Joross Gamboa shoots shower scene with Thai actor AE Pattawan for new indie film

by Ruel J. Mendoza
Jun 21, 2015
Joross Gamboa on working with Thai actor AE Pattawan, his co-star in I Love You, Thank You indie film: “Sa scene kasi, pareho kaming lasing ni AE. Then it led to a shower scene. The scene was shot artistically. It’s one of the best scenes in the film.”


Para kay Joross Gamboa, naging masuwerte ang kanyang ini-expect na baby boy dahil noong unang ipagbuntis daw ito ng kanyang misis, sunud-sunod ang naging trabaho ng aktor.

Bukod sa napapanood si Joross sa ABS-CBN teleserye na Bridges of Love, nagbida pa siya sa indie film na I Love You, Thank You na isa sa 8 official entries sa Filipino New Cinema. Mula ito sa direksyon ni Charliebebs Gohetia.

Magsimula na itong ipalabas sa SM Cinemas simula June 24 hanggang July 7.

Gaganap bilang isang gay si Joross na nakasanayan na niyang gampanan sa pelikula (Suddenly It’s Magic) at TV (Beki Boxer).

“I really don’t mind playing gay sa pelikula man or sa TV.

“May challenge pa rin para sa akin ang ganyang mga roles.

“Dito sa I Love You, Thank You katutuwaan ako ng mga bading dahil sa pagganap ko sa role bilang si Paul.

“Maraming makaka-relate sa pinagdaanan ni Paul. Yung mga emote niya sa buhay, yung mga frustrations niya at siyempre yung magiging happiness niya sa piling ng lalaking alam niyang mamahalin siya,” kuwento pa ni Joross nang makapanayam ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) sa press launch ng Filipino New Cinema ng 2015 World Premieres Film Festival Philippines sa Torre Venezia Suites in Quezon City.

Continue reading below ↓

�

LOVE STORY. Ayaw ngang i-label or tawagin ni Joross na gay film ang I Love You, Thank You. Mas gusto niya itong makilala bilang isang love story tungkol sa pag-ibig na hindi nabibigyan ng pansin.

“Love is a universal language—walang gender, walang kulay, walang boundaries. Yun ang kuwento namin dito.

“Kapag sinabi mo kasing gay film, iba ang hanap ng iba, e. More on sa sexual aspect ng movie.

“Dito naman it’s more on the emotional side. Kung tawagin nga nila ay may hugot.

“Kaya asahan nila na maraming hugot mula sa mga eksena namin dito. Hugot pa more!” paliwanag pa niya.

Ang kasama ni Joross sa movie ay ang Thai actor na si AE Pattawan.

May shower scene silang dalawa sa movie pero maganda naman daw ang pagkakakuha ng kanilang director.

“Sa scene kasi, pareho kaming lasing ni AE. Then it led to a shower scene. The scene was shot artistically. It’s one of the best scenes in the film,” pagmamalaki niya.

Continue reading below ↓



GUERRILA-STYLE SHOOTING” IN ASIAN CITIES. Sa tatlong bansa nga sa Asia nila kinunan ang I Love You, Thank You. Pero nilinaw ni Joross na hindi malaki ang budget ng kanilang pelikula.

Kuwento niya, “We shot in Thailand, Vietnam and Cambodia.

“Hindi malaki budget namin at kinunan namin ang mga scenes na panakaw lang. Guerilla-style.

“Nakakatawa nga kasi dahil sa wala kaming permit to shoot, tinetiyempuhan na lang namin na walang makakahuli sa amin.

“May isang shoot na sinigawan kami ng mga pulis habang kinukunan namin ang isang madramang eksena. Ayun pinaalis kami doon sa lugar.

“Hindi lang ako aktor dito sa movie kundi production assistant, lightman, makeup artist.

“May kanya-kanya kaming trabaho kaya ang saya ng bonding namin sa paggawa ng movie.

“Marami pang mga nakakatawang experiences habang sinu-shoot namin ang movie kaya very unforgettable sa akin itong I Love You, Thank You.”

Kasama rin sa pelikula sina CJ Reyes at Prince Stefan.

Continue reading below ↓



Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa on working with Thai actor AE Pattawan, his co-star in I Love You, Thank You indie film: “Sa scene kasi, pareho kaming lasing ni AE. Then it led to a shower scene. The scene was shot artistically. It’s one of the best scenes in the film.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results