Derek Ramsay to be replaced by JM de Guzman in English Only, Please sequel?

by Ruben Marasigan
Jun 16, 2015
May usap-usapang magkakaroon ng Part 2 ang surprise hit movie na English Only, Please, pero hindi na raw si Derek Ramsay ang makakapareha ni Jennylyn Mercado kundi si JM de Guzman na. Pahayag ni Derek tungkol dito, "If that’s what they decide to do, okey lang sa akin."

Binigyan ng special citation si Derek Ramsay, at ang kapareha niyang si Jennylyn Mercado, sa 46thBox Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, noong Linggo, June 14.

Ito ay dahil sa critically-acclaimed at box-office hit movie nilang English Only, Please, na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Pahayag ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “It’s a different experience with Guillermo.

“They’re the the first award-givinging body that gave me an award to recognize my talent in the industry, so this is a special award for me.

“And they’re giving recognition for your hard work and giving recognition to your talent.

“So, I think, what every actor looks for is not just having a successful project, but also having your efforts recognized.”

Dagdag pa niya, “English Only, Please is one of the best films that I’ve done.

Continue reading below ↓

“I really enjoyed doing it and I really enjoyed working with Jennylyn.”

PART TWO. Ano na ang balita sa pinaplanong sequel ng English Only, Please? Tuloy na ba ito?

Ayon kay Derek, “Sa 2016 pa siguro ‘yon.

“There are talks na gagawin abroad, either in U.S. or somewhere… maybe in Europe.

“Sana matuloy kasi ang ganda nga ng concept.

“As of now, sabi nila, tuloy daw.”

Pero bakit may balitang hindi na siya ang makakapareha ni Jennylyn kundi si JM de Guzman na raw?

Sagot ng Kapatid actor, “Uhm… hindi ko alam. Hindi ko pa naririnig ‘yan.

“E, if that’s what they decide to do, okey lang sa akin.

“Maganda yung concept, pero hindi ko maintindihan kung paano mangyayari ‘yon kung English Only, Please Part Two.

“Baka ibang pelikula na magtatambalan sina Jennylyn at JM.

“Ang alam ko nga, Jennylyn is doing a film now with Regal, with Sam [Milby].

Continue reading below ↓

“And meron din yata silang entry sa MMFF na… hindi ko alam kung sino ang leading man ni Jennylyn.

“Pero baka mag-cameo ako.

“Sabi nga nila, bakit ko gagawin ‘yon? Masaya naman, e.”

UPCOMING MOVIES. Ano ang mga bagong pelikulang naka-lineup para sa kanya ngayong taon?

“Actually, I’ll be staring a new movie on Tuesday [June 16] with Ms. Coleen Garcia. Yung Ex With Benefits.

“Medyo sexy na naman tayo!

“Medyo serious naman yung film, so abangan n’yo ‘yan this year.

“And kakatapos ko lang ng pelikula with Direk Toto Natividad under Skylight as well.

Pangil ang title nung movie, so ang ka-loveteam ko ay isang buwaya!” tawa ni Derek.

Yung movie na pagsasamahan nila ni Kris Aquino, tuloy rin ba?

“Hindi pa sure, pero… sana!” sambit niya.

Open kaya siya to do a movie again with his ex-girlfriend Angelica Panganiban?

“Most definitely!” mabilis niyang tugon.

“I did a movie with Angelica before, yung I Love You, Goodbye [2009] na magandang pelikula ‘yon.

Continue reading below ↓

“Magaling na artista si Angelica, so yeah! No problem for me to be paired up with Angel.

“If ever na may tamang script na pareho naming magustuhan, sana magkatrabaho ulit kami.”

VARIETY SHOW. Masaya rin daw si Derek sa pagsisimula ng airing ng bagong show niya sa TV5, ang Happy Truck Ng Bayan.

“Awesome, awesome!

“I love the show. I love the whole concept.

“And kung puwede nga iyon na lang ang gawin ko, dun ko na ibuhos ang lahat ng efforts ko.

“Gustung-gusto ko, e. Shocked nga ako na mai-enjoy ko ang isang variety show.

“But I really like the concept na kami ang pumupunta sa mga tao. It makes it more intimate.

“The other day, we had a blast. Kahit sobrang init yung mga ibang artista na, ‘Ang init, ang init!’

“Ako, ang init nga, pero gusto ko ‘to. Ito ang gusto ko!” tawa ni Derek.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May usap-usapang magkakaroon ng Part 2 ang surprise hit movie na English Only, Please, pero hindi na raw si Derek Ramsay ang makakapareha ni Jennylyn Mercado kundi si JM de Guzman na. Pahayag ni Derek tungkol dito, "If that’s what they decide to do, okey lang sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results