, it’s just a big bonus, thank you.

“Kung wala naman, happy na ako kung nasaan man ako.”

�

WAIVES TALENT FEE. Sa ngayon, ginagawa ni Richard ang pelikulang Ang Sugo na tungkol sa buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo na gagampanan ni Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

“All-star cast ‘yong movie. Name it, nandon na lahat halos ng mga artista.

“Sixteen days na lang, ‘tapos na ‘yong movie, inabot ng halos eight months ang shooting nito.

“May mga pagkakataon kasi na nahihinto, hindi tuloy-tuloy ‘yong shooting.

“Ang role ko, ako ang pinaka-kontrabidang ministro sa Iglesia, ako ‘yong unang nag-aklas at nagrebelde.”

Character ba ni Ely Soriano ‘yong ginagampanan niya?

“Hindi, wala pa si Ely no’ng mga panahon na ‘yon.”

Ano ang kaibahan kapag pelikulang produced ng Iglesia ang ginagawa niya kumpara sa karaniwang pelikula gaya ng mga naunang ginawa niya?

“Sobrang laki ng difference, hindi ako tumanggap ng talent fee dito sa Sugo,” sabay ngiting sabi ni Richard.

“They are insisting na tumanggap ako ng talent fee, pero no.

“Hindi ko kayang tumanggap ng talent fee para sa pelikula tungkol sa pinaka-importanteng tao para sa akin,” patungkol niya sa founder ng kanilang relhiyon.

“Iyon pa lang, ang laking difference na, ‘di ba?”


Continue reading below ↓

GUIDELINES FOR ACCEPTING ROLES. Samantala, ang Of Sinners and Saints ay kuwento tungkol sa Italian priest na nadestino sa Pilipinas at nakipamuhay sa isang magulo at hikahos na pamayanan sa Payatas.

Bida rito ang Italian na may dugong Pinoy na si Ruben Maria Soriquez na siyang direktor din ng pelikula.

“The movie is about sa mga pari na medyo confused, nagkaanak ‘yong iba.

“’Yong character ko ang tumulong sa character ni Ruben Soriquez para mapaayos ‘yong situwasyon niya.

“Kasi nagkaanak din siya nang hindi niya alam.

“‘Yong babaeng naanakan niya [na ginagampanan ni Channel Latorre] ay isa nang asawa ng gangster played by Polo Ravales.

"Kailangan din naming tulungan ‘yong babae.”

Paano napapayag ni Richard ang pamunuan ng INC na magampanan niya ang nasabing role.

“You have to look at it sa kabuuan ng project, e.

“Remember ‘yong Pedro Calungsod [na pinagbidahan ni Rocco Nacino]?

“Dapat ako ‘yong tatay ni Pedro Calungsod, e.

Continue reading below ↓

“Tinanggihan ko ‘yon kasi ‘yong intention ng movie, propaganda ng Catholic.

“Itong sa Of Sinners and Saints, hindi ito propaganda ng Catholic.

“This is a story ng mga tao na nagkataong Catholic.

“Alam mo ‘yong difference? Hindi siya propaganda material o propaganda movie.

“Sa tagal ko nang artista, may mga roles ako na kinuwestiyon [ng INC], of course.

“At sa tagal ko na kasi, ako na ‘yong nagsi-censor kung ano ‘yong mga roles na tatanggapin ko at kung ano ‘yong mga hindi.

“Pero there was a time, siyempre, bago ka… hindi pala kami puwedeng mag-commercial ng beer.

“Ipinatawag ako noon dahil sa mga gano’n.

“’Yong sa Pedro Calungsod, medyo confusing iyon, kasi father lang naman ako ni Pedro Calungsod.

“So ipinaalam ko talaga ‘yon, sinabi sa akin na huwag kasi it’s a propaganda movie kaya tinanggihan ko.

“Mahigpit, kailangan ko laging siguruhin na hindi nagku-conflict ‘yong aral ng Iglesia Ni Cristo sa mga roles na ipinu-portray ko.”

Continue reading below ↓



MORE PROJECTS. Ano pa ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon?

“Semi-regular ako sa My Mother’s Secret ng GMA-7, kaibigan ni Christian Bautista ang role ko rito.

“‘Tapos we’re negotiating with Channel 2, baka may gawin ako do’n na isang teleserye.

“Ayoko munang sabihin, pero may offer na isang teleserye.

“Katatapos ko rin lang ng isa movie about cyber bullying sa mga kabataang estudyante na comedy ang approach.

Pa-Like Po ang title nito with Kiray Celis.”

Read Next
Read More Stories About
Richard Quan, Dennis Trillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Quan relates he has been picky about the roles offered to him for two reasons. One is it must not be in conflict with his devotion as Iglesia ni Kristo. And the second, "Nasa stage na ako na as much as possible ang tinatanggap ko ay ‘yong nai-excite lang ako. Otherwise, babagsak." He reveals, "We’re negotiating with Channel 2... may offer na isang teleserye."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results