Kiko Matos says Coco Martin continues to serve as an inspiration to indie actors like him

by Ruel J. Mendoza
Jun 22, 2015
Indie film actor Francisco "Kiko" Matos (middle) on his inspiration, Coco Martin: “Siya yung nagbigay ng pag-asa sa amin na may mararating ang lahat basta masipag at naniniwala ka sa kakayahan mo bilang isang tao. Kaya tayo naman, tuloy lang ang pagtrabaho. Hindi natin kailangan maging kampante.”


Hindi itinatanggi ng indie film actor na si Kiko Matos na balang-araw ay nais niyang marating ang kinalalagyan ng award-winning actor na si Coco Martin.

Naging inspirasyon na si Coco para sa mga tulad niyang indie film actors na dahil sa tiyaga at sipag ay matutupad ang kanilang pangarap na maging isang sikat na artista sa TV at pelikula.

“Si Coco ang naging inspiration naming mga nasa indie film industry.

“Siya yung nagbigay ng pag-asa sa amin na may mararating ang lahat basta masipag at naniniwala ka sa kakayahan mo bilang isang tao.

“Kaya tayo naman, tuloy lang ang pagtrabaho. Hindi natin kailangan maging kampante.

“Kailangan tuluy-tuloy lang para marating natin ang inaasam nating goal sa buhay,” pahayag pa ni Kiko nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Filipino New Cinema last June 4 sa Torre Venezzia Suites in Quezon City.

INDIE INDUSTRY FAVORITE. Simula noong maging aktibo sa paggawa ng indie films si Kiko, naging paborito na siyang kunin ng mga producers at directors.

Continue reading below ↓

Una siyang napansin sa indie film na Babagwa in 2013. Sumunod ang Mumbai Love, Hukluban, Edna, Partee at ang latest ay ang Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong? na isa sa walong entries ng Filipino New Cinema section ng 2015 World Premieres Film Festival Philipines.

“I also appear sa isa pang entry na Of Sinners and Saints pero guest role lang ako doon.

“Dito sa Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong? kami nila Paulo de Vera and Elston Jimenez na mga bida rito.

“We play friends who will try to blackmail a very rich writer who goes by the pseudonym Pangkoy Ong.

“Tinatakot namin siya para bigyan niya kami ng pera. Kung hindi niya kami babayaran ay ire-reveal namin kung sino talaga siya.

“It’s a funny story na naging magulo dahil sa mga situwasyon na pinasok naming lahat,” kuwento pa ni Kiko na kasama na rin sa cast ng indie film na Kabisera with Superstar Nora Aunor.

Continue reading below ↓

Masuwerte nga si Kiko sa paglabas sa mga indie films dahil ang mga ganitong pelikula ang naiimbitahan at pinapanood sa mga film festivals abroad.

“I am blessed to be doing indie films sa panaho natin ngayon.

“Mas napapansin kasi ang mga ganitong pelikula kesa sa mga mainstream films.

“'Tapos nakakatrabaho ko pa ay mga mahuhusay at mga batang director. Tingin ko nga sa kanila ay mga artists.

“Like Babagwa, na-invite na siya sa film festivals in Hawaii, Cleveland [Ohio], Warsaw [Poland] and Vancouver [Canada].

“I am hoping to do more indie films para ma-experience ko ang maka-attend ng mga international film festivals,” ngiti pa niya.

STAGE PLAY. Bukod sa paggawa ng mga indie films, makakasama si Kiko sa kanyang unang stage play via the local staging of The Glass Menagerie ni Tennessee Williams. Gagampanan niya ang role na Jim O’Connor.

Aminado si Kiko na kinakabahan siya sa unang pagsabak siya sa entablado.

Continue reading below ↓

Pag-amin niya, “I don’t know what to expect. First time kong gagawin ang ganitong full stage play.

“Nakapag-recital play na ako before sa Tanghalang Pilipino.

“Iba na ito dahil ang sagad sa rehearsals at pag-memorize ng script.

“'Tapos haharap ako sa malaking crowd. Kailangan consistent ang pagganap ko sa character ko.”

Dito raw sa stage play na ito mahuhubog ng husto ang pagiging aktor ni Kiko.

“I’ve done TV and movies. It’s time to give theatre a try.

“Dito na makikita ang growth ko bilang isang performer and not just an actor.”

Makakasama ni Kiko sa The Glass Menagerie sina Timmy Cruz, Arnold Reyes, and Michiko Unso. Mula ito sa direksyon ni Edith Mandigma Produced ito ng Actor’s Repertory Theater and Thinktalk Creative Communication.



PAST WORKS. Una ngang nakilala si Kiko (Francisco Matos in real life) sa contest na “TV Idol Ur D’Man” ng programang MTB: Magandang Tanghali Bayan ng ABS-CBN in 2004.

Continue reading below ↓

Si Kiko ang pinakabatang contestant at age 15 na umabot sa grand finals na napanalunan ni Arron Villena. Mga nakalaban pa ni Kiko that time ay sina AJ Dee, J.E. Sison at Marc Cortez.

Ginawa pa siyang partner kay Shaina Magdayao noon sa mga teleserye na ‘Til Death Do Us Part at Ikaw Ang Lahat Sa Akin.

Read Next
Read More Stories About
Kiko Matos, Coco Martin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie film actor Francisco "Kiko" Matos (middle) on his inspiration, Coco Martin: “Siya yung nagbigay ng pag-asa sa amin na may mararating ang lahat basta masipag at naniniwala ka sa kakayahan mo bilang isang tao. Kaya tayo naman, tuloy lang ang pagtrabaho. Hindi natin kailangan maging kampante.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results